06 Friend or Enemy

122 2 0
                                    

06 | six

Tumakbo ako nang sinabihan niya ako.

"Teka,ba't alam niyang nagugutom ako? Siguro sinusundan niya ako. Ay basta nagugutom na talaga ako"

Pumunta na ako kung saan nanggaling ang tinig niyon at nang pagdating ko ay--- may kasama siyang unggoy at ang hayop na iyon ang pina pakain niya.
Takam na takam na ako sa pagkain na inihanda niya na nasa loob ng mga bilaô.

Akala ko ako ang tinawag niya,
akala ko lang pala.

Hayyyz...malay ko ba kung sinong taong toh.

Habang hindi pa siya nakapansin sa akin ay umatras na ako at magpasyang lisanin ang lugar...pero ,

"Sandali lang!Di ba sabi ko kumain ka?"
Sabi ng babae sa likod ko habang agad hinarangan naman ako ng unggoy kaya napahinto ako.

Lagoooot!!!

"Ahh..ehhehehe,ako pala sinabihan mo?
Uhmm,salamat nalang--busog pa ako..hehehe sige ah?alis na'ko..hehehe napadaan lang kasi ako dito pasensya na sa abala"
Natatarantang sabi ko.

"Kanina pa kita sinusundan. Teka,ano bang meron sa'yo para pasundan ka ng pinuno ko,marami ka bang stuff?"
Sabi niya habang papalapit siya sa'kin,habang ako naman ay napapaatras.

Pinuno??? Anong sinasabi niya?

"Ha? Hindi ko yun kilala, tsaka yung stuff na sinasabi mo,ano yun?"
Nanginginig na talaga ako.
Hindi sa takot ... kundi sa GUTOM!!

Ano ba yaaan!papakainin ba niya ako o papatayin? GOSSHH!!!ayaw ko pang mamatay .

" Hm.Ganun ba? oh tara kain ka muna"
Sabi niya sabay talikod sakin .

Ano pang magagawa ko. hayyyst,kinuha na ng unggoy ang kamay ko gamit ang kanyang buntot.

Bumalik kami sa lugar kung saan sila kanina.

"Wow!!mukhang ang sarap nito ah! Amoy pa lang"
Sabi ko na namimilog ang mga mata at sumubo ng pagkain .

"Kumain ka nalang diyan tsaka tira naman iyan ni Miro"
Sabi niya at napahinto ako sa pagkain .
"Joke lang!!"
Nakatawang bawi niya.

Mmmmm sa tingin ko parang mabuting tao naman siya.

"Miro pala ang pangalan niya,ikaw anong pangalan mo?"
Tanong ko sa kanya.

"Siya si Prinsesa Lucia"
Sabi ng unggoy.

Nagulat ako. GOSSHH!!! Hindi sa prinsesa ang bagong kakilala ko kundi ang unggoy na nagsasalita.
Sa pagkakaalam ko,parrot lang ang nakakapagsalita diba?

" Na-nakakapag-salita siya?"
Tanong ko sa prinsesa habang tinuturo yung unggoy.

Tumango lang siya.

"Magbigay pugay ka sa mahal na prinsesa"
Sabi sa akin ng unggoy.

Tumayo ako at yumukod.

"Ay wag na, okay lang. Hindi ako sanay na may pumupuri sa'kin"
Sabi niya na naka yuko.

Tumingin ako sa kanya.
Para nga siyang prinsesa, napansin ko ang kulay snow na buhok na kasalukuyang nakatago sa loob ng hood niya.
Ang kanyang mga mata na kulay asul.

Nilapitan ko siya ng konti at sinabi ko sa kanya na...

"Bakit mo naman ikinahiya ang pagiging prinsesa mo. Hindi ba't dapat matuwa ka?"
Ang tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FAR DREAM : Elites of the Unknown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon