CHAPTER 11

245 5 1
                                    

If you can’t live without me, why aren’t you dead yet?
(part 1)

A/N: Sa mga nakapansin, yes, the title is based on Mayday Parade’s song with the same title. All though, masasabi kong theme song ng chapter na to is All to Myself by Marianas Trench. Teehee. SO here it is! Enjoy!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The warmth enveloped around me and the bright light coming from the window is hitting my eyes. Umaga na pala. Mukhang napasarap ata ang tulog ko ah. I went to stretch out my arms when my elbows hit something…

“I must’ve been half asleep.” I opened my eyes at hindi ako makapaniwala sa mga nakita. I’m under the same blanket, same pillow, same bed, and closely snuggled at him! Why is he on my bed?! A-anong ginagawa ng matandang supladong na to dito?! Morelike, a-anong ginagawa ko dito?! I panicked. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. And the damn stupid old man is still sleeping while his arms are still both wrapped around me. Biglang nag-init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

“Oi! B-bitawan mo nga ako!” Pagpupumiglas ko para tumayo at lumayo mula sa kanya pero sing higpit ng tali ata ang yakap niya sa sakin.

“Mmm…5 more minutes.” I was caught unprepared when he suddenly pulled me like a pillow and placed on top of him. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. *Badump* My heartbeat immediately went wild and this stupid old man has no fcking single idea about that. Mukhang masarap pa ang tulog niya ah. Makalbo na nga talaga mamaya to! My struggles were futile. Nanghihina ang lahat ng parte ng katawan ko. Napakalapit niya. I could smell his usual cigarette and sweet perfume scent along I could feel his warmth as he cuddled himself around me. His hands slowly moved towards my nape as he nuzzled his face on my neck. Nagsitayuan ang lahat kong balahibo when I felt his warm breath and lips touched my neck’s bare skin.

“Ahh!!” I shouted at itinulak ang sarili ko papalayo kaya naman nahulog ako mula sa kama.

“An aga-aga. Ang ingay mo?!” Galit na sigaw niya na mukhang kakagising lang at walang kaide-ideya sa mga pinag-gagawa niya.

“A-anong ginagawa mo dito sa kama ko?!” Agad akong tumayo at itinuro siya.

“Kama ko. Nag-iisa lang ang kama KO. Alangan naman sa sofa ako natulog?” He said while scratching his head at naghikab pa…

“Yun dapat ang ginawa mo!” Diyos ko, patawarin niyo sana ako kung masakal ko ang mantandang lalaking to! Now that I look at it, mukhang pamilyar nga ang kwarto to. I seems like, I’ve been here before. Ah! Nasa apartment niya pala ako

“Why are you so red?” Tumayo siya mula sa kama at nilapitan ako. Patay! Hindi na ako naka-iwas when he suddenly lowered again his face. My heart skipped a beat for a moment at biglang napahinto ang paghinga ko nang nilagay niya ang noo niya sa noo ko. It was quick pero as if nagtama ang mata naming dalawa. Inalis naman niya kaagad ang noo niya.

“Don’t move too much. Mukhang may lagnat ka pa.” Tumalikod lang siya at agad na lumabas sa kwarto. I immediately fell on my knees at napahinga ng malalim. Napahawak ako sa dibdib ko. Damn!’
~~
“Anong ginagawa mo?” His deep voice came from behind.

“Aha!” Nagulat na sigaw ko. Kasalukuyan akong nagninija moves papalabas ng kwarto ng hindi siya sana makakasalubong when he caught me.

“I- I was just wondering why do you still live in this tiny apartment? May mansion naman kayo ah?” I asked out of the blue. That’s right Chain. Act calm and composed infront of him. Hwag kang papatinag dahil sa kanya. Calm your heartbeat. Inhale. Exhale.

“I like it here. Malapit lang sa school niyo, in that way, mas mababantayan kita.” He said with a soft expression. I expected some comeback like, “Asa ka” or  any mean comments pero wala akong narinig. I looked at him with a questioning expression...

“They can’t find you here.” Dagdag pa niya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang sitwasyon ko but it seems he knows it already kahit na hindi ko pa sabihin sa kanya.

“Nahawa ka ba ng lagnat ko?” Akma ko sanang aabutin ang noo niya para icheck kung may lagnat niya pero pinigilan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

“I know right now I’m the most suspicious person around but I want you to trust me.” He said while he inched his face closer to mine and looking at me directly in the eyes. Mukhang seryoso nga siya. Creepy. This is so not him being serious. Pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang mga sinabi niya? Bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin mula sa kanya? Ilang segundo din kaming nanatiling ganito.

“Gin! Nandito ka ba?” A loud knock on the door echoed inside the room.

“Tsk.” He said as he left me and went for the door. Para sa ano ang ‘tsk’ na yun?

“Why are you here?”

“Gin! I came to deliver you these!!” I came to check the familiar voice coming from the living room. Mukhang narinig ko na to dati but I’m not sure where or when.

“Oh hi Chain!” Nagulat ako, it was Dr. Irina Evans! Her voice resembles someone.

“Sigurado ka ba diyan sa plano mo?” No it can’t be! Boses ng babaeng kasama ng Blood ng gabing yun na ikinulong niya ako.

“Excuse me.” Agad akong tumakbo papalayo. Hindi ako sigurado kung sa kanya man ang boses na yun or hindi. But I can’t compromise. Kailangan ko nang umalis dito! Pupunta sana ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko nang pigilan ako ang supladong matanda at hinablot ang kamay ko.

“Ano ba! Bitiwan mo ako!” Sigaw ko at pilit na binabawi ang kamay ko sa kanya.

“Anong problema mo? She’s just our family doctor. I saw her na hinaharass ng iba’t-ibang miyembro ng organisasyon so I took her in. Shit. Why am I explaining this to you?” Oh shit! Oo nga pala, sinigawan ko pala sila ng huli kaming magkita. Mukhang hindi naitindihan ng supladong matandang to ang nangyayari but why am I smiling right now? He was explaining honestly just now. Napa-iling ako.

“Just trust me OK?” I tried to suppress a smile. Wala akong nagawa kundi napatango na lang.

~~
Third Person POV
“See you later Gin!” Bago siya umalis, nag-iwan muna siya ng mabilis na halik sa pisngi ni Gin. Naglakad na siya papalayo and dialled a number on her phone.

“Yes. She’s here.” She said as she looked at Chain at the window from afar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm A Girl with A Gun (ROMANCE X ACTION X COMEDY) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon