All rights reserved 2016
(c)BraveGoddess (wattpad)-
"Huminto ka muna please, kahit saglit lang. Kahit ilang minuto lang...." Bulong ko sa relos ko. Para maabutan ko man lang siya.
Sana puwede kong itigil ang oras para iccontinue ko na lang pag ready na ulit ako. Pero hindi naman ganoon kadali iyon. Patuloy at patuloy pa rin iikot ang oras kasabay ng pag-ikot ng mundo.
Walang pahinga.
Walang time-out.
Walang pause.
Walang timepers.
As I'd expected, I'm already 30 minutes late. Lagi naman akong late sa lahat ng bagay eh. Mabagal kasi ako kumilos, kahit anong bilis ko parang mas mabilis pa rin ang oras sa akin.
Wala na. Hindi ko na naabutan sa airport ang lalaking pinakamamahal ko. Kanina pa lumipad ang eroplanong sinasakyan niya.
Balak ko sana siyang pigilan! Balak ko sana siyang patawarin at sabihin na okay lang ako sa long-distance basta ba walang break break na yan! Pero pinangunahan kasi ako non ng pride, ng takot.
Letseng oras 'to! Sana ako ang nagmmanage.
Pero wala na eh.
I can't turn back time.
I frowned as I rode another taxi cab to got home. I need to rest. Malayo rin ang distansya ng apartment na tinitirhan ko sa airport noh! Tatlong sakay akalain mo yun?
And at the end of the day, naunahan lang ako ng oras. Para nga kaming nagkakarerahan eh.
Katulad sa papuntang airport. Tatlong sakay din ang ginawa ko pauwi. Bumaba na ako sa babaan ng sasakyan sa may overpass at nagsimulang maglakad. Malapit na ako maka-uwi.
Habang naglalakad sa may eskinita patungong apartment ay may tumapik sa balikat ko. Pagka-lingon ko hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!" Sigaw ko sa pagkagulat. I-isang white lady!
Mahaba ang kanyang puting buhok at mahaba rin ang bestidang kulay puti niyang suot na mukhang galing pa sa baul sa sobrang kalumaan. Bakas sa mukha ang katandaan dahil sa kulubot sa mukha.
"Grabe nabingi ako doon ah! Letsugas batang ire" Sabi niya habang nakasalubong ang mga kilay. Phew! Akala ko pa naman multo na.
"P-pasensya na po.. Ano po bang kailangan niyo?" Magalang kong tanong.
"Gusto mo bang hulaan kita?"
Nakakatukso. Lahat ng tao gusto malaman ang kinabukasan nila. Ang future nila. Wala naman sigurong masama kung it-try ko diba?
Kinapa ko ang bulsa ko at wala akong nakapang pera.
"N-naku po... wala po akong pera eh"
"Ako ang umalok. Ibig sabihin libre lang. Gets mo?" Sabay irap ni lola.
"Ah ganun po ba.. he he.." Katulad nga ng sabi ko. Walang masama kung ita-try.
"Akin na ang mga palad mo iha" Hindi ko mapigilang kilabutan. First time ko ang magpahula eh.
Sinumulan niya ng i-trace gamit ang daliri niya ang mga linya sa palad ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa kaba? Sa excitement?
"Malapit na...."
"A-ang alin?"
"Malapit na...
matupad ang mumunting hiling mo.."
"Ang alin? Sampung palapag na mansyon? Kotse? Kagandahan ni Angel Locsin? Katawan ni Sam Pinto? Ano? Ano?" Sunod-sunod kong tanong.
"Ito ay kahilingan mo na nasa kailalim-laliman ng iyong puso. Babala ko lang sa'yo ay magiingat ka sa iyong gagawing mga desisyon. Dapat ay gawin mo ang kung ano ang tama at kung ano ang ikakabuti ng lahat." Naguluhan ako sa ipinayo niya saken. Hindi ko maintindihan.
"Maaari ka ng umalis. Utang mo na lang yung bayad"
"Teka sabi niyo po libre ah?"
BraveGoddess presents...
Frozen Time
Soon.Genre ♡ Sci-fi, Romance, Humor, Adventure and Mystery.
BINABASA MO ANG
Frozen Time
FantasyAno ang gagawin mo pag nakapulot ka ng isang mahiwagang orasan? Hindi lang isang ordinaryong orasan sapagkat ito ang kumu-kontrol sa buong sanlibutan. Paano pag napasakamay mo ito? At paano rin kung nasira ito!? Meet Arianne. A typical girl with un...