Lima

57 2 0
                                    



Literal na lagi nang magkasama si Julie at Elmo sa lugar na iyon kahit san man sila magpunta. Tanghalian na ngayon at nasa Dining Area sila lahat


"Si Julie oh tulala hahaha"


"Hindi ah"


"Sus, e sino pala ang tinitignan mo? Hahaha. O pagkain mo"


Inilapag ni Elmo ang pagkain nila ni Julie mula sa buffet table at nagsimula na silang kumain


"Wala akong tinitignan"


"Pero may nakatitig sayo kanina"


"Ha?"


"Si Marco nakatitig sayo kanina"


"Sus, magtigil ka nga selos ka lang eh, hahaha"


"Hala. Bakit naman?"


"Hahahaha. Ang issue mo kasi"


"E malay mo diba may gusto sayo si Marco..."


"Edi selos ka nga? Hahaha"


"Haneps! Hahaha"


"Edi may crush ka nyan sakin? Hahaha"


"Si Marco ang may crush sayo hindi ako hahaha"


"Sus e bakit ganyan yung tono ng pagsasalita mo?"


"Paanong tono?"


"Parang bitter na ewan hahaha"


"Iba lang talaga yung pandinig mo"


"Hmm sabagay, effect din yun nung sakit ko"


"Kumain na nga lang tayo"


Kumain na sila at pagkatapos ay nag-volunteer na sila na ang maghugas ng mga pinagkainan nilang lahat


"Naku Ma'am, Sir wag na po"


"Okay lang Ate, kami na lang"


"Wag na po, baka mapano pa kayo eh, magpahinga nalang po kayo dun"


"Si Ate talaga, hahaha. Sige na nga. Salamat Ate sa lahat"


"Wala po yun"


Nag-ngitian sila at umalis na doon


"Ang babait naman ng mga tao dito, mukhang papaalisin ako dito ah?"


"Bakit? Mabait ka din naman ah?"


"Hindi kaya, mataray kaya ako Elmo hahaha"


"Hindi naman halata"


"Paano mo nasabi?"


"E since day one ang bait mo eh, saka hindi talaga halata na mataray ka katulad ng sinabi mo kanina"


"Yes naman hahaha"


"E bakit ang hyper mo ngayon? Bakit? Hahaha"


"Ay bawal ba? Sorry na"


"Hindi naman hahaha"


Pumunta na sila sa Garden at dun sila nagkwentuhan, gawi na nila minsan dun magpalipas ng gabi kaya nanatili sila doon




AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon