Dalawa

90 3 0
                                    



Libing na ng mga magulang ni Julie at walang tao sa sementeryong iyon kundi siya at ang Pari lamang


"Hija, wala ka bang dadating na kamag-anak?"


"Wala po Father, hindi po sila makakapunta eh"


"Sige, ako nalang muna"


Sinimulan ng Pari ang misa. Si Julie ang una niyang pinagbasbas at pinag-alay ng bulaklak


"Mama at Papa, eto na yun, literal na huli na natin 'tong pagkikita pero alam ko, alam kong hindi ninyo ako pababayaan at babantayan niyo parin ako. Salamat po sa pag-aalaga niyo sakin simula nung nasa tiyan palang ako ni Mama, salamat sa pagbibigay sakin ng mga gusto at pangangailangan ko, salamat dahil hindi niyo ako pinagkaitan ng edukasyon at magandang buhay, salamat po sa pagmamahal at salamat po sa lahat lahat. Mahal na mahal ko kayo Mama at Papa"


Bago niya ihulog ang bulaklak ay kinantahan muna niya ang kanyang mga magulang


"Cause everyday, every night I keep looking up the skies and I'll pray that someday you will wake up in my arms and love will never end, we belong together, always and forever, call my name and I'll be there"


Inilagay na niya ang bulaklak at binasbasan ang kaniyang mga magulang

"Sumalangit nawa ang kaluluwa niyo Grace at Anthony. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen."


Natapos ang seremonya at nailibing na ang magulang ni Julie pero hindi parin niya mapigilang umiyak


"Salamat po Father ha"


"Naku hija walang anuman, tigil ka na sa pag-iyak ha?"


Niyakap niya ito ng panandalian at pinunasan ng luha


"Magpakatatag ka. Alam kong kakayanin mo yan, hindi man ngayon pero sana sa mga susunod na araw"


Lumipas ang isang araw at ang mga magulang naman ni Elmo ang ililibing ngayon


"Hijo, wala ka nang dadating na kamag-anak?"


"Uhm wala po Father, si Tito lang po ang nakapunta, bestfriend po ni Papa"


Itinuro niya ang katabi niya at nagsimula na ang misa ng Pari


"Best friend ko na si Michael simula high school kaya nakilala ko din si Jean that time dahil nililigawan na niya ito. I guess sila yung nagpatunay ng forever. Kung nasan man kayo nandoon sana maging masaya kayo at salamat sa lahat ng tulong"


"Mama at Papa, maaga pa pero alam ko matatanggap ko din 'to balang araw. Mahal na mahal ko po kayo at salamat po sa pag-aaruga at pagmamahal na ibinigay niyo sakin since day one. Salamat po sa lahat lahat"


Binasbasan na nila ang kabaong at inilibing na ang magulang ni Elmo


"Father salamat po"


"Walang anuman hijo. Pano, una na ako? May misa pa ako sa simbahan eh"


"Sige po, salamat po ulit. Mag-iingat po kayo"


Sa mga sumunod na araw at buwan ay hindi mapakali sina Julie at Elmo, tila ba nanghihina sila at magkakaroon ng sakit


Pagkagising nila ay wala na sila sakanilang bahay


AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon