October 5: Mirai

27 3 1
                                    

OCTOBER 5: Mirai

.... Nagmamadali kaming pumasok ni Yuki sa unibersidad. Tinanghali kasi kami ng gising dahil sa pag-aayos namin ng mga biniling gamit ni Mama. Patakbo akong umakyat ng gusali para makahabol sa klase ko nang biglang nakabangaan ko si Mirai. Sa sobrang lakas ng banggaan parehas kaming tumalsik at napaupo.

MIRAI: Ouch! What the hell! Pwede bang tumingin ka nga sa dinadaanan mo!

ZENKI: Sori Mirai, pasensya na talaga. (Sabay yuko)

YUKI: (naiinis) Sisipain ko na itong babaeng  ito! Kita mong ikaw nga ‘tong bigla-biglang sumusulpot diyan –

ZENKI: Yuki.

.... Napansin ko na para bang lumuluha si Mirai.

ZENKI: Mirai, ok ka lang ba? May masakit ba sa iyo?

MIRAI: Don’t touch me! (naluluha) Ouch!

.... Nakita ko na namamaga ang kaliwang paa ni Mirai, napinsala yata siya nang nagkabanggaan kami kanina.

ZENKI: May sprain ka, halika dalhin kita sa infirmary.

MIRAI: (Nagmamatigas) No! I’m okay!

.... Dahan-dahang siyang tumayo pero nakaramdam siya ng matinding sakit sa paa na muntik-muntikan siyang matumba. Kaya inalalayan ko siya.

ZENKI: (Inalalayan si Mirai) Tulungan na kita. Hindi mo pa kayang tumayo.

MIRAI: No! I said don’t touch me! Sinabi ko naman sa iyo na okay lang ako!

.... Hindi ko na ipinilit pa ang sarili ko, hinayaan ko na lang siya mag-isa habang pababa at nakahawak sa stair guide. Maya-maya, nadulas siya at dali-dali ko siyang inalalayan.

ZENKI: (Binuhat si Mirai) Sabi ko sa iyo hindi mo pa kaya. Kaya sana hayaan mo muna akong tulungan ka.

MIRAI: Zenki... (Natouch sa ginawa ni Zenki)

.... Inihatid ko si Mirai sa infirmary para mapatingin sa doctor ang kanyang paa.

DOCTOR: Minor sprain lang yan, hindi naman gaanong malala pero kailangan mo parin ipahinga iyan ng dalawa hanggang tatlong araw.

MIRAI: Papaano po may praktis pa kami ngayon at championship na namin sa Miyerkules?

DOCTOR: Hindi ka muna pwedeng mag-cheerdance hangga’t maaari dahil nga napinsala pa iyong paa mo. Kung ayaw mong lumala yang kalagayan mo mabuti pang sundin mo ang payo ko. Sa Miyerkules pa naman yang kumpetisyon mo, maaari na gumaling na iyan sa Miyerkules, hayaan mo bibigyan kita ng gamot para mas mapabilis ang paggaling yan pero dapat mong sundin ang payo ko. No cheerdance practices until you’re well, ok?

MIRAI: OK, I understand. (Medyo inis)

DOCTOR: Ok sige aalis muna ako, ipahinga mo muna iyan.

.... Paglabas ng kwarto ng doctor, ibinuhos ni Mirai ang pagkainis niya sa akin.

MIRAI: (Masama ang tingin kay Zenki) Ikaw kasi eh! Kasalanan mo ito! Kung sana marunong kang tumingin sa dinadaanan mo, hindi mangyayari ito!

ZENKI: Sori, sori talaga.

MIRAI: Sori, sori. Umalis ka na nga! I don’t want to see your face anymore! Get out! Weirdo.

.... Nasaktan ako sa mga sinabi ni Mirai sa akin. Pakiramdam ko wala na talaga akong pag-asa na ligawan siya. Wala na nga siguro.

ZENKI: Hindi ko talaga sinasadya iyon, Mirai. Lubos akong humihingi ng pasensya sa iyo. Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang.

.... Papaalis na ako ng infirmary nung narinig ko na may tumawag kay Mirai sa kanyang celpon.

My Halloween Girl Friend (MHGF) 2013 revisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon