Kabanata seben | Versache
"I'm sorry..." Napalingon ako kay Jason.
Matagal bago magsink in sa akin ang sinabi niya.
"Sorry for what?" I asked him the obvious.
"Sorry sa lahat" I nodded my head repeatedly. Well, hindi niya naman kailangan humingi ng sorry kasi napatawad ko naman na siya and seeing him like this, in this state, is like seeing a vulnerable side of him, a different side.
I kinda like this Jason. This Jason who is expressive. Makikita mo na agad sa mga mata niya na malungkot siya. His dark aura's gone, all I see is the raw and real emotions of Jason.
"May sakit siya sa puso?" I asked referring to his grandfather.
"Hindi ko alam, siguro kaya siya inatake sa puso kasi nakita niyang buhay pa pala ako." Sabay tawa niya ng mapakla. Hindi man lang umabot sa mga mata niya at nagmukhang totoo.
I didn't get what he said so I gave him the confused look. Napahugot siya ng malalim na hininga.
"Siguro akala niya patay na ako tas bigla na lang magpaparamdam, diba? Sinong hindi aatakehin sa puso." Napatingin ako sa kanya. Kahit papaano, unti unti ko siyang nakikilala and he's not as bad as I thought he were.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Gusto ko lang iparamdam na makikinig ako, na nandito ako... Lahat tayo may kuwentong ayaw natin ishare sa iba, but maybe we just have to find the ones who will try to understand and listen, and now, I will be that person for him.
"Bakit niya naman iisiping patay ka na?" Tanong ko. We're both looking at his lolo while talking to each other.
"Bakit hindi? Wala rin naman akong kuwentang tao. Hindi ko man lang pinapahalagahan ang buhay ko, away diyan, away doon. Laging naghahanap ng gulo. Araw-araw ko ngang kaharap si kamatayan eh" Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya. Pero imbis na magsalita hinayaan ko na lang siyang magsalita.
"Diba yun naman yung tingin ng mga tao sa akin? Baka nga ikaw, ganun rin ang tingin sa akin. Pasaway ako, yung gusto ko lang ang gusto kong masunod, gusto ko ng kalayaan. Nang mamatay ang mga magulang ko, iniwan na ako sa kanya, lagi niya akong binibigyan ng mga laruan tas pag masisira aayusin niya, pero ayaw kong ayusin niya, nagpapabili ako ng bago. Lumaki akong naglalaro dito sa shop, laging nakakabasag ng vase, pinggan at kung anu ano pa. Hinahanap ko sa kanya yung mga magulang ko, kasi pakiramdam ko hindi ako kompleto, na kulang ako. Hindi ko mapasok sa kokote ko na patay na nga, kaya bat pa hinahanap. Tyaka hindi ako sanay sa buhay na ibinigay sa akin ni lolo, ang simple ng pamumuhay niya, mayaman naman kami noong buhay pa sila mama at papa, kaso nalugi ang kompanya at nabaon sa utang. Makikita ko yung ibang bata, may nanay at tatay, bakit ako, wala, bakit yung sakin kinuha? Hindi ko man lang nakita na sapat na pala siya. Sobra pa nga eh. Pakiramdam ko pabigat na ako sa kanya, hanggang sa napabarkada ako, nagrebelde ako, baka sakaling itakwil niya ako, pero alam mo anong masakit? yung sabihin niyang mahal niya ako. Mahal niya ako? Ako, minahal ko ba siya? hindi. Kaya naguilty ako, gusto kong lumayo sa kanya. Dahil, hindi ko kayang makita siyang nasasaktan at noong nakahanda na akong umalis sinabi niya sa akin namatay na si lola, namatay pa ang mga magulang ko, sabi niya bakit siya? hindi ba siya nawalan? kaya naman sana kahit ako na lang, wag mawala. Pero hindi ko siya pinakinggan at umalis ako. Pumunta sa tita ko sa sunnyville at doon na tumira. Ilang taon na rin ang lumipas..."
Hindi ko na siya pinatapos ng makita ang luha niyang nagbabantang kumawala at niyakap siya. Kumalas ako sa yakap at tinignan siya sa mga mata. Nandoon pa rin ang lungkot. His hands were shaking. Kinuha ko ang mga kamay niya at hinawakan ito.
"Jason, hindi pa huli ang lahat. Mababago natin ang future diba? It's just the matter of the situation based on the present. We can get the clock fixed at pag nangyari yun everything is back to normal and you can go back to him..." I said while staring at his eyes.
"Baka di niya na ko tanggapin.."
"He loves you, right?"
"Arianne..." Napalunok ako. Bakit nagiba ang tunog ng pangalan ko pag siya ang nagbanggit?
"Salamat." He thanked me and smiled at me, sinuklian ko ang ngiti at nag iwas ng tingin.
Well, this is awkward. We were enemies a while ago, and now, I can consider us friends. Frenemies, maybe?
Maya maya lang ay bumaba na si Daniel mula sa taas.
"I found these..." Clever, as always. Tinignan ko ang hawak niyang mga tools.
"Wait, hindi naman natin alam kung paano ayusin ang orasan, tyaka paano tayo nakakasigurado na kayang ayusin ng mga yan ang orasan? Let me remind you that it's not an ordinary clock at baka mas lalo lang masira." Sabi ko.
"Bakit nga ba nasira ang orasan?" Tanong naman ni Jason. Inalala ko ang oras na kumatok sa pinto si Daniel at natapon ang tubig sa orasan.
"Natapunan ng tubig." I reasoned out.
"Wow, tubig? Natapon? Sa orasan? Anong katangahan yan?" Napasimangot ako sa sinabi ni Jason. Binabawi ko na ang lahat ng mga magagandang sinabi ko sa kanya, he's back to his old-self. Which is the arrogant, cold and his jerk self.
I rolled my eyes.
"Sorry ha? Hindi ko naman sinasadyang maging magulatin"
"You could've fixed it right away with a blower or something..." Daniel said.
"Yun yung time na dumating ka, kaya nakalimutan ko ang tungkol sa orasan" I told him and rolled my eyes at him too.
So, ako pala ang sisisihin dito? Eh diba kasalanan rin ni Daniel kasi kumatok bigla, nagulat ako natural! Gabing gabi na tas may kakatok sa pinto.
"Okay, give me the clock" I handed over the clock to Daniel at sinuri niya ito.
Binitawan niya ang tool kit at kumuha ng hammer mula doon at ipinukpok ito sa orasan. As expected walang nangyari. We've heard about this mula sa mga tapes. That explains why kahit na bumagsak siya mula sa kalangitan patungo sa lupa ay di man lang nagcrack ni katiting.
Pero natapunan lang ng tubig, affected agad siya?
"Wala na tayong ibang magagawa." Walang ganang saad ni Jason.
"Except...."
"Except..?" I asked. Pabitin pa tong si Daniel eh.
"Except we find the god of time and return this to him, then he could fix this."
"Pupunta tayo sa Hera?" Tanong ni Daniel.
"How?" Tanong ko rin.
"Pupunta tayo sa headquarters ng AAA" Daniel.
"Pero diba sabi in the making pa daw yung spaceship?" Tanong ko.
"Then we'll finish it."

BINABASA MO ANG
Frozen Time
FantezieAno ang gagawin mo pag nakapulot ka ng isang mahiwagang orasan? Hindi lang isang ordinaryong orasan sapagkat ito ang kumu-kontrol sa buong sanlibutan. Paano pag napasakamay mo ito? At paano rin kung nasira ito!? Meet Arianne. A typical girl with un...