Kabanata Payb || Sa Ambrosean University-
Nagmamaneho si Jason na nasa driver's seat at sa passenger seat naman ay si Daniel and yup mag-isa ako sa backseat.
Itong kotseng sinasakyan namin? Kay Dok Tryvan 'to. Mas mabuti nang sa kilala humiram.
Patungo na nga pala kami sa Ambrosean University. Kailangan naming makasakop ng impormasyon at malaman ang dapat alamin.
Hindi ko maaatim na hayaan na lang na ganito ang sitwasyon na walang ginagawa.
Pero kasi ang tanong bakit ako? Bakit kami? Bakit kailangan gumagalaw pa kami? Nevertheless,
We need to save the world.
We need to save Humanity.
"Ari, ang lalim ng iniisip mo ah? Mind to share your thoughts?" Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Daniel. Tumingin ako sa kanya through the front mirror at ganun rin siya nakatingin sa akin pabalik.
"Wala naman.. Iniisip ko lang naman ang mga bagay-bagay" Sabi ko.
"Tulad ng...?" Tanong ni Daniel.
"Nang pagtigil ng oras... Daniel, kailangan nating ibalik sa normal ang lahat. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa mundo. Paano kung ganito na lang habang buhay? Paano na yung mga tao?"
Hayss. Oo alam ko hiniling ko na sana huminto yung oras pero ngayon na natupad yun sana pala hindi ko na lang hiniling. Malay ko ba na ganito yung mga mangyayari. May mga nadamay pa. Yung mga tao, may buhay rin sila. Paano na sila? Yung mga bata, yung mga matatanda, pamilya at lahat! Napakahalaga pala ng oras.
"Ari... Huwag ka magalala. Gagawin natin ang lahat para alamin kung bakit nangyayari 'to at gagawin natin lahat para bumalik na sa normal ang lahat..." Ani Daniel. Napangiti ako sa kanya through the front mirror and he smiled back. I thank God na kasama ko si Daniel ngayon, sana lang talaga masagot na yung mga tanong ko sa pagpunta namin ng Ambrosean.
Makalipas ang ilang oras ng byahe ay narating namin ang tanyag na paaralan. Sa itsura ng paaralan ay hindi makakailang pangmayaman ito. May malaking pulang gate na binabantayan ng dalawang gwardya na katulad sa mga tao sa Sunnyville ay istatwa na rin na tila naging isang yelo.
Anim na palapag ang naturang paaralan at may rooftop rin ito. Sa gilid ng wall ay may malaking logo ng school. AS UNIVERSITY yan ang nakasulat at ang bilog na logo ay may araw sa gitna at pinalibutan ng asul na banner at may mga bituin.
Pagkapasok sa gate ay kinilabutan ako sa nadatnan.
Maraming estudyante ang akmang papasok pa lang sa entrance ngunit hindi natuloy sapagkat sila'y tila ginawang yelo.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Agad ko rin namang pinunasan.
Hindi kami makapagsalita.
Ano ba naman kasing salita ang makakapag-expressed ng nararamdaman namin? Nakakaguilty dahil kami gumagalaw pa.
Wala akong mahanap na salita na puwedeng bigkasin.
Sinundan lang namin si Daniel habang ako ay nagpatuloy sa pagtingin sa kaliwa't kanan. Nakapasok na kami sa loob ng eskwelahan.
Walang katao-tao sa balkonahe. Sapagkat ang lahat ng estudyante ay papasok pa lamang. Sa pagkakaalala ko maagang huminto ang oras. Tinignan ko ang relo ko.
Ganun pa rin.
7:30am
Ni hindi gumagalaw e hindi naman sira ang relo ko.

BINABASA MO ANG
Frozen Time
काल्पनिकAno ang gagawin mo pag nakapulot ka ng isang mahiwagang orasan? Hindi lang isang ordinaryong orasan sapagkat ito ang kumu-kontrol sa buong sanlibutan. Paano pag napasakamay mo ito? At paano rin kung nasira ito!? Meet Arianne. A typical girl with un...