Nanlaki ang mga mata nito ng Makita niya ako. Ano naman ang kagulat -gulat kung Makita niya akong nandito? Simula nung Monday pa alam na niya na kaibigan na ako ng kanyang kapatid. Nagulat ba siya dahil ako lang magisa ditto sa room na ito at akala niya na magnanakaw ako ng bagay-bagay? Halerrr! Hindi kaya ako ganun na tao!
"A-anong g-ginagawa mo ditto ?" pautal-utal niyang tanong. Teka, bakit ba siya nauutal? Nauutal ba siya sa kagandahan ko? Echos!
"Huh? Ano pinapapunta ako ditto ng kapatid mo. Nakita mo ba siya?" tanong ko.
Umiling ito sa akin.
"Hindi ." Nyeekk?! Anong klase siyang kuya kung hindi niya alam kung nasaan ang kanyang kapatid. Psshh. PAmbihira!
"Ganun?" tinignan ko yung relo ko mag si-six fifteen na.
"Pakisabi na lang kay Lucy kailangan ko ng umuwi, hinahanap na ako ng tita. Ge, bye." Sabi ko.
Pumunta na ako sa pinto kung nasaan siya at bubuksan na sana ito ng hawakan niya ang isang kong wrist. O////O
DUB.
DUB.
DUB.
DUB.
Ay ,Tae! Anong nangyare sa akin?! Bakit naman niya hinawakan ang wrist ko? Feeling ko may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan niya ito.
Tinignan ko ito na nakakunot ang noo ko.
"B-baket?" Naman!!!! Bakit ba ako nauutal?! Ahuhuhuhu.
Bigla naman siyang namula ata? Tapos ay tinanggal niya yung pagkahawak niya sa wrist ko. Whew! MAbuti naman at natanggal na niya, kundi baka mamatay ako sa kuryenteng dumadaloy pa hanggang ngayon sa katawan ko.
"Wala lang. Sabay na tayo. Pauwi na rin kasi ako kaya lang pinagtripan ako nina C.L" sabi niya.
C.L? Bat parang familiar ang name nay un sa akin? Kailan ko na nga ba narinig yung name nay un? Hindi ba kaya si C.L ng 2ne1 yun? Ay, imposible naman! Nasa korea yung babaeng iyun e.
"Hot nga siya pero mas type ko pa rin si Prince C.L" - clown 2
Ah! Siya yung nakabangga ni chase kanina! Teka..
"C.L? Diba siya yung nakabangga mo? KAibigan mmo siya?" tanong ko. Kung magkaibigan ang dalawang iyon, bakit mukhang mortal enemies sila kanina? PArang hindi nila kakilala ang isa't-isa.
"A-ano?! Kaibigan? Yung pangit nay un? Psssh! Kahit kailan hindi ko yun magiging kaibigan. Pinakahate niya ako dahil hindi niya mahigitan ang kagwapuhan ko. Kaya don't expect na magiging magkaibigan kami."
"Eto, naman! Kung maka react ka para kang guilty! Tinatanong ko lang kung kaibigan mo siya. Simpleng oo at hindi lang ang sagot kung ano pa ang pinagsasabi mo diyan. Sayang! Kala ko kaibigan mo siya."
"At ano naman ang gagawin mo kung kaibigan ko yun?" tanong niya na kataas ang kanyang mga kilay.
"Pakilala mo naman ako. Kaibiganin mo kaya tapos pakilala mo ako sa kanya." Hihih. Joke lang! Babae ako no. At dalagang pinay ako!
"Ano?!" Galit niyang tanong. Ayyy, scary si Chase.
"Joke lang. Eto naman. Sige alis na ako." Sabi ko sabay labas ng pintuan.
-----------
"Ate, wake up! Wake up!"
"Hmmmm?"
"Gising na ,ate! May bisita ka sa baba." Pag-gigising sa akin ng pinsan ko na si Gail na six years old pa lang . Ang cute nga nito e.
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko na 7:00 pa lang. Yeah, call me lazy at walang hiya na kahit nakikitulog lang ako ditto e late pa rin ako nagigising. Atsaka wala naman silang paki e. At isa pa, pagkagising ko naman agad rin akong naglilinis ng kanilang bahay kahit may mga katulong sila. Minsan nga pinagalitan ako nina tito at tita bakit daw ako naglilinis e, may mga katulong sila. O, diba? Ang bait lang nila sa akin.
BINABASA MO ANG
I am Caroline (ONHOLD)
AksiShe was once the Black Pearl And she will be again. -CookieCharm