CHAPTER 2

306 13 3
                                    

[Gin, Whiskey, and Jack of all trades]

Warning: I'm not a ordinary High School student.

"Nandito na siya"

"Umiwas tayo. Baka tayo mapagtripan niya."

"Nakakatakot siya."

"Dinig ko mamalasin ka daw pagtumingin ka sa mata niya."

"Ah! Tinignan niya ako!"

That's the usual greeting I get as I enter my school. Mga tingin, mga umiiwas, at ilan tumatakbo pa papalayo sa takot tuwing dumadaan ako. Paano ba naman, eh puro mga sikat na basagulero ang kasama ko papasok ng school. But moreover, dahil na din sa mga bulong-bulungan tungkol sa pamilya ng mga Castillo at mga illegal nilang gawain. But who cares?! Wala akong paki-alam sa kanila. Isipin na nila ang gusto nilang isipin besides totoo naman ang lahat ng yun, at isa pa, magagawa ko ang kahit anong gusto ko dahil dun.

"Bella..." Yan ang tawag ng mga kumag dito sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan pero nagsimula siguro to noong binasag ko ang ilong ng dating naghahariang mokong noon dito. Ni hindi man lang nga ako pinagpawisan nun.

"...papatulan na ba nami sila?" si Ace, ang kanang kamay ko. Siya ang nagdadala ng mga mabubugbog sa tuwing naghahanap ako ng away, at madalas sa tuwing hindi. He's stupid but he's good at fist fighting.

"Tsk. Hayaan niyo na ang mga yan." Binuksan ko ang locker na puno ng mga death threat at mga 'go away' as usual. Tsk. Mga hindi marunong sumuko. Hindi nila ako magagalaw o mapapa-alis dito sa school dahil kalahati nito, pag-aari naming mga Castillo. Takot lang ng mga guro at estudyante na masabugan ng granada ang bahay nila balang araw.

"Ace, let the Bella do what she wants with them." Si Spade naman na kumakaway-kaway pa sa mga madaan niyang mga babae. Tsk. Kahit kailan talaga, puro babae lang ang laman ng ulo niya. Unlike Ace, hindi siya madalas siyang makipagbasag-ulo.

"Bella~~ Namiss ka namin!!" Tsk. At etong bobo naman na tumatakbo papunta sa akin ay si Jack. Bago pa niya ako mayakap, sinipa ko na siya papalayo.

"Chain!!!" Tsk. Ilang beses ba akong mapapa-'tsk' ngayong araw na to ha? Umagang-umaga panira naman ng araw tong mga lokong to.

"What do you want, my stupid brother?!" At eto pang isa. Nakakatandang kapatid ko tong si Blood pero ako lang yata ang nakakahalata. Despite of being an Castillo, the students at school seems to worship him unlike me. Parang pinaghiwalay ng tadahana kami dito. Another reason that the students doesn't fear him because we don't really look alike at all. Malayo sa parang parating galit kong mukha ang peaceful looking at artistahin niyang mukha. He looked a lot like Dad while I on the other hand looked a lot like those ordinary shit-of-a-parent of mine. Yep, I'm an adopted daughter. Hwag na kayong magtaka pa kung bakit ako ganito.

"Oh my god! Si Rion!!" That's the real name of my stupid brother. I called him Blood because he cried when he saw blood coming out from his nose I punched the first time we met. Deeh, his name is Vlad Rion Castillo. Masyadong sosyal ang Vlad sa mokong na tulad niya noh. Blood na lang para hindi na mahirapan ang dila ko at konting facial muscle lang ang magamit. Pero talagang totoong umiyak yan nung sinuntok ko siya.

"Papicture tayo sa kanya!!"

"Rion! Pansinin mo kami!!!"

I'm A Girl with A Gun (ROMANCE X ACTION X COMEDY) [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon