05 First step

138 2 0
                                    

05 | five

> Nang pumasok na sila sa ibang dimensyon ay tumambad sa kanila ang napakalaking pintoan na nakita na ni Fei noon.

=====

"Wow!!! Excited na akong pumasok lolo!"
Tumatalon talon kong sabi sa kanya.

Hindi magkamayaw ang saya ko nang makita ko ulit ang napakalaking gate sa harap ko.
Gusto ko na talagang pumasok.

Ngumiti si lolo at yumuko sa akin.

"Basta,mag iingat ka roon.
Yung mga sinabi ko dati dapat tatandaan mo ha?
Oohh sige paalam na anak"
   Sabi sa akin ni lolo at hinawakan niya ang ulo ko.

"Ayy,teka lang!!may ibibigay ako sa iyo"

May dinukot siya sa bulsa.
Binigyan niya ako ng hugis bilog na kulay asul at isang hikaw.

"Ano po ito lolo?tsaka itong hikaw na walang kapares"
Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Basta itago mo nalang iyan,balang araw ay mas kakailanganin mo yan"
  Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Malalaman mo din yan kung bakit. Sa ngayon, makinig ka muna ha at unawain mo,

May mga bagay lang talaga na ikaw mismo ang tumuklas. Kailangan mong tanggapin at pahalagahan nang sa gayon ay makamit mo ang iyong mga kasagutan.
Naiintindihan mo ba ako anak?"

Kahit hindi ko masyadong naintindihan ay tumango lang ako at yumakap sa kanya.
Inilagay ko sa bulsa ang binigay niya.Sumenyas na siya sa akin na pumasok na at tumalikod na ako sa kanya.

Papasok na ako sa mahiwagang pintoan.

(Hingang malalim at kumawala niyon)

Nanay,Darvy. Hintayin niyo lang ako.

Mahinang sabi ko sabay pikit ng mga mata ko habang tinulak ko lang ang napakalaking pinto.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagulat ako ng sa unang tapak ko ay malamig.
Pagbukas ko ng aking mga mata ay---

"Tubiiiig!!!! Tubig!!"
Sigaw ko.
Nasa gitna ako ng isang ilog at nahulog ako ng tuluyan sa tubig.

"Hayzzzzt!!!!..Ano ba yaaan!!!nabasa tuloy ako!!!buti nalang at hindi masyadong malalim"
Pageemote ko habang nasa gilid na ako ng ilog at pinipiga ang mahaba kong buhok.

Habang naglalakad na ako ay tanaw ko ang nagtataasang mga bundok,mga puno at napakaraming ibon na nagliliparan sa napaka maaliwalas na langit.
Ang simoy ng hangin na napaka presko.
Ang lameeeeg.....huhuhu wala pa namang extrang damit dito.

"Teka!!!asan na ang palasyo?"
Tanong ko sa aking sarili
Ewan ko!aba nagtatanong ako wala namang ibang tao dito kundi ako lang mag isa. Tanga lang ang peg.

Lakad na naman ako.

Wow!grabe ,ang ganda talaga dito!!!teka..,ayyy!hindi ko pala nadala cellphone ko..ano bayaaan!!maganda pa naman mag selfie dito..hayyyy...
Di bale...moment ko tohhhh!!Hahaha

"Weeeeehhh!!!!" --takbo ko.

"Ang ganda ng mga bulaklak!!!!"
Sigaw ko.
Napunta ako sa isang bukirin,naghahalo ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak kaya ganun ako ka saya.
Pumitas ako ng isang bulaklak na kulay pula at inamoy ko ito, matapos ay nilagay ko sa itaas ng tenga ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko with matching sayaw sayaw pa.
   

"Hayyyy!!!parang ang sarap ng pakiramdam"
Mahinang sabi ko habang umiikot ikot.

FAR DREAM : Elites of the Unknown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon