CHAPTER 1

511 11 6
                                    

[CALL ME RUTHLESS, BUT NOT ROMANTIC.]

A/N: yay! Author here! So here's the book 4, the final book ng Fontana series.  Kung napapansin niyo, every chapter has it's title na! Yay! *sarcastic laugh* Deeh, gusto ko kasing itry maglagay ng title na related sa content pero hindi nagkoconnect XD. And uunahin ko na lang siguro iupdate ang book 4 at 2 kasi nawala ko ang draft ko para sa story sa book 3 *le cries*. Wag mag-alala, hindi sasakit ang ulo niyo kakaintindi nito kahit hindi niyo nabasa ang previous books. *I think XD, Don't worry I'll try my best!* So here it is! Enjoy!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Five years earlier]

"Ano?! Lalaban ka pa ba?!"

Hinawakan ko ang collar ng damit niya at tinulak sa pader paatras ng malakas. This bastard tried to take me on dito sa makitid na eskinita habang papauwi akong mag-isa.

"Hi-hindi na po! Pa-pa-patawad!" Magkahalong sipon, luha at dugo ang dumadaloy sa hindi na maipintang mukha niya. Hmmp! Pasalamat siya at nag-iisa lang ako at bali-baling buto lang ang inabot niya. He can't even imagine what my boys will do to him. Baka impyerno na ang biyahe niya.

So you may be asking me if I am a gangster, mafia, yakuza...yeah you got the point I know...I am not. Hindi ako nagsisinungaling. Kayo na ang bahalang humusga.

"Eto pala ang inaatupag mo, Chain. Dinner's ready. Ikaw na lang ang inaantay sa bahay." A familiar silhouette emerged from the shadows.

"Tsk. Ikaw lang pala Blood. Tatapusin ko lang to. Tell Dad I'll catch up before dinner. And stop that!" Binato ko ang hawak niyang camera. As usual busy siya sa kakapicture sa akin habang binubugbog ko tong kumag na hawak ko.

At kung tatanunungin niyo ako kung sino siya...I'm happy to say that anak lang siya ng hardinero sa bahay namin...

Deeh. Kapatid ko ang lokong yan. Ewan ko kung bakit ganyan yan, pinanganak talaga yan na may saltik.

My sister complex kasi tong baliw na to. Ilalagay na naman niya yan sa mga collection niyang mga picture ko. Adik lang na Kuya. Supportive! Nah, I still adore him even though may saltik siya sa ulo pero kung nakita niyo lang kung paano niya ginawang wallpaper sa buong kwarto niya ang pictures ko...It'll really creep you out.

"Fine." Nakapout siyang umalis mag-isa. Sinong matinong Kuya ang iiwan na may nanghaharass sa kapatid niya? Nah, our family is just like that. Besides, kaya ko naman ang sarili ko at alam din niya yun.

"Great. Isang distorbo ang nawala sa listahan. Yay."  I said sarcastically.

Now back to where I was. Minadali ko na ang pagbubog dito sa kumag na to nang may mapansin ako sa kabilang eskinita. Madilim pero may naaninag pa rin akong mga tao. Hindi ako pwedeng magkamali, mga anim na kataong parang may pinapalibutan. More like, may binubugbog. It's not my hobby snooping on other's business but those six cowards was really getting on my nerves. They're ganging up on a single enemy! Sino ba namang tarantadong gago ang lalabang mag-isa kahit hindi naman niya kaya?! Only an idiot starts a starts a fight that they can't win.

"Tsk. Distorbo." I sighed. Nabigla sila nang ihagis ko sa kanila ang katawan ng kumag na binugbog ko kanina.

"Hoy babae! Ano bang prob--" Hindi ko na siya pinatapos nang inabot ko ang braso niya at sinipa ang tiyan niya. Hindi pa ako nakontento, ibinanga ko pa sa pader ang kadiring mukha niya. Reresbak sana ang dalawa niyang kasama pero bago pa nila magawang mahablot ako, yumuko ako at sinipa ang isa sa paa para matumba at h-in-eadbutt naman ang isang malapit sa akin.

"Hindi ko ugaling makisali sa away ng may away pero—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko kung paano nabasa ng pantalon ng isa nilang kasama na mukhang takot na takot at pinagpapawisan.

"Pa-pare! Mukhang delikado tayo!" Sigaw ng isa nilang kasama at hinatak ang isa niyang kasama paatras .

"Si-siya si c-Chain Castillo! Tsugi tayo nito!" Yep, that's me, Chain Castillo. Next generation of the notorious Castillo in the underground world, a family supplying the Mafias and other organizations with firearms, the best ones. My Dad runs it. Wala akong kinalaman diyan, at wala din akong planong makisali. Si Blood ng bahala niyan balang araw. Wala din naman akong magagawa, yan lang ang alam niya para mapalamon kami ng kapatid ko tatlong beses sa isang araw at mabigyan ng luho at mabuting pamumuhay.

Ah! At isa pang dahilan para katakutan nila ako ang hindi mabilang na mga taong minalas na mabugbog ko.  Tanungin niyo pa sila, yun kung mabubuhay pa kayo tapos nito, o kung buhay pa ang mga gagong yun. Hep! Hindi ako gangster! Self-defense lang ang ginagawa ko!

Pinahid ko ang dugo sa pisngi ko while looking at them with a "who's next?" expression. Nangingig na ang lalaki habang nagsisigaw na parang bakla sa takot. Napatawa ako ng disoras.

"Shit! Atras na muna tayo!" At tumakbo silang anim na parang takot na pusa. I can't help but smirk with satisfaction.

"That's right. Know your places scum! Get out of my face right now!"  Sigaw ko.

"And you!" Ibinaling ko ang atensyon ko sa lalaking binugbog nila na nakasampa lang sa pader. Mukhang maaga akong dumating kaya hindi siya gaanong napano. But he looked like a mess. Punit-punit ang damit niya, magulo ang buhok niya, at hawak-hawak niya ang putok na labi niya. Tinignan ko siya ng malapitan at diretso sa mga mata habang isinampa ang dalawang kamay ko sa pader.
"What kind of retard would fight those crazy bastards alone?!" Diniinan ko ang bawat kataga sa pagmumukha niya. Am I imagining things or did I just saw him smirk at me?!

"Aba't gago tong isang to ah!" Susuntukin ko na sana siya nang nagulat ako nang may lakas pa siyang itulak ako sa pader.
~~

"Archaine Castillo! Why are you so late?!" Dad and Blood was already waiting for me at the dining hall.

"I'm sorry Dad. I just bumped over with some few trash out there." I said while few of our maids are busy cleaning the blood of those scums I've beaten from my clothes.

"Doesn't matter. Umupo ka na at kumain." He motioned me to come over and sit beside them.

"Wala akong gana. Matutulog na ako. Sorry for making you wait." Hindi ko na sila pinansing dalawa at naglakad na para umakyat sa kwarto ko.

"Weird. More like, Himala! Wala siyang gana!" Dinig kong sigaw ni Blood habang papa-alis ako. Go to hell Blood. Pasalamat ka, hindi kita papatulan ngayon.

Umakyat na ako sa kwarto ko at agad na pumunta sa shower. At this kind of situation, effective and mainit na shower pantanggal ng stress...

Stress.

Shit! Shit! Shit! ARGHH!! Nakakainis! Ang gagong lalaking yun! Nakakainis sobra! Sinuntok ko ang tiles ng pader ng walang tigil.
~~
"Aba't gago tong isang to ah!" Susuntukin ko na sana siya nang nagulat ako nang may lakas pa siyang itulak ako sa pader. I underestimated him. Masyadong siyang malakas para sa isang lalaking hinayaang mabubog ang sarili.  Nilapit pa niya ang mukha niya sa akin.

"And what kind of retard do you call yourself fighting those six alone?" Mahinang bulong niya sa tenga ko. Aangal pa sana ako nang bigla na lang...bigla na lang..bigla na lang niya akong hinalikan! Nalintikan na. I could feel my face heating up and my heartbeat starting to go fast. Itutulak ko sana siya papalayo nang hawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit. In the midst of the faint light coming from the streets, I could see that smirk planted on his face.
"Remember this. Babae ka pa rin." He whispered with a deep voice and just left.
~~

"Aah! Nakakainis!!!" Ihinagis ko ang unan ko sa pinto nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina. Hindi pa ako  nakuntento, inihampas ko ang ang ulo ko sa pader when I felt my face heating up again. I'm not being demure, sentimental, emotional or ano pa ang tawag dun but he dare steal a kiss from me! This is humiliating!

"Sheeet! Chain! Magpatulog ka naman! May pasok pa tayo bukas!" Sumulpot ang ulo ni Kuya Blood sa pinto. I threw my alarm clock at him out of impulse. Isa pa tong loko na to.

"Bwiseeet!" Magbabayad kang lalaki ka!! Kahit sino ka pa! Hahanapin kita and let you taste the meaning of messing with Chain Castillo!

A/n: please leave a comment! I love reading them :D





I'm A Girl with A Gun (ROMANCE X ACTION X COMEDY) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon