02 The Gate

191 2 0
                                    

O2 | two

Alfei Dominguez
(Fei)
.
.

"istorya"

Sabi ng matanda na di ko naman naintindihan,ehh syempre tumingin lang ako sa kanya na kunot ang noo. Hindi nga ako makapag salita diba ??

"anak,sa mundong ginagalawan mo ngayon iba dito sa inakala mo. Walang pumipigil sayo,magsalita ka"

Kulit pang sambit ni lolo sa akin.

'Ano daw?di ko getzz --sa isip-isip ko

**wala pa rin akong ka-reaksyon.

"magsalita ka"
Ulit na namang sabi niya.

***yumuko lang ako. 'paano ba yan ,alam ko namang pipi ako lolo. --- nagsasalita na naman ako sa isip ko .

"Malaya ka dito,pwede mong gawin kung anong naisin mo kahit panaginip lang ito ay meron talagang limitasyon. Kung gusto mong magsalita---magsalita ka,walang pumipigil sayo"

Nagsasalita si lolo habang uugod-ugod na umupo sa batohan.

Ganun? Parang hindi ito panaginip.

"Teka lolo...sinabi niyo po bang pa-na-gi-nip lang--------- "

Nahinto ako sa pagsasalita. Wait, ako ba yung nagsasalita?
"whaaaaah!!! Nakakapag salita ako? as in! Ahhhh!!!!"
Sigaw ko habang tumatalon.
Really! Boses ko talaga siya, medyo cute na matilis na yung normal lang na boses babae.

Siguradong nanlaki na ang mga mata ko dahil di ko akalaing nakakapagsalita ako.
Nanonood lang si lolo sa akin habang tumatalon talon ako sa tuwa.
Pers taym ko kaya to!

"My ghaad ! Ngayon ko lang nalaman na pwede akong magsalita! Gusto ko yung boses koooo!!!"

Siguro ang O.A ko na.
Para akong isang baliw sa ginagawa ko.
Nag-iimagine pa nga ako na kumakanta sa harap ng mga tao, parang epic hahaha di talaga ako maka get over sa boses ko.

Tapos pumunta sa harap ko si lolo at nag clap, Ayun! nawala na parang bula yung mga ini-ilusyon ko -_- 
'haizzt ang KJ naman ni lolo ,kita mo na sinusulit ko pa ey'

" 'Lika,may pupuntahan tayo"
Sabi niya.
Hinila ako ni lolo kung saang lugar hanggang sa tumambad sa amin ang isang mesa,dalawang upuan na magka harap at mga tsaa.
Gawa lang iyon lahat sa kahoy, parang maka-luma, antique baga.
Saka niya ako pina-upo.

Ngayon ko lang napansin ang paligid.

" Ahh lolo ,parang ang weird nang lugar"

Komento ko sa kanya, ang linis kasi ng nasa harap ko, wala kasing kapuno-puno na tila ba'y bawal taniman ng kahit na ano.

Napatingin naman ako sa likod at bigla nalang akong namangha.

" Wow ! Ang laki ng gate at ang tataas ng pader lolo! grabe ang laki, parang pampalasyo. Sigurado akong ang hirap at ang tagal magpatayo ng ganyan kalaki. Ano kayang nasa loob niyan lolo??"
Tanong ko kay lolo na manghang mangha parin sa mga nakikita ko.

Ang laki nito. Yung hindi mo makikita ang kabilang langit dahil sa laki nito. Napatawa naman siya ng bahagya.

" Ako lang naman ang nangangalaga at nagbabantay sa lugar na ito. Magandang tingnan diba?"
Sagot ni lolo na naka tingin sa malaking gate.
Hindi ko din maalis ang paningin ko dito.

Kulay berde ito at medyo luma na rin pero makikita pa din ang kintab ng bawat gilid.

"Talaga po lolo ? Wow...pwede rin po ba akong pumasok diyan?"
Excited na tanong ko sa kanya na nangungusap na papasokin ako.
Sa totoo lang gustong-gusto ko talagang pumasok.
Gusto kong makakita ng palasyoooo!
Gusto kong makita ang isang Hari at Reyna kasama ang kanilang maliliit na prinsesa at prinsepe !!!

FAR DREAM : Elites of the Unknown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon