04 The third day

132 2 0
                                    

O4 | four

***
Ang sarap ng tulog ko kagabi.
Wala man lang akong napapanaginipan ng kahit ano.

Unaaat...

Unaaattt...

"Alfei anak,aalis muna ako ha? Ikaw na bahala dito sa bahay"
Sabi sa akin ni nanay at umalis na ito tangay ang basket pamalengke.

Tamang-tama!pagkatapos ko dito,pupunta ako sa bundok.

Naglinis na ako ng buong bahay.
Naglaba at nagluto na rin.

Matapos ang gawain ay umakyat na ako sa bundok.
Sana pupunta siya ngayon.

Pagdating ko sa tuktok ay nakita ko nga siya, kumaway pa nga ito sa'kin.
Agad akong umakyat papunta sa kanya at tumabing umupo.

"Mukhang excited ka ngayon aah! Gusto mo na bang pumunta sa ganoong lugar?"
Sabi niya sa akin na naka ngiti.

Nabigla ako sa sinabi niya.
Gusto ko talagang pumunta sa ganoong lugar...kung maisasama lang kita...mas exciting.
---sa isip-isip ko

Ngumiti lang ako sa sinabi niya..

^_^

"Oohh..ito baonin mo sa paglalakbay,tiyak na magustuhan mo iyan"
Sabi sakin at inabotan niya ako ng chocolate.

Natuwa ako sa ibinigay niya.
Nag thumbs up ako sa kanya tsaka siya tumayo.

"Uhm pano, mauna na ako ha?Ikwento mo nalang sa akin pagbalik mo ang mga nakikita mo sa lugar na iyon. Sige mag ingat ka dun ha?paalam!"
Nakangiting sabi niya sa akin na kumakaway pa patakbong umalis..

Nakatingin lang ako sa kanya nang paalis na siya..

Oo. Ikukwento ko sa iyo pagbalik ko...
~sa isip ko

Hanggang gumabi na ay nanatili parin ako sa bundok.
Nagtxt si nanay sakin na umuwi na para makakain.
At umuwi na ako, dala-dala ang binigay ni Darvy sa'kin na chocolate.

===========

Yay!!!maaga akong nagising sa huling araw na ito.
Pagtingin ko sa singsing ko ay nawala na ang kulay dilaw at pula. Ang natira nalang ay ang kulay asul kung kailan papasok na ako sa mahiwagang pintoan.

Naghilamos muna ako at nagsipilyo.
Pagkatapos nun ay dali-dali akong pumaroon sa bundok.

Pagdating ko ay wala akong nadatnang Darvy.
Inikot ko ang nag iisang malaking puno doon kung sakaling nagtatago siya.
Para akong isang baliw na may hinahabol doon sa lilim ng puno.

Umupo nalang ako sa damuhan.

Araw-araw naman talagang pumupunta siya dito ehh, hintayin ko nalang kaya siya.

Hindi ako mapakali.
Ang ginawa ko--higa ,tayo,upo.
Pero wala parin siya, magagabi na hindi ko man siya makita at makapag paalam man lang.
Bakit kaya?

Sana sa huling araw ay masilayan man lang kita...dahil kung sakaling magustuhan ko doon ehh siguro hindi na kita makikita.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin.
May bagyo ba?pero hindi ehhh payapa ang langit.

May napansin ako sa likod ng malaking puno.
Sana siya na ito.
Pumunta ako malapit sa puno pero imbes na matuwa ako ay napalitan ito ng kaba.

FAR DREAM : Elites of the Unknown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon