Tatlo

84 3 0
                                    


Lumabas si Julie mula sa isang silid at hindi niya alam kung kanya ba iyon. Pagkalabas niya doon ay nakakakita siya ng iba't ibang uri ng tao na lahat at pamilyar sakanya. May bata, may matanda.


"Nasan ako?"


Nilibot pa niya ang paligid ngunit wala siyang makitang sign o clue kung nasaan ba talaga siya, wala ring kumakausap o pumapansin sakanya kaya napag-desisyunan niyang bumalik na lang sa pinanggalingan niyang silid


Doon ay humiga siya at tumingin nalang sa kisame


"Lord ikaw na po ang bahala kung bakit ako nandito. Ikaw na rin po ang bahala kay Mama at Papa dyan"


Nakaramdam siya ng malamig na hangin at niyakap lang niya ito


"I love you Mama at Papa"


Nakatulog siya ng ganun pwesto. Alas-diyes na ng gabi nang magising siya at makaramdam ng uhaw. Pumunta siya sa kusina doon kahit na hindi niya alam kung pwede bang kumuha o uminom ng tubig doon


"Hi. Gising ka pa?"


"What the heck?"


Muntik na niyang mabitawan ang baso


"Uhm sorry medyo nagulat kita, hehe"


"S-sorry din a-ano dun sa sinabi ko, hehe"


"Uhm ano okay lang"


"Alam mo ba kung anong lugar 'to?"


"Hindi eh, pag-gising ko andito na ako"


"Ah. Anong pangalan mo?"


"Elmo"


"Julie"


Nag-shake hands sila at pumunta sa Garden sa lugar na yon


"Bakit gising ka pa?"


"Uh actually kasi kakagising ko lang, hehe. Nakatulog yata ako kakaisip kung anong lugar 'to eh"


"Talaga? E bakit di ka nagtanong?"


"E nahihiya kasi ako"


"Pero bakit hindi ka nahiya nung kinausap kita at bakit nakapagtanong ka sakin? Hahaha"


"Grabe ha, hahaha. Hindi ko din alam eh"


"Uhm may tatanong ako"


"Sure. Ano yun?"


"Pwede ba tayong maging friends? Hehe"


"Oo naman hahaha"


Hindi man lang sila nakaramdam ng antok o kahit ano man kaya nanatili lang sila sa lugar na iyon at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Inabot na sila ng umaga.


"Good morning Julie, hahaha"


"Ay umaga na pala? Hahaha. Good morning Elmo"


"Tara balik na tayo sa loob?"


"Sige"


Sabay silang pumasok sa loob at pumunta sakanilang silid


"Magkatabi lang pala tayo ng kwarto eh hahaha"


"Oo nga 'no, haha. Sige mamaya ulit"


At natulog na sila



AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon