Chapter 28

9 2 0
                                    

-Samantha Pov





Nandito ako ngayon sa kwarto nag mumuni-muni lang ako, wala kasi akong magawa e atsyka wala ang exo may practice sila dali malapit na yung performance nila tapus si scarlett nasa kwarto niya natutulog si ate shannon naman may inaayos nanaman na papel para sa company namin, siya na kasi ang mag mamana niyan sa susunod atsyka hindi pa pwede si kuya duon dahil matanda pa si ate sa kaniya, si kuya naman niyan nanduon din sa kwarto niya nagco-computer nanaman siguro okaya kausap niya sa skype niyan si ate violet yung girlfriend niya, ang bait nuon naging close din kami sa kaniya nung una palang ipakilala saamin ni kuya si ate violet.







"Ma'am samantha meron po naghahanap sa inyo sa babam lalake po siya." Biglang katok nung isa namin katulong, hindi ko alam hindi man kasi naka bukas pinto ko e.







"Sige baba na, sabihin mu hintayin niya ako sa living room." sagot ko at nagayos nako ng damit at nagsuklay ako. Hindi ko man kasi kilala yung lalaki na sinasabi ni manang, atsyka imposible naman yung exo yun dahil kilala na sila ng mga katulong dito.









"Sige po." sabi nung katulong at umalis na siguro siya.







Bago ako lumabas ng kwarto ko tinignan ko muna ang kwarto ko, hindi nako sanay sa kwarto ko ngayon, dati kasi bago ako umalis dito papunta sa las vegas may mga poster pato ng exo pero ngayon bago ako umuwi dito pinaalis kona kari ate yung mga poster dito sa mga wall ko.



Lumabs nako ng kwarto ko at pababa nako ng hagdan, ng makababa nako sa hagdan nakita ko si joshua. anu kaya ginagawa niya dito atsyka panu niya nalaman ang bahay namin.









"Ikaw pala josh, upo ka ulit." Sabi ko sa kaniya at umupo nakaming dalawa.









"Kamusta kana?" Tanong niya kaagad saakin.









"Ayus lang naman ako, ikaw kamusta kana? kahit na 5 weeks tayo hindi nagkita prang may nagbago sayo." sabi ko at ngumiti ako sa kaniya.







"Ayus lang naman ako. Kaya nga e, 5 weeks lang tayo di nagkita pero may nagbago nga saakin maliban lang sa isa." Sabi niya saakin, anu kaya yung isang yun.









"Anu naman yung isang yun?" Tanong ko sa kaniya.









"Ah wala. Siya nga pala may kasalanan ka saakin." Sabi niya saakin. Bago ako sumagot tinawag ko muna si manang para magpahanda ng miryenda.











"Anu naman kasalanan ko sayo?" Tanong ko at tinaas ko pa ang isa kong kilay.













"Hindi mu sinabi saakin na isa kang model artist, nalaman ko lang sa balita atsyka sa mga magazine." Sabi niya saakin.













"Hahahaha, ikaw naman. Nagtanong kaba? Diba hindi naman?" -Ako













"Kahit hindi ko itanong dapat sinabi mu, hindi muna ba ako kaibigan kaya hindi mu sinabi saakin?" Tanong niya saakin.











"Syempre kaibigan parin kita no! atsyka may dahilan ako kung bakit hindi ko sinabi sa inyo. Siguro naman napanuod mu yung interview ko kung bakit hindi ko sinabi sa korea no." Sabi ko naman sa kaniya.









"Oo. Napanuod ko yun pero hindi muna naman sinabi yung dahilan. Anu nga pala yung dahilan mu kung bakit hindi mu sinabi sa korea na isa kang model artist?" tanong niya saakin.













Living a Dream [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon