03 My Bestfriend

146 2 0
                                    

03 | three

---

"Alfei ! Anak, gising!!"
Sigaw nang nanay ni Fei habang niyuyugyog niya ito.

***

Alfei Dominguez

Nagising ako sa malakas na yugyog ni nanay sa akin.

"Nanaginip ka na naman anak. Lagi na yan ah,ohh ipagtimpla muna kita nang gatas ha inumin mo muna yang tubig"
Sabi sa akin ni nanay at umalis na ito patungong kusina

~hayyy...balik na naman ako sa realidad. Hindi na naman ako makapagsalita.
Tsk,ano kaya kung doon nalang ako sa panaginip ko kagabi ?kaso parang totoo yung sakit na naramdaman ko kanina.
Mabuti nalang at panaginip lang iyon,pero panaginip lang ba talaga iyon?
--- sa isipan ko.

Paghimay ko sa kamay ko ay parang may suot akong singsing..

~teka,totoo ba tohh?????
--- pagtingin ko kasi sa kanang kamay ko ay naroon ang mahiwagang singsing

~so,totoo nga ...teka parang hindi pa nagsi-gisingan ang mga tao ..mapunta nga doon sa tambayan.

***ininom ko muna ang binigay ni nanay sakin na gatas at nagsulat sa papel na aalis lang muna ako..dinala ko na din ang maliit kong bag na may laman na notebook para sakaling may isusulat ako.

-------------

Umupo ako sa damuhan habang pinapanuod ang papasikat na araw.
Ganito ako palagi, 'pag may napapanaginipan ako ay hindi na ako makakatulog muli kaya minsan nagsusulat ako o hindi kayay pupunta dito sa maliit na bundok para lang makapag-isip man lang.

Napansin kong may tumabi sa akin at alam ko na kung sino ito.

"Magandang umaga!"
Bati niya sa akin na nakangisi sa akin.
Ang gwapo talaga niya ayyy!!Pero hindi kami bagay tsk!

Siya nga pala si Darvy Santos.
Matanda siya nang isang taon sa akin bali 15 years old na siya. Simula nang lumipat kami nang tahanan dito ay magkaibigan na kami,siya lang ang taong tumutulong sa akin,nagtatanggol pag may mga bata na nambu-bully sakin at simula nun ay alam kong nandiyan lang siya palagi.

Ngumiti lang ako sa kanya at muling tumingin sa papasikat na araw.
~Ang hirap iwanan ang mga taong mahalaga at naging parte na nang buhay natin.
--- sa isipan ko

"Ang ganda nang papasikat na araw noh? 'kay sarap pagmasdan"
Sabi niya sa akin habang nakatingin din siya sa papasikat na araw.

Tumango lang ako sa kanya at nagsulat sa notebook..

Thank you Darvy sa lahat....
--- pinabasa ko ito kay Darvy

"Asus,Wala Yun! Tsaka ba't ka nagpapasalamat?Diba sabi mo na ako yung superhero mo"
Sabi niya sa akin

Ikaw lang ang superhero ko kaya nagpapasalamat ako sayo..
Naalala mo pa ba yung pangarap ko??
--- sabi ko na naman sa kanya na nakasulat sa notebook ko.

"Oo naman! yung pangarap mo na makarating sa lugar na iyon?"
Sabi niya sa akin at tumango lang ako.

Sorry talaga ha?Ganito kami mag usap ni Darvy pero loyal siya sakin hindi niya ako tinatawanan kapag mag kwento ako nang wala dito sa atin o yung mga hindi natin nakikita sa totoong mundong ginagalawan natin. Actually sinu-suportahan niya ako at yun yung nagustuhan ko sa kanya.
Maituturing ko na siyang Bestfriend at hindi lang bestfriend kundi superhero din sa buhay ko.

"Wag kang mag alala. Ako parin ang superhero mo kaya kung gusto mong pumunta sa lugar na iyon ay susuportahan kita, basta tandaan mong nandito lang ako Fei"
Sabi niya sa akin na parang nakuha niya ang sasabihin ko..

"Tandaan mo na kahit anong mangyari,kung malungkot ka ay tumingin ka lang sa araw o di kaya buwan at isipin mo na ako iyon para malaman mo na palagi lang akong nagbabantay sayo araw man o gabi.
Ohhh ayos diba?"
Dagdag niyang sabi sa akin na nakangiti.

Itinaas ko yung dalawang thumb ko na naka ngiti at sabay niyang kinurot ang mga pisngi ko.

"Ang cute mo talaga!!!"
Gigil na sabi niya sa akin

============

"Alfei !!! Alfei !!!"
Rinig kong tawag ni nanay sa baba ng bundok at kumaway naman ako na nandito ako sa taas.

Nagpaalam na ako kay Darvy at bumaba na.
Paano ba yan, parang saglit lang kami nag usap ni Darvy. Di bale may dalawang araw pa akong natitira sana pupunta siya mamayang gabi dito.

Simula na ang umaga.
Mataas na ang sikat ng araw at marami nang mga taong naglabasan at gumagawa nang kani kanilang gawain.
At ako naman ay maglilinis na nang bahay, 'pag may oras pa ako ay nagsusulat ako nang mga stories na naiisipan ko lang o mag drawing ng mga bagay na gusto kong makita na wala dito sa mundo natin.

Late na nang napag alaman kong gabi na pala pero kahit ganoon ay lumabas ako at pumunta sa bundok, hindi na ako nagdala nang lampara kase maliwanag naman ang daanan dahil sa buwan.

.
.
.
.

Pagdating ko ay nandun siya nakahiga sa damuhan, ginawa niyang unan ang dalawa niyang kamay na pinagpatong.
Alam kong napansin niyang umakyat ako.

"Ang ganda ng buwan at mga bituin noh?Halika't sabayan mo akong pagmasdan sila"
Sambit niya sa akin na diretso ang tingin sa langit.

Tumabi ako sa kanya at humiga rin kagaya niya.

Ang dami ngang mga bituing nagkikislapan sa langit.
Tahimik lang kaming nakahiga na tila ba'y pinakiramdaman ang buong paligid.

~ Sana,sa dalawang araw na matitira ko...makakasama parin kita dahil kahit kailan hinding hindi kita makakalimutan...
Ang gusto ko lang naman ay masabi ko sayo ang nararamdaman ko.Ang kaso nga ay ako ang may problema.
Sana ikaw nalang ang araw at ako naman ang buwan dahil sigurado akong sa tamang panahon ay magkakatagpo parin tayo.

Music Playlist
For All Time
By:Albert Posis

.
.
.
.

Mga ilang oras ang nakalilipas ay nakita kong umilaw ang singsing ko dun sa kulay yellow at nawala ang bato na iyon.
Tumingin ako kay Darvy kung napansin niyang umilaw ang singsing ko ngunit pagtingin ko ay tulog na ito.

Nanatili parin ako sa ganoong position na katabi siya.

Pagtingin ko sa relo niya ay past ten na.
Ginising ko si Darvy dahil gabi na at baka hinahanap na rin siya nang mga magulang niya.
Nagising naman siya at nagpaalamanan na kami na umuwi na.

---


Note:

Ito ang pinaka-unang story ko na sinulat.
Expect the typos and grammatical errors guys!
Jejemon pako neto at sobrang O.A 😂

FAR DREAM : Elites of the Unknown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon