O1 | one
FAR DREAM
Elites of the Unknown World
By: @alittlebitdark---------------
I just realize that I was born different.
Hindi ko alam na makakapag salita ako, because all I thought is that isa akong 'pipi', hindi makapag salita at lampa.
Gamit ang mahika, napunta ako sa lugar kung saan naging totoo ang mga pangarap ko.
Ang panaginip.
Panaginip ang nagdala sa akin sa lugar na iyon.
Pero---- panaginip nga ba?************************************
Alfei Dominguez
...5 am :
---
**Naka-upo ako ngayon sa harap ng laptop ko.
Mahilig akong magsulat at isa na din dito ang palagi kong napapaginipan.-ibang klase talaga to,nung isang araw nanaginip ako at parang kadugtong ito kagabi!grabe unique siya eh---sa tanang buhay ko ngayon lang,as in ngayon lang !
~sa isip-isip ko .>>Ako nga pala si Alfei Dominguez ! "Fei" nalang o di kaya "pipi" ,yun naman talaga tawag ng mga tao sa akin. Oo, pipi ako hindi ako makapag salita.
Bihira lang din akong lumabas ng bahay,mas okay na nang dito ako sa bahay para magsulat,pero sa isip-isip ko kung ano kaya kung lumabas ako nang bahay at makapag isip ng bagong genre ng story ..yung tipong maranasan mo na di mo akalaing magkatotoo pala, marami na din akong nasulat pero di ko pa ito ipinapakita sa mga tao, tanging si nanay lang ang nakakabasa ng mga iyon. Sabi nga ni nanay ehhh magiging sikat daw ako na writer balang araw ..hahaha
Speaking of nanay, nandito siya ngayon sa kusina nagtitimpla ng gatas para sa akin.
Noong 5 years old palang kasi ako ay iniwan na kami ni tatay. Hmmm pano ko ba e-explain to,
---natutulog lang kasi si tatay nun at hindi na gumigising mga ilang araw na, sa pagkakaalam ko ay kinuha siya ng isang matanda.
Hindi ko kasi makita ang mukha ng matanda dahil gabi iyon at naka sumbrero siya ng napakalaki na halos natatakpan ang kanyang buong mukha. Nag usap sila saglit ni nanay at umalis na ito tangay si tatay na isinakay sa isang kalabaw.Musmos palang ako ay kitang-kita ko ang pangyayari. Nakita kong hindi naka-imik si nanay at patuloy na umiiyak,lumabas ako at sinundan ko yung matanda ngunit---- nakita ko sila na ang layo-layo na nila papuntang kagubatan, at yun ang oras na huli ko silang nasilayan.
It was a very solemn night, ang ihip ng hangin na parang nangungusap..mga silhouettes lang ang nakikita ko na unti-unting lumalabo.
Isa ito sa mga nakaraan na hinding hindi ko malilimutan na parang naka tatak na ito sa aking isipan.
Sa puntong iyon ay biglang bumuhos ang ulan kasabay ng pag agos ng aking mga luha ..
----------------------------------------------
.
.
.Mga ilang buwan din kami ni nanay bago nakapag simula ulit, wala na kasi si tatay na noon ay palagi akong kinukwentohan ng mga bagay o lugar na wala dito sa atin. Kung meron daw na ganun ay gusto niyang puntahan.
Naging fan na din ako sa mga nagsasalitang mga bulaklak,puno, o di kaya hayop.
Musmos palang kase ako ay kinukwentuhan na ako ni tatay kahit tango lang ako ng tango at pag may nakakatawa ay tumatawa din ako.
Sinabihan pa nga niya ako noon na .. "Fei..anak,kung may makita kang ganung lugar ay wag kang magdalawang isip na puntahan iyon dahil isang beses ka lang makakita nun "
Ika nga, Things never happen the same way twice! parang familiar yung sayings no ?Narinig ko na yon sa palabas na Narnia eh. So, kung ganun! I will grab the opportunity na maka punta ako sa lugar na yun kung meron man .
Tumango lang ako at niyakap ko siya. The days past, before siya nawala sa amin ay may sinabi pa siya sa akin na hindi ko malilimutan.
"Fei,bantayan mo nang mabuti nanay mo ah ?..'wag kang mag-alala,babalik din ako .."
----at yun na ang last na sinabi ni tatay sa akin kahit hindi ko ma gets yung sinabi niya ..hanggang ngayon ay pinag isipan ko pa at hindi ko makakalimutan ang last word niya.
"Babalik din ako ..".
.**Ngayong malaki na ako , siyam na taon nang nakakalipas ay nakatatak parin sa isip ko ang mga ala-ala niya.
Hindi ko siyang nakitang nilibing dahil di namin alam ni nanay kung nasaan na yung katawan niya dahil pagkatapos ng nangyari noon ay hindi na rin nagpakita yung matanda na kumuha sa kanya .
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
>>Kahapon lang ng gabi ay nanaginip ako ng kakaiba, ang mga panaginip ko kasi ay binubully ako ng mga bata, tinutulak o di kaya'y binabato nang kung ano-ano, minsan nga ayaw ko nang matulog para di na ako managinip ng ganun.
--- ngayong gabi na naman ay sigurado akong mananaginip na naman ako nang kakaiba.
***
Madilim ang paligid, isa-isang naglabasan ang mga nakaraan. Panaginip na may halong kaba.
Nanaginip ako kay tatay, yung sinasabi niya noon sa akin, yung matanda na kumuha sa kanya.Then biglang may narinig akong salita.
" Malapit na, kailangan ka na dito "
Hindi ko alam kung sino. Tanging boses lang ito ng babae. Si nanay ba yun? Pero hindi ka-boses ni nanay.
At biglang nag flash at lumiwanag nalang ang buong paligid.
Napagtanto ko na nandito ako sa harap nang mga bahay na wari ay wala nang nakatira dahil sira-sira na ang mga ito.
Walang tao?
Maya't maya pa ay nagsilabasan ang mga bata.
---ayy mga bata lang pala ..bakit kaya sila lang nandito ?At yun nga, mga bata lang sila pero binabato na naman nila ako . Aaarghhhh !!ehh ano pang magagawa ko kundi tumakbo.
Hindi ko kabisado ang lugar kaya takbo lang ako nang takbo hanggang sa ...
.."Boogsssh" !!!..
Nabunggo ko ang isang bagay, ay este hindi ito bagay. Tao ito, matanda.
Agad nalang itong tumayo at inaalalayan akong bumangon mula sa pagkakadapa ko.
Nasa maayos na akong postura nang may naalala ako.Agad kong tiningnan ang mga bata na sumusunod sa akin pero wala na sila.
Bumalik ako sa harap ko ngayon, tiningnan kong maigi ang matanda.Hindi kaya, ito yung matanda na kumuha sa tatay ko? Pero wala naman siyang malaking sombrero.
At sa puntong ito, kami nalang ni lolo ang nasa lugar na iyon.
Magkaharap sa isa't isa na tila ba'y pinakiramdaman ang paligid hanggang sa biglang lumakas ang ihip ng hangin.Kukunin din ba niya ako?
.
.----------------------------------------------
By: alittlebitdark
![](https://img.wattpad.com/cover/58772706-288-k821406.jpg)
BINABASA MO ANG
FAR DREAM : Elites of the Unknown World
FantasyRank#690 - adventure F-antasy A-ction R-omance:Dream Everyone of us has its own dreams, may magkapareho pero hindi sa lahat. Minsan kapag maganda ang panaginip, gusto mo wag nang gisingan 'yung ganun ..masaya di ba ?o masaya nga ba ? Sa panaginip la...