Dear; Diary
Xia hereeeee !!!!! Yay !
Super saya ng araw na to.
Magkasama kami kanina ni jake, napaka sweet nya ! Ugh !!! I-k-kwento ko nalang***
Kanina sinundo nya ako sa school, may dala syang red roses, kagagaling nya din lang ng school nila nun."Uy,Kinikilig.." Asar sakin ni mikee yung bestfriend ko "lapit na!! Nahihiya pa eh." Sabay tulak sakin.
Nasa labas sya ng gate, kaya ako naman takbo agad. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit, power hug ang tawag namin dun.
"Kaylangan ba talaga may red roses?" Tanong ko sakanya.
"Syempre naman ! Nakakahiya naman sa maganda kong girlfriend kung wala akong dalang bulaklak sa birthday nya." Nakangiting sabi nya saken habang nag lalakad at nka hawak sa bewang ko.
"Hmm,Hindi mo naman kailangang mag dala ng kahit na ano, ok lang." Sagot ko sakanya.
"Xia.." Huminto kami sa pag lalakad, tinignan nya ko ng diretso sa mata.
"Alam kong Hindi ako kasing yaman nung mga nirereto sayo ng daddy mo. Wala din akong sariling sasakyan para mahatid ka sa mala palasyong bahay nyo." *Hinawakan nya yung dalawa kong kamay* "pero mahal kita. Higit pa sa inaakala mo. Kaya kung Pwede lang, pagbigyan mokong Regaluhan ka sa paraang kaya ko."
Kulang nalang maluha ako sa sinabi nya, Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Mahal din kita." Yun lang yung nasagot ko sa lahat ng snabi nya. Ngumiti naman sya bigla, ang cute nya talaga. :)
"Hayaan mo! Pag nakapag tapos nako? At nakapag trabaho. Bibilhan kita ng eroplano. Hindi kana mag sasasakyan. Or mag je-jeep. Eroplano na gamit mo, plus ako pa yung piloto !"
Pagmamayabang nya with matching action. Ganyan ang tunay na lalake ! Mataas ang pangarap para sa pinakamamahal nyang babae !
"Wow! Ha! Pero Sige, hihintayin ko yun!"
Pabiro kong sagot, inakbayan nya ko. At nag kulitan kami habang naglalakad pauwe.
Everytime na may madadaanan kaming street food , Hindi namin maiwasang hindi bumili.
Nakahiligan na kasi naming gawin eh, isaw,kwek-kwek,itlog ng pugo,fishball,kikyam & siomai.
Aba ! Solve na solve busog na busog nako !Malapit na kami sa bahay, nang
Huminto si jake sa pagkalakad.
Tumingin sya sa Wristclock nya"Hmm,6pm na. Hindi kaya pagalitan ka ng daddy mo? May party kapa mamayang 7pm."
"Hindi ka nanaman ba pupunta?" Tanong ko sakanya, Hindi kasi sya pumupunta sa birthday party ko, Baka daw kasi masira nya pa yung party, dahil nga nandun si daddy.
"Baka magalit yung daddy mo," *tumingin sya sa sarili nya "Chaka tignan mo, Hindi ako bagay sa mamahaling party."
"Ang gwapo mo kaya ! Ikaw na ata ang Pinaka gwapong lalaking nakilala ko!!" Sagot ko sakanya.
"Gwapo pero hindi mayaman." Nag lakad uli kami, wala syang kibo.
Hinawakan ko yung kamay nya.
"You are perfect.... *tumingin sya saken* To me."
"Talaga?" Tanong nya.
"Oo ah! You're the best partner ever !!!" Sigaw ko,
Tumawa naman sya.
Ang saya sa feeling kapag napapasaya ko sya kahit sa simpleng bagay lang."And you're my dream come true." Sagot nya saken, ang sweet nya talaga ! Punyemas kinikilig ako *wink,wink* hahaha
Maya maya pa Hindi namin napansin nasa tapat na pala kami ng gate. Rinig na rinig ko yung music, ang ingay !!
Nakita ko din yung garden namin na punong puno ng ilaw. For sure para yun sa party ko later. Busy lahat ng tao.
Binigay nya na saken yung mga libro na dala dala ko. Hawak ko padin yung roses ;) <3
"Sige na,pasok na my princess."
"Ingat ka ha. Iloveyou."
"Iloveyou more." Sagot nya nang nakangiti. Ugh super cute nya grabe.
Binigyan ko muna sya ng power hug bago pumasok sa pinto. Kompleto na agad araw ko !!
Kahit walang party.
Sya lang naman happiness ko eh.
Sya lang talaga.***
Pagkapasok ko, bibig agad ni daddy yung narinig ko, bat daw ang tagal ko? Kanina padaw nag hihintay yung hairstylist at make up artist ko.
Hindi ko nalang sya pinansin.
Hanggang sa nagsimula yung party.
Nakita ko yung uncle and unties ko, pati na mga yung pinsan ko and other relatives specialy my lolo and lola.Syempre invited din yung mga friends ko.
Naka formal dress and suits sila.
Sabihin na nating napaka bongga ng party ko pero Hindi padin ako masaya.Kasi wala si jake eh.
Yung date ko? Sino pa? Edi yung nirereto ni dad saaken. Kaasar !Iniiwan ko lang lage yung date ko, kase ayoko sakanya. Hanggang sa ayun matapos yung party.
Hays, nextime?
Sasabihin ko kay daddy na wag na nya akong bigyan pa ng birthday party.
Sawa nako eh .Goodnight-Diary
***3rd Page End
BINABASA MO ANG
Diary of Xia Lim (TagalogShortStory)
Historia CortaThis is a short story written by my oldersister. Hindi sya mahilig mag wattpad gumagawa lang sya sa notebook, ako lang yung Reader nya, hehe so... I decided na ilagay sya dito. At iEdit pa ng konte yung story ,Baka sakaling magustuhan nyo. -just li...