October 3: The Moon

92 5 9
                                    

OCTOBER 3: The Moon

.... Sabado ng umaga ngayon, hanggang ngayon hindi ako makapakali sa mga salitang binitiwan ni Riren sa amin. “Pagdurusa sa nakaraan na naghihintay ng kasagutan, pagnanasang nakakubli na sagot sa kasalukuyan. “Batid ko na kahit hindi ko naiintindihan ang mga iyon, pakiramdam ko meron isang pangyayari sa nakaraan ni Yuki ang dahilan ng kanyang pagkamatay. May posibilidad nga na maaaring may masamang nangyari kay Yuki noon. Hindi kaya yung taong tinutukoy ni Riren na nagdurusa ay ang mga magulang ni Yuki? Haist, nakakainis naman, bakit ba ako nadamay sa sitwasyong ito?

.... Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina, pagdating ko doon nakita ko na nakahanda na ang aking almusal pero wala si Yuki doon.

ZENKI: Nakakapagtaka naman, nasaan si Yuki? (Nag-aalala)

.... Hinanap ko si Yuki sa buong bahay pero wala siya. Palabas na sana ako ng bahay para hanapin siya sa labas nang may narinig ako na parang may gumagamit ng paliguan. Bumalik ako sa may kusina para tignan pero habang papalapit ako, nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw sa pasilyo.

ZENKI: (Lumapit sa switch ng ilaw) Sus maryusep, pundi na yata itong ilaw na ito, kailangan ng palitan, muntikan na akong matakot dun.

.... Habang inaasikaso ko ang ilaw sa may pasilyo napansin ko na bukas ang ilaw sa may paliguan. Lumapit ako para tignan.

ZENKI: Yuki nandiyan ka ba?

.... Ngunit walang sumagot, dahan-dahan akong lumapit pa para tignan kung bakit nakabukas ang ilaw doon. Habang papalapit ako ng palapit naririnig ko na tumutulo ang tubig mula sa gripo ng paliguan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ko kung nandoon si Yuki.

ZENKI: Yuki nandito ka ba?

.... Nakabukas ang hot shower ng bathtub pero natatakpan ito ng kurtina. Dahan-dahan akong lumapit para tignan ang loob. Nakapikit ako ng hinawi ko ang kurtina baka nga kasi naroon si Yuki at mapagkamalan pa akong bastos.

ZENKI: (Paghawi ng kurtina) Yuki?!

.... Pagdilat ko ng aking mga mata wala namang tao ang naroon, nakita ko lang ang gripo na nakabukas at ang tubig ay umaapaw na sa tub kaya pinatay ko iyon.

ZENKI: (Nagtaka) Nakalimutan ko bang patayin ang gripo kagabi?

.... Maya-maya may napansin ako na parang may gumalaw sa ilalim ng tubig ng tub pero dahil mahamog sa buong paliguan hindi ko masyadong makita iyon. Inilapit ko ang mukha ko sa tubig nang biglang may umahon at sobrang natakot ako sa nakita ko, isang babae na natatakpan ng mahabang buhok ang kanyang mukha.

ZENKI: (Napaupo sa pagkakagulat) Ah! Si...si... Sadako!

YUKI: (Iniayos ang kanyang buhok) Zenki? Anong ginagawa mo rito?         (Natigilan)

....Natigilan pareho kami ni Yuki sandali, ako sa sobrang gulat at siya sa sobrang hiya. Dahil ba nakita ko siyang naliligo? Ilang sandali bigla siyang tumili at pinagbabato niya ako ng mga gamit.

YUKI: Ay! Bastos ka Zenki! Umalis ka rito! (Nagtatapon ng gamit)

ZENKI: Aray! Sori, sori di ko sinasadyang         (Nataranta)

.... Kumaripas ako sa pagtayo at umalis pero dahil sa pagmamadali ko nadulas ako at tumama ang noo ko sa pader. Bigla akong nawalan ng malay.

.... Paggising ko nakita ko na nasa sofa na ako at may bandage na rin ang noo ko. Pagbangon ko, nakita ko si Yuki na nakaupo sa sahig malayo sa akin at tinitigan ako ng masama na para bang may masama akong balak sa kanya. Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina bago ako nawalan ng malay.

My Halloween Girl Friend (MHGF) 2013 revisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon