Chapter 10

18 1 0
                                    

Mariz's Pov.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pag makita ko si hero ng harapan kaya napatawag nalang ako kanina kay Ellie kung tuloy yung pag punta namin dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman ko.

Pero gumaan nalang yung pakiramdam ko nang makita ko yung lugar kung saan sila nag ppractice sobrang ganda kaya napalitan ng saya yung kabang nararamdaman ko.

Nang makita ko rin siya ng malapitan ay nakaramdam ako ng pag ka dismaya dahil hindi na nga niya ko makilala.

Im just stranger.

Sa mga oras na to ay kasama ko pa rin siya dahil siya na rin mismo ang nag alok na ihatid ako pauwi.

Kahit maraming nag bago sakanya ay ramdam ko pa rin yung dating siya.

Natuwa nalang ako sakanya dahil masyado siyang padalos-dalos tulad ng pag alis nalang namin ng hindi man lang siya nag paalam kaya napatawag si Ellie.

Ang gwapo pa rin niya... ayy hindi!. mas naging gwapo pa siya, palabiro pa rin siya at maalaga. Yung dimple niya mas lutang pa rin pag ngumingiti siya.

'Hey.. ikaw.. ha tinitignan mo ko ' namula ako bigla dahil naka tingin na pala siya sakin kaya agad ako tumingin sa may bintana bilang pag iwas ko.

'Hindi noh'

Narinig ko yung pagtawa niya pero muli ko siyang tinignan.

'May gusto ka siguro sakin?' tanong niya sabay kindat sakin.

Oo.. matagal na...bulong ko sa isip ko.

Yumuko lang ako at hindi ko sinagot yung tanong niya.

'Dito ba liliko?' tanong niya saka tumingin ako sa labas.

'Uhm.o d-diyan nalang ako'

'Sigurado ka?' tanong niya saka hininto niya sa may bandang gilid.

'Oo konting lakad nalang ako' wika ko saka bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse nang  mahawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya, sobrang lapit pa ng mukha niya sakin.

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko dahil nakatingin rin siya sakin at pakiramdam ko ay parang bumagal ang lahat.

'A-ako na' wika niya sabay bigla kong inalis yung kamay ko dahil siya pala mag bubukas ng pinto.

'Salamat'

'Mag iingat ka'

Bulong niya saka ngumiti lang ako ng bahagya at bumaba para lumakad na.

'Mag iingat ka'

Hindi na niya ko siguro matandaan

'Hays.. ang daya mo naman kasi! ikaw na nga tong nang iwan, ikaw pa tong lumimot.' wika ko habang nag lalakad lang ako.

'Tapos naging mas gwapo ka pa lalo. Nag iba ka nga lang, pero yung ibang katangian nung dating hero na kilala ko nasayo pa rin. Sadyang marami lang nag iba sayo alam mo yun?'

'Oh anak.. ano sinasabi mo? Sino kausap mo?' Nagulat ako bigla kay mama nasa pintuan na pala kasi ko. Bat' ba kasi ko nag sasalita mag isa.

'W-wala po hehe'

'Sigurado ka?

'Opo.'

'Ohsya .. pumasok kana sa loob at kumain'

'Sige po.'

Pumasok nalang ako sa loob at sinalubong agad ako ni papa.

'Cherry cake kumain kana ba?'

NightCore☆Where stories live. Discover now