September 29: Simpleng Buhay

192 7 4
                                    

Simple nga ba talaga ang buhay ko? O sadyang unique lang ang buhay na naranasan ko noong college ako?

Ako si Zenki Toshiba, tunog mayaman ang pangalan ko pero simple lang talaga ako, nanggaling ako sa Osaka sa pamilya ng mga magsasaka. Simple lang naman talaga ako, ang pangarap kong makatapos ng aking kurso sa college at magkaroon ng experience sa love. Hindi sa pinagmamalaki kong matalino ako pero ito ang naging dahilan kung bakit ako nakapasok sa pinapangarap kong eskwelahan, ang Tokyo University.

Tulad ng isang simpleng lalaki pangarap ko ring magkaroon ng girlfriend. Yung tipong kyuut at maipagmamalaki ko, pero hanggang ngayon wala parin akong karanasan sa buhay na ganon, hindi naman sa wala akong ginagawang panliligaw pero nagawa ko na iyon kaya nga lang lagi akong basted tulad na lang nitong huli na talagang crush ko siya pero nung niyaya ko siyang manood ng movie, tinanggihan niya ako. Siguro dahil hindi naman ako ganoon kagwapo at talagang out fashioned na akong manamit, pero wala na talaga akong panahon para mag-ayos at magbago dahil sa busy ako sa kakaaral. Simple lang talaga ang buhay ko kahit na walang inspirasyon na babae, masaya pa rin kasi nag-eenjoy ako sa studies ko. Pero isang araw... Nagbago ang inaakala kong simpleng buhay nang nagsimula akong nakakita ng multo.

Last week na yun ng September.....

Papauwi na ako galing sa skul ng makakita ako ng taong magpapakamatay sa may tulay.

BABAE: Ayoko na! Sawang sawa na ako, kunin ninyo na ako! Pagod na pagod na ako!

ZENKI: (kumaripas sa pagtakbo) Miss, Miss! Please huwag kang tatalon. Huwag kang magpapakamatay! Masaya pang mabuhay!

.... Pero hindi niya ako pinansin

BABAE: Ayoko na! Tatalon na ako! (papatalon na)

ZENKI: (Negotiating) Sandali! Kung ang problema mo ay lovelife, alam mo parehas lang tayo. Medyo bata ka pa naman kaya huwag kang mawawalan ng pag-asa. Marami pa diyan, malay mo nasa malapit lang .

.... Biglang tumingin sakin ang babae at tumaas ang kanyang kilay, marahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko pero ayos na iyon para makalimutan niyang magpakamatay. At nagkamali ako, bigla siyang tumalon at kumaripas ako para tignan siya sa baba.

.... Bigla akong nakarinig ng boses sa aking likuran, andun siya yung babaeng tumalon.

BABAE: Love lyf?! Sana nga e, lovelyf lang ang problema ko. Pero hindi e.

ZENKI: (Nagulat at natakot) E....di ba tumalon ka? Teka? May lahi ka bang unggoy at nakaakyat ka rito kaagad? (Nagtaka)

BABAE:  Ah, oo nga noh, sige tatalon ulit ako. (Biglang tumalon)

ZENKI: (Nabigla) Teka?!

.... Napatingin ulit ako sa ilalim ng tulay. Siguradong tumalon siya pero dahil sa gabi na at madilim doon sa baba, hindi ko nakitang nahulog talaga siya. Bigla na naman akong nagulat nang narinig ko ang boses niya mula sa likuran at ngayon kinilabutan na ako.

BABAE: Kahit paulit-ulit pa akong tumalon diyan wala paring mangyayari. Pang-ilan na nga ba ito? Ah! Pang-2321 na beses na pagpapakamatay ko na ito. Pero ito parin ako, isang kaluluwa. Paulit-ulit ko na nga itong ginagawa pero walang nakakapansin sa akin e, ikaw pa lang.

ZENKI: (Natatakot) Te....ka...... ba....ba....kit? Mu....Mu....Multo!! (sabay takbo)

.... Kumaripas ako ng takbo papauwi hindi na ako lumingon sa lugar na iyon.

BABAE: Teka! Oo, multo ako, e anu naman? Teka?! Meron nakakakita sa akin? Sandali lang! (Hinabol si Zenki)

.... Dali-dali akong umuwi sa apartment na tinutuluyan ko.Takot na takot ako nun, inilock ko kaagad ang pinto at napaupo ako sa takot.

My Halloween Girl Friend (MHGF) 2013 revisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon