October 4: Okaasan

79 5 27
                                    

OCTOBER 4: Okaasan

.... Magtatanghali na ng nagising ako sa aking higaan, lubhang napagod ako kahapon sa paghahanap namin ng kasagutan sa katauhan ni Yuki. Paglabas ko ng kwarto, napansin ko na napakatahimik ng bahay. Paglapit ko sa kusina narinig ko kaagad ang buhos ng tubig mula sa paliguan, siguro naliligo na naman si Yuki kaya naupo na lang ako sa lamesahan para kumain ng mga nakahandang pagkain doon. Napansin ko na napakaraming nakahandang pagkain ngayon.

ZENKI: Bakit andami mo namang iniluto ngayong pagkain Yuki? Baka naman isinahog mo rito lahat ng ibinili natin nung isang araw? Wala na akong extrang budget ngayon.

.... Narinig ko na bumukas ang pintuan sa may paliguan. Narinig ko rin ang mga yapak niya papalapit sa kusina habang ako ay abalang-abala sa pagkain.

MRS. TOSHIBA: Anong sinasabi mo Zen-kun? May kausap ka ba?

.... Pag-angat ko ng aking ulo, bigla kong iniluwa ang kinakain ko. Nakita ko sa harapan ang aking Mama na naka-apron at mukhang kakagaling lang niya sa paglilinis mula sa banyo.

ZENKI: (Nagulat) MAMA! Andito ka?!

MRS. TOSHIBA: Oo, anu bang nangyari sa iyo at para kang nakakita ng multo? Gulat na gulat ka.

ZENKI: (Pinunas ang mga kanin na nahulog mula sa kanyang bibig) Ma... ma... kasi eh, ginulat mo po ako. (di mapakali)

.... Teka? Kung si Mama ang nandito, nasaan si Yuki?

MRS. TOSHIBA: Nagulat? Dapat expected mo na iyon, kasi may nagluto sa iyo, eh yung nakita nga kita kumakain ka na diyan kaagad, di ka nagtaka kung sino ang nagluto sa iyo niyan? Maliban na lang kung... (inilapit ang mukha kay Zenki at tumitig sa kanya na may halo ng pag-uusisa at pang-aasar, sabay ngiti) Hehe, nay girlfriend ka na ba?

.... Sa mga huling kataga na narinig ko biglang tumayo ang balahibo ko at parang gusto kong iluwa ang lahat ng kinain ko. Feeling ko iniinterogate niya ako.

ZENKI: Grr.. girrl.. friend? Wala po.

.... Todo tanggi ako doon, girlfriend? Eh di pa nga ako sinagot ni Mirai, este hindi nga ako gusto ng crush ko, tapos girlfriend pa kaya. Baka ang ibig niyang sabihin ay ang kaibigan kong multo. Kaya nga lang pagsinabi ko sa kanya iyon baka hindi siya maniwala.

MRS. TOSHIBA: Wala daw? Talaga? (Nagtaka) Eh bakit parang may tinatago ka sa akin. (Tinitigan ulit si Zenki) Zen-kun aminin mo na, hindi ako magagalit.

ZENKI: (Biglang nataranta) Ah, wala po, wala po talaga.

MRS. TOSHIBA: Umm. Suko na nga ako, kung ayaw mong aminin hindi wag. Eh bakit parang di ka nga nagtaka kanina?

ZENKI: Ah eh, kasi po nagugutom na po ako, napuyat po ako kaya tinanghali na nga po ako ng gising eh. Tama! Nagugutom na po ako. Hehe.

MRS. TOSHIBA: (Nagdududa) Talaga? Bakit ka naman napuyat? Eh rin bakit pagdating ko rito ang linis-linis na ng bahay mo, halos wala na nga akong makitang malilinisan dito dahil hanggang kasuloksulukan ng bahay ang linis! Imposibleng ikaw ang gumawa nito.

ZENKI: Ah eh... nag-general cleaning po ako kahapon kaya nga po ako napuyat. Ayan masakit-sakit pa nga ang katawan ko dahil sa paglilinis. (Umarteng masakit ang katawan) Aruy.

MRS. TOSHIBA: (Medyo napanatag) Naglinis ka? Bakit ka naman naglinis? Meron bang inaasahan kang bisita rito na napakahalaga na ayaw mong masira sa kanya kaya naglinis ka? (Mariin na pag-uusisa)

ZENKI: Kayo po.

MRS. TOSHIBA: Neknek mo! Di ka naman ganyan dati.

ZENKI: Mama, nagpapakaresponsable lang po ako.

My Halloween Girl Friend (MHGF) 2013 revisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon