Isa

130 3 0
                                    


"Mama at Papa naman eh, alam kong may forever, pero bakit naman po ganito?"


Tanging boses at hagulhol lamang ng dalaga ang maririnig mo sa buong floor na yon


"Alam kong kayo yung nagpatunay ng forever dahil pinakita nyo sakin yon pero ganun ba talaga? Kelangan hanggang huling paghinga sabay pa kayo? Bakit kelangang sabay pa kayo?"


Hindi na niya kinaya at napaupo na lamang siya sa silya doon


"Mahal na mahal ko kayong dalawa Mama at Papa, forever yun"


Sa kabilang silid naman ay may lalaking tinititigan lang ang mga nasa unahan niya na tila bang ayaw niyang mawala ito sa paningin niya


"Mama at Papa sorry ang ingay nung nasa kabila ah, ito lang kasi yung kinaya ko eh, bakit kasi sabay din kayo? Pareho kami nung nasa kabila oh, kaso hindi ako maingay haha"


Tumingin siya sa kawalan at kapagdaka'y may pumatak nang mga traydor na luha sakanyang mga mata


"Pinipigilan kong umiyak, Mama at Papa, pero bakit bigla akong nanghina? Napaka-aga pa kasi, napaka-aga pa para iwan nyo ako"


Parehong may naramdamang malamig na hangin ang binata at dalaga na naging pahiwatig naman sakanila


"Mami-miss ko kayo Mama at Papa"


Sabay nilang sabi at napatingin sila sakanilang pintuan dahilan para magkatitigan sila


Inalis naman agad ng dalaga ang kanyang titig at nagpunas ngluha, tumayo siya at lumabas. Ganun din naman ang ginawa ng binata at sinabayan naman niya ito sa paglalakad


"Naniniwala ka ba sa mga pamahiin?"


"Sino ka?"


"Kapag daw iniwan mo yung naka-burol, may kukuha don"


"Seriously, naniniwala ka don?"


Umorder sila ng kape at tanghalian at bumalik na sakanilang silid kung nasaan ang kanilang mga magulang. Ngunit may narinig ang dalaga na parang may gumagalaw sa pader sa pagitan ng dalawang silid


"Mama at Papa naman, alam niyo namang matatakutin ako eh,wag naman pong ganito"


Lalo siyang natakot nang makita niyang nawala ang pader na pumapagitna sa dalawang silid kaya siya napasigaw


"Oh my gosh!"


"Hehe Miss relax, sorry tinanggal ko yung dingding, tutal wala ka din namang kasama kaya tinanggal ko na"


"You scared me! Akala ko may something or someone na... argh basta!"


"Sorry na nga eh. Naniniwala ka ba dun sa pamahiin na  sinasabi ko kanina kaya ka natakot?"


Inayos ng binata ang isang lamesa sa  pagitan nila at doon inilagay ang binili nila kanina


"Hindi 'no. Why would I?"


"Well, who knows kung totoo yon, diba?"


"Sino ka ba kasi?"


"I'm Elmo, and you are?"


"Julie"


"So bakit hindi ka naniniwala sa mga pamahiin?"


"E bakit hindi? It's just from our ancestors and I didn't see one happened, to see is to believe"


"Sabagay. Uhm pwede bang magtanong?"


"Nagtatanong ka na eh"


"Bakit sabay nawala yung Mama at Papa mo?"


"Magkahiwalay na car accident. Mama from Cebu then Papa from Pampanga, hindi ko na nga alam kung sinong uunahin ko eh, pareho na silang pauwi non sa bahay, but the next thing I know is nandito na ako, nakatingin sakanila"


"Car accident din yung dahilan kung bakit nawala sina Mama at Papa, pareho silang galing Bicol tapos ayon nga bigla nalang nandito ako"


"Wala ka na rin bang relatives?"


"Meron, kaso nasa U.S. sila eh, kaya nagpadala nalang sila dito. Ikaw?"


"Atleast meron, ako kasi wala, pareho kasing only child  si Mama at Papa tapos si Lolo at Lola naman, nakisuyo nalang sakin kaya kahit papano may nagastos ako"

Nagkwentuhan sila at panandaliang nilimot ang malungkot natrahedya na nangyari sa buhay nila



AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon