September 30:Zenki

127 5 10
                                    

SEPTEMBER 30: Zenki

ZENKI: Sige, simulan na natin ang paglilibot bago magtanghali at papasok pa ako sa university mamaya.

.... Pinuntahan namin ang mga lugar na madalas niyang puntahan nung naging kaluluwa na siya baka sakaling may maalala siya, ngunit wala...

ZENKI: Pinuntahan na natin ang tulay, ang park, ang shopping district at ang playground na malapit sa elementary skul pero hanggang ngayon wala ka paring naaalala. Teka? Bakit puro lugar na madalas puntahan ng maraming tao ang mga pinupuntahan mo? Nananakot ka ba?

YUKI: Hindi a. Kasi nagbabakasakali lang ako baka may makakita sa aking buhay at matulungan ako. Saka sinusubukan kong makisalamuha sa mga pang-araw araw na buhay ng mga tao.

ZENKI: Ok sige, sa susunod, mga lugar na malapit lang dito ang pupuntahan natin. Sa ngayon, huminto muna tayo at papasok pa ako. Ipagpatuloy natin mamaya pagkatapos ng klase ko.

.... At bumalik nga muna kami sa aking apartment para mag-ayos at nagpalit ako ng aking damit.

ZENKI: Sasama ka ba sa akin sa university?

YUKI: Saan ba iyon?

ZENKI: Sa may norte lang. Sasakay tayo ng train tas unting lakad. Tama, dapat kang sumama baka may makita tayong tao na makakatulong sa iyo, maraming weirdong club doon.

YUKI: Sige sasama ako.

.... At naghahanda na nga kami papuntang University. Naglalakad kaming papuntang train station nang napadaan kami sa dalawang aleng nag-uusap.

ALE 1: Grabe kagabe noh, may baliw na lalaki na sigaw ng sigaw tungkol sa multo. Bulabog.

ALE 2: Oo nga noh. Grabe yun, nagising yung bunso kong anak dahil doon, iyak siya ng iyak, hindi tuloy nakatulog ang mister ko.

ALE 1: Ako nga rin e, yung anak kong nasa elementary napuyat dahil doon nang marinig niyang multo, natakot rin siya.

ALE 2: Eh anu ba nakita mo ba kung sino iyon?

ALE 1: Hindi ko nga nakita e, ang bilis ng pagkakatakbo niya at madilim pa. Pero alam kong lalaki iyon.

.... Nasa malapit lang kami sa nag-uusap at rinig na rinig namin ang pinag-uusapan nila, at ako iyon. Nahihiya tuloy ako.

YUKI: (Tawa ng tawa) Hahaha... pinag-uusapan ka nila Zenki.

ZENKI: Hayaan mo na lang, hindi naman nila nalaman na ako iyon eh.

.... At narinig parin namin ang usapan nila habang papalayo kami sa kanila.

ALE 1: Pero hindi ko rin masabing lalaki iyon eh kasi parang babae ang pagkakasigaw niya.

ALE 2: Ah, oo nga matining, siguro bakla siya.(nagtawanan)

.... Medyo nabanas ako sa narinig ko nun samantalang ang kasama ko ay sobrang halakhak sa kakatawa sa akin.

YUKI: (Humahalakhak) Hahaha...Para ka daw babae.

ZENKI: Tumigil ka nga hindi naman eh.

YUKI: E narinig mo naman e, yun narin ang sabi nila.

.... At nagpatuloy pa siya sa pangaasar sa akin. Nabanas ako.

ZENKI: Pede ba tumigil ka na nga! Kasalanan mo kaya iyon, sana di nalang kita pinansin para hindi nangyari sa akin ito.

YUKI: Grabe ka naman tadhana iyon para magkita tayo at matulungan mo ako at matulungan rin kita. (kumikisap-sikap ang mata)

ZENKI: Haist! Pede ba tumigil ka na nga sa kakasabi niyan. Buti pa dalian nalang natin baka malate pa ako.

My Halloween Girl Friend (MHGF) 2013 revisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon