Chapter Seventeen : GOOD NEWS :))

83 1 0
                                    

KAI

“OUCH! Have you ever heard the saying.. BE GENTLE??” sarcastic na tanong ni Caroline.

“Pwedeng dahan-dahan lang? MAsakit !” dagdag nito.

“Dahan –dahan lang naman talaga ako a?? Sadyang malikot ka lang kaya ka nasasaktan!” sabi ko naman ditto.

“Aba! Ako pa talaga ang may kasalanan! Hindi naman ako maglilikot kung hindi mo dinidiinan e! “ reklamo ulit nito.

Kasalukuyan ko ginagamot ang mga sugat nito sa tuhod. Nabigla nga ako dahil nung bumalik siya kung nasaan ako ay may galos ito sa mukha tapos may isang sugat sa tuhod nito . Nakuha pang masira ang leggings nito kaya kita mo talaga ang sugat nito sa tuhod. Tapos yung buhok niya gulo-gulo tapos nakasimangot pa ito nakatingin sa akin. Paika-ika pa itong naglalakad dahil sa sugat na natamo niya.Gusto kong matawa sa itsura pero pinigilan ko nalang ang sarili ko nun baka awayin pa ako ng sigang babaeng ito.

“Nakakainis ka ha! Anong nginingiti mo diyan?! Inaalala mo na naman ba yung itsura ko kanina?!!! Bilisan mo na nga sa paglilinis ng mga sugat ko para makabili na tayo ng damit ko!” sabi nito.

Ah oo nga pala.Bibili pala kami ng pants nito dahil baka pagtawanan daw ito ng mga kasama niya dahil butas yung leggings niya tapos may malaking sugat pa.At.. Hindi ko pala alam na masyadong maarte itong babaeng ito. Sa school kase napagtya-tyagaan niya na magsuot ng nerdy glasses tapos naka-pusod pa ang buhok nito.

“Bakit pala sa school naka salamin ka tapos naka-pusod pa ang buhok mo? Wala naman nakaka-alam na ikaw  at si Black Pearl ay iisa lang e.”

“Kailangan ko lang talaga magsalamin dahil Malabo ng konti ang mga mata ko. Kapag nagbabasa ako or kumokopya kailangan ko ng salamin. And about my hairdo…. Wag mo ng PAKIALAMAN! Trip ko yun e.”

“Okay. Sabi mo”

“Teka! May nakalimutan ka na naman kuwento sa akin! Alam mo! Kulang-kulang lahat ang mga kinu-kwento mo sa akin!” sabi ko dito.

CAROLINE

“Teka! May nakalimutan ka na naman kuwento sa akin! Alam mo! Kulang-kulang lahat ang mga kinu-kwento mo sa akin!” sabi nito sa akin.

Napatingin ako sa kaniya na kunot ang noo. Ano na naman ba ang nakalimutan kong ikuwento dito sa lalaking ito?? Sabihin niyo nga! Matanda na ba ako para maging makakalimutin?!

“At ano naman ‘yon?? Aber?”

“Hindi naman kwento e. Parang hindi pa nasagutan yung tanong ko dati sa’yo.”

“Ano naman ba yung tanong na iyon??”

“Kung bakit mo linihim sa amin ang pagkatao mo? Kaibigan mo kami kahit ilang araw pa lang.” sabi niya.

:O That??

Umupo ito sa tabi ko nang matapos na niya itong linisin ang sugat ko. Ahmm.. Ikwe-kwento ko pa ba?? Wag na lang!

“Go. Bakit hindi mo sinabi sa amin na ikaw si Black Pearl?? “

KAI

Nanahimik ito bigla nang tanungin ko ito. Yung mukha niya parang lumungkot? Masyado bang personal ang tanong ko sa kaniya kaya hindi niya kayang sabihin sa akin?

“Kung hindi mo ka—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ito.

“I want to live like a normal girl.” Sabi nito na nakayuko.

Normal girl?? Normal naman siya a? Ay mali! Abnormal talaga siya!

“And I want to make my parents happy kahit na wala na sila.” Malungkot as in malungkot ang boses nito.

I am Caroline (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon