Chapter 15

15 2 0
                                    

-Samantha Pov

Papunta ako ngayon sa room ni scarlett para sunduin siya kahit may yaya siya sinabihan ko na yung yaya niya na hintayin nila ako para sabay pumunta ng parking area. Habang naglalakad ako may narinig ako tinawag ang pangalan ko kaya na palingon ako kung sinu yung tumawag.

"Samantha sandali lang." Sabi ni joshua habang tumatakbo papunta saakin.

"Anu?" Sabi ko sa kaniya ng makalapit siya saakin.

"Patulong sana ako sayo pumuntang cafeteria." Sabi niya habang naka hawak siya sa dalawa niya tuhod at naghahabol siya ng hininga.

"Tss. Kaya muna man e." Sabi ko sa kaniya.

"E sa gusto kong patulong e. Atsyka saan ka pala pupunta?" Tanong niya saakin.

"Pupuntahin ko yung kapatid ko." Sagot ko naman sa kaniya.

"May kapatid ka?!" Gulat na tanong niya.

"Ay wala joke lang yun." Sabi ko sa kaniya. Tss hindi na talaga nag bago si josh.

"Totoo kasi may kapatid ka nga?" Tanong niya ulit saakin.

"Ou nga. Kakasabi ko lang nga diba." Mataray na sabi ko sa kaniya.

"Tss hanggang ngayon mataray ka parin sa akin, pero ayus lang kahit tarayan mo pa ako ^_^, anu nga pala pangalan kapatid mu? Babae ba o lalake?" Tanong niya again.

"Babae pangalan niya Scarlett Maria Choi." Sabi ko sa kaniya.

"O may maria din siya, ang cool talaga ng mom mo no pinag same yung pangalan niyo tapus parehas pang may 'S' at 'M' yung name niyo." Sabi niya.

"Tss, ou na. Sige una nako baka nag hihintay na siya saakin." Sabi ko. Akmang aalis nako ng inakbayan niya ako.

"Samahan na kita gusto ko rin makita yung kapatid mu e." Sabi niya kaya wala na kong nagawa kundi isama siya.

Ng makarating kami sa room nila wala ng tao siguro nasa parking area nayun hinihintay na siguro nila ako. Aishhh~ susunduhin pala kami ng EXO.

"Wala ng tao e." Biglang sabi ni josh habang tumitingin sa loob.

"Ou nga nakikita ko, may mata nga ako." Sabi ko sa kaniya.

Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako masungit sa kaniya lang kasi pag nagsusungit ako sa kaniya napapa simangot siya tapus ang cute niyang tignan pag na kasimangot siya sarap kurut kurutin yung cheeks.

"Tss, pwede ba sam mag bago kana ng ugali atsyka na papansin ko saakin kalang masungit." Sabi niya at nag pout siya. Ayy ang cute.

"Tss ou na. Sige punta nako ng parking area baka nandun na sila." Sabi ko at maglalakad na sana ako pero inakbayan niya ulit ako.

"Sama ako." Sabi niya.

"Diba pupunta ka ng cafeteria?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na. Ayaw mu e libre sana kita kaso wag na mukang ayaw mu e." Sabi niya habang naglalakad kami. Aba kung sana libre lang edi tara pero hindi naman niya sinabi e.

"Bakit may sinabi ba ako na ayaw kong sumama sayo? Diba sinabi ko susunduin ko si scarlett." Sabi ko sa kaniya kaya na pahinto kami sa paglalakad.

"Ou. Atsyka baka nga ayaw mu e." Sabi niya.

"Hindi. Tara punta tayo cafeteria libre moko." Sabi ko sa kaniya at hinila ko siya pa balik.

Living a Dream [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon