Bye ate! Bye mama! Bye bunso! Magbabakasyon na lang ako dito ha! Ingat kayo dyan! Mahal ko kayo! Oh sige na aalis na ko bago pa magbago isip ko. Sige bye! Pa tayo na sa airport. Naguguluhan ba kayo? Ganito kase yan seperated ang mama ko at papa ko so pinapili ako ni papa kung kanino daw ako sasama. Ayoko man mahiwalay sa mga kapatid ko at kaibigan ko pero kailangan. Para na rin makafocus ako sa pag aaral. Alam ko naman kase na may rason si God kung baket kailangan ko pumili si ayan na nandito na ko sa van papuntang sakayan ng papuntang airport. Nasa bandang likod ako nun tapos nakikita ko ang mga daan palayo sa kinagisnang kong lugar. Sa batangas masasabi kong napaganda dito at hindi hindi ko makakalimutan ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Habang tinitingnan ko ang daan naiiyak ako kase alam kong matagal tagal pa bago ako makabalik dito. Hindi ko pinaalam kay papa na umiiyak ako kase baka tanungin nya ako. Wala kase ako sa mood magsalita e.
Ito na ako bababa na ng van. Tiningnan ko ang buong airport ang ganda! First time ko kase magpunta dito kaya medyo taga bundok ako. Nagcheck in na kame ni papa. After 3 hours na paghihintay sasakay na kame ng eroplano kinakabahan nga ako e. Natatakot kase ako baka mag crash ang eroplano pero sabi ni papa wag daw ko nega kaya nagdasal na lang ko kay God na sana hindi nya kami pababayaan kaya the long wait is over! Halo halo ang nararamdaman ko sa pag sakay ng eroplano. Naeexcite kinakabahan natatakot natutuwa nalulungkot. Hayy sabi ni papa ienjoy ko lang daw kaya ayun nag selfie selfie lang ako at di namanlayang bumaba na pala ang eroplano. Medyo nahihilo ako. Papa san naman tayo pupunta?
Pupunta tayo sa school mo kase bukas na ang first day nyo . Ah agad agad pa nahihilo pa nga ko tapos may pupuntahan na naman tayo. Alam mo corrine Time is gold kaya dapat hindi sinasayang kaya tara ba ayan na . Kingston Academy Wow! Ang ganda naman dito ang laki laki. Papa sigurado ka ba dito ako papasok? Oo corinne sige na uwi na tayo! Ha? Hindi pa nga po tayo nakakaenroll tapos uuwi na agad tayo?? Nakaenroll na tayo matagal na kinuha ko lang schedule mo . Tayo na pinadeliver ko na sa bahay ang uniform mo.
Sa bahay
Ang ganda ng room ko ang lambot ng kama yiee mageenjoy ako dito. Color black yung mga furnitures dito black and white lang ang color ng gamit ko dito lahat. Nagrequest kase ako kay papa na black and white lang kase favorite ko yun. Hindi naman masyadong maliit ang bahay namin pero di din masyadong malaki. Gabi na pala. Tutulog na ako sa malambot kong kama. Bukas na bukas din ay papasok na ko sa Kingston academy.*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/
Sorry sa mga typhos kung meron man. Binago ko ang mga names at lugar kase private yun. Thank you sana magustuhan nyo! First time ko to! Happy new year! :* Bukas maguupdate ako promise!
-January 01 2016-
YOU ARE READING
Unexpected
DiversosHindi ko talaga inaasahan na magiging totoo pala ito sa totoong buhay. Matagal na kong nagbabasa ng wattpad mga istoryang mga fangirls na nahuhumaling sa gwapong lalaki. Hindi ko naman aakalain na kikiligin pala ako pag dumaab sya. kikiligin ako sa...