Apat

76 3 0
                                    



"Julie!"


Kumatok si Elmo sa silid ng dalaga at hindi ito mapakali dahil may sasabihin ito sakanya


"Elmo? Teka lang"


Nagbihis na siya at kapagdaka'y pinagbuksan si Elmo ng pinto at pinapasok dito


May iniabot si Elmo na papel kay Julie


"Ano 'to?"


"Hjea Healing House"


"Hjea Healing House?"


"Nandito tayo sa Hjea Healing House, dito nag-stay ang mga taong may sakit"


"Ha? May sakit ka ba? May sakit ba tayo?"


"Nakausap ko yung Nurse kanina, alam ko na ang dahilan kung bakit tayo nandito"


"Bakit?"


"Gusto mo talagang malaman?"


"Oo"


"Wag kang mabibigla"


"Uhm s-sige"


"May leukemia ako at may brain tumor ka..."


Napayakap na lamang si Julie sa binata at hindi alam kung ano ang sasabihin o mararamdaman


Nang naramdaman ni Elmo na medyo magaan na ang pakiramdam ni Julie ay iniharap na niya ito sakanya


"Sabi ng Nurse hnidi daw tayo dito makakalabas hangga't hindi tayo magaling"


"Kelan tayo gagaling?"


"Hindi ko din alam"


"Kaya pala ang sakit ng ulo ko lagi at nasusuka ako, hindi na rin ako makapagbuhat kahit upuan lang"


"Iba rin yung nararamdaman ko, nasusuka din ako minsan at nanlalagas ang buhok ko"


"Elmo diba friends tayo?"


"Oo naman"


"Wag mo akong iiwan ha?"


"Hinding hindi kita iiwan Julie"


"Hindi din kita iiwan Elmo. Wala na kasi sina Mama at Papa para alagaan ako"


"Wala narin akong magulang para mag-alaga sakin kaya ikaw nalang ang aalagaan ko"


"Ako nalang din ang mag-aalaga sayo"


Nanatili lang sila sa kwarto ni Julie. Paminsan-minsan ay binibisita sila ng Nurse doon at binibigyan ng pagkain at gamot


"Hindi pala boring dito 'no?"


"Uhm medyo, hehe"


"Nahihiya ka pa rin ba sa mga tao dito?"


"Uhm medyo"


"Every Friday night parang may party na magaganap daw dito sabi nung Nurse, pumunta tayo mamaya?"


"Anong gagawin natin dun?"


"Wala lang, para makilala natin yung iba nating kasama dito"


"Wag na, ikaw nalang, hehe"


"Ayaw mo ba? Sige sasamahan nalang kita dito"


Nagsimula na ang party sa lugar na yon pero hindi lumalabas sina Julie at Elmo sa silid, tinatanaw nila ang mga tao na nagsasaya


"Ang saya nila 'no?"


"Oo nga eh, parang wala silang nararamdamang sakit"


"Syempre kelangan mo ding maging masaya, hindi yung puro sakit at lungkot lang"


"Naks, hugot si Julie oh, haneps! Hahaha"


Pinanuod nalang nila ang mga tao doon at ng matapos ang mga ito sa maliit na kasiyahang iyon ay natulog na din sila sa iisang silid lamang.



AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon