Sampu

58 2 0
                                    


Ilang linggo na ang lumipas ngunit ginagambala parin ng kaba si Elmo at pagtataka si Julie pagkatapos ng pagu-usap nila tungkol sa pag-ibig


"Uhm Julie"


"Pasok"


Binuksan ng binata ang pinto at pagpasok niya'y nakita niyang may tinitignang litrato ang dalaga


"Parents mo?"


"Oo, nami-miss ko na sila"


"Nami-miss ko na din sina Mama at Papa..."


"Kelan kaya tayo makakalabas dito? Gusto ko silang dalawin sa sementeryo"


"Hindi ko pa din alam, para namang walang nangyayari sa akin dito"


"Elmo, lahat tayo dito may pag-asang gumaling, may tiwala tayo kay God na mawawala ang sakit natin, maghintay ka lang"


Ngumiti ang dalaga sakanya kaya nginitian din niya ito pabalik


Itinabi na ni Julie ang litrato ng kanyang mga magulang


"Ah E-elmo"


"Ano yun Julie?"


"Elmo, ang labo ng paningin ko"


"J-julie okay ka lang? Teka lang tatawagin ko lang yung Nurse"


"E---"


Nahimatay ang dalaga at tumakbo naman agad palabas si Elmo para humingi ng tulong


"Nurse! Si Julie po bigla nalang---"


Ngunit ganoon din ang nangyari sa binata kaya naman agad nila itong binuhat at pinuntahan din ang dalaga


Isinugod nila ang dalawa sa mismong ospital at doon ay bibigyan sila ng operasyon


Habang papasok ng emergency room ay nagising si Elmo at nakiusap ito sa Nurse


"N-nurse, wag mo kaming p-paghiwalayin ni Julie please, wag na wag, gusto kong makita sya bago ako mawala"


"Sir hindi po pwede yun"


"Please Nurse, gusto kong sabihin ang dapat niyang marinig"


Nakarating na sila sa emergency room at magkatabi nga sila tulad ng sinabi ng binata, walang nakaharang na kahit ano kahit na delikado. Parehong nasa tabi lang ang doktor at mga nurse na dahilan kung bakit nasisilayan parin ni Julie at Elmo ang isa't isa kahit na inooperahan sila


Tumunog pareho ang machine na sumusuporta sakanila kaya sila nakakahinga at nagising pa, pero lumalaban ang kanilang sakit kaya naman agad na inaksyunan ito ng mga doktor at ginawa kung ano ang kanilang makakaya


"Clear!"


"Clear!"


"Clear!"


Sa huling sandaling iyon, kahit na hirap nang magsalita at hirap nang tumingin sa isa't isa ay nagtinginan sila at sinaba ang mga salitang matagal na nilang kinikimkim


"I love you Julie. Always."


"I love you Elmo. Always. "


Sabay nilang sabi at pagkatapos non ay pareho na silang nawalan ng buhay

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon