Chapter 32

17 2 0
                                    

-Samantha Pov



3 days na ang lumipas ng binantayan ko si sehun dahil nagkalagnat siya at ngayon may pasok nako at ang exo naman may practice aw sila ngayon.





"Ma'am samantha tumawag po ang mommy niyo kanina at ang sabi po uuwi napo sila dito sa korea sa susunod na araw at kayo palang po nakakalam yung ate, kuya at si scarlett hindi pa po nila alam." Sabi ng katulong namin ng makababa ako.





"Ganun poba. Sige ako na lang ang magsasabi kina ate." Sabi ko sa katulong namin.







"Sige po ma'am. Yung pagkain niyo pala po nanduon nasa sa dining table." Sabi nung katulong namin.







"Ah hindi nako kakain dito sa school na lang, pasabi na lang kina ate umalis nako at pasabi nalang na sila na lang ang maghahatid kay scarlett." Sabi ko at pumayag naman yung katulong namin at umalis nako.







Ng makalabas ako sa bahay namin hinihintay nako ng driver namin. Sasakay na sana ako pero may tumawag saakin kaya na palingon ako.

Pag lingon ko si Sehun ang tumawag saakin.





"Samantha sandali lang." Sabi niya habang tumatakbo papunta saakin.





"Bakit?" Tanong ko ng makarating siya sa kinaroroonan ko.







"May ibibigay lang ako." Sabi niya habang hinihingal.







"Ano naman yon?" Tanong ko sa kaniya.







"Eto kumain ka. Alam kong hindi ka nagalmusal ngayon dahil alam ko rin na sa school ka kumakain kaya dinalaan kita nito." Sabi niya at inabot niya saakin yung gatas at sandwich.





Tinignan ko lang yung binibigay niya. Nahihiya ko kasi kunin. Hahahahaha.







"Walang lason yan kaya kunin mo na." Sabi niya at dahan dahan ko naman yon kinuha.







"Salamat." Sabi ko at ngumiti ako sa kaniya. Nagbago talaga si sehun simula nung umuwi ako dito galing ibang bansa.









"Wala yon. Kainin mo yan ha." Sabi niya at tumango ako bilang sagot.











"Sige aalis nako, paalis narin kami e. Hinabol ko lang talaga sayo yan at mabuti naabutan pa kita. Bye." Sabi niya.







"Sige. Ingat kayo, Salamat ulit dito." Sabi ko at nagwave ako sa kaniya kay nagwave din siya.









"Bye." Pagkasabi ko non sumakay nako sa kotse.

















-Sehun Pov

Mabuti naabutan ko pa siya para ibigay yung sandwich at yung gatas. Nagtataka kayo kong bakit ko nalaman na hindi siya kumain ng breakfast niya? Simple lang tinawagan ko si scarlett tinanong ko kung kumain siya ng breakfast niya ang sabi hindi daw naririnig niya daw kasi yung usapan nung yaya nila at narinig din daw ni scarlett na darating na ang mama at daddy nila sa susunod na araw.



Galing ko no. Naging close kami ni scarlett simula nong umuwi na si samantha.



"Nabigay mona?" Biglang tanong ni chanyeol ng makapasok ako sa van. Nandito napala lahat sila at mukang ako na lang ang hinihintay nila.







Living a Dream [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon