Kabanata 2

58 5 0
                                    

Kabanata 'To || Frozed

-

Diyos ko po! Halos atakihin ako sa puso nang may narinig akong kalabog sa pintuan. Kay aga-aga naman! Tinignan ko ang oras doon sa relo ko.

7am

Basa ko sa nakatutok na kamay ng orasan sa numerong syete at ang maliit na kamay nito sa pagitan ng dose at uno.

Tumingin ako sa lalaking natutulog sa tabi ko. Napangiti ako. Mapapatawad at mapapatawad ko pa rin siya kasi mahal ko siya.

Siya yung lalaking pinapangarap ko e. Matalino (kaya nga nakapagaral sa ibang bansa), mabait, mapagmahal, gwapo at mestizo.

I brushed his black soft curly hair with my fingers.

Mahimbing ang tulog niya kaya hindi ko siya ginising. Dumiretso na ako sa salas at binuksan ang pinto.

Sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ng landlord.

Patay.

"Nasaan na ang bayad sa renta?" Nakataas na kilay na tanong niya.

"Ahh.. Eh.."

"Ah eh mukha kang tae!" Nagulat ako sa sigaw niya. "Aba pinagbigyan kita ng tatlong buwan at ano nanamang sasabihin mo, aber!? Sa susunod!?" Tumalsik ang iilang butil ng 'saliva' sa mukha ko mula sa pumuputak nyang mapupulang labi, agad ko itong pinunasan.

"Pero next week ko pa po makukuha ang sahod ko." Dahilan ko. Totoo naman. Gipit na gipit na talaga ako, ni wala akong malapitan.

"SO? AKO PA ANG MAGA-ADJUST?!" Napalakas ata ang boses niya kaya nagising si Daniel. Mula sa kwarto ay lumabas siya.

"Anong nangyayari dito?" Tanong niya habang naguunat pa. Inisnab siya ng landlord at muling humarap sa akin.

"Naku, Arianne! Kung hindi ngayon, kailan ha!? Kailan!? Sa susunod na naman!? Eh paano kung huminto ang oras edi wala ng susunod kaya ngayon na! Now na!" Mula sa panggagaya sa mga actress napunta kay tito Boy Abunda ang huling salitang binanggit niya ginaya pa ang tono kung paano niya ito sinasabi. Gusto ko sanang matawa.

"Wala po talaga akong pera eh. Promise po next week" tinaas ko ang kanang kamay ko upang ipakitang nangangako ako.

"No! Hindi lang ikaw ang gustong tumira dito, there are many people whom are homeless and helpless!" Ang drama niya talaga. Kakababad sa mga soap opera eh.

"Ako din po pag napaalis ay magiging homele-" hindi ko natuloy ng sumabat si Daniel.

"Let me pay for it" Kinapa niya ang bulsa niya at kumuha ng wallet doon. Uminit ang pisngi ko.

"No, you don't have t-"

"Ano ba Arianne! Nagmamagandang loob si pogi! Tapos pabebe ka pa! Blessings yan. Huwag tumanggi sa g-"

Akala ko nagsalita si Daniel dahil huminto si landlord. Pero sadyang huminto talaga siya na wala namang sumasabat.

"Landlord?" Tawag ko nang mapansin kong naka-statwa lang siya doon. Teka another soap opera copy nanaman ba 'to?

"O eto magkano ba? Sapat na siguro 'tong sampung libo?" Ani Daniel. Pero nang makita ang landlord ay nagulat rin siya.

Hinintay kong gumalaw uli si landlord at magbigay ng linya mula sa isang soap opera. Promise papalakpakan ko talaga siya. Eh halos hindi na siya humihinga eh!

"Anong nangyari sa kanya Ari?" Tanong ni Daniel.

Hindi ko alam ang isasagot. Ilang minuto ang lumipas at kinabahan ako.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon