Kabanata 1

102 5 0
                                        

Kabanata Juan || Ang Mahiwagang Orasan

-

ARIANNE

"Thank you for calling SD Company. My name is Arianne. How may I help you today?"

Just like any other day.

Just like any other day with the same time.

7:35pm Basa ko ng mapadako ang aking mga mata sa wall clock.

Nandito nanaman ako sa trabaho at pinu-push ang american accent ko.

I am a call center agent here at SD Company. It's been few weeks since I applied here.

Nagsusumikap ako. Kailangan ko kasi ng pera para buhayin ang sarili ko.

My parents are dead. Car accident. I was already 22 when they passed away. That was already 2 years ago.

Speaking of 2 years ago. That was the time when he left me. And after he left me, my parents left me too. Lahat na sila iniwan ako.

Naaalala ko pa noong nagpahula ako isang gabi, ang sabi sa akin ng matandang manghuhula matutupad daw ang hiling ko.

Ang alin? Hiniling ko bang iwan ako ng lalaking minahal ko ng limang taon? Hiniling ko bang iwan rin ako ng magulang ko? Hiniling ko ba ang lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko?

Ngunit sa kabila ng lahat kailangan kung maging matatag at matutong tumayo sa sariling mga paa. I said to myself, Life must go on..

I graduated with the course of MassCom at a government school.

Kahit graduate ka, mahirap makahanap ng trabaho. Lalo na pag galing ka sa pampubliko at hindi sikat na paaralan.

Kaya heto ako at nagtitiis bilang isang call center pansamantala.

"I am calling because I received a wrong bill. I just paid my phone bill two days ago and my payment is not reflected in the bill." Reklamo ng costumer. Halata ang inis sa boses niya. Tsansa ko ay nasa 30 o higit pa ang kanyang edad. Halos lahat ng tumatawag ay may problema sa pagbabayad ng bills.

"Sorry for the inconvenience madam. May I have your Account Number, please" Mahinahon kong paumanhin at pag-hingi ng account number niya. Agad kong binuksan ang isang window sa desktop ko kung saan maic-check ko ang account niya.

Agad niya namang ibinigay sa akin kaya agad ko din ichineck sa monitor na nasa harap ko.

"For verification purposes mam, Can I get your name and birth date?" Tanong ko ng mahanap ang account niya.

Inis niya ring sinagot ang tanong ko. Nawawalan na siguro siya ng pasensya. Dahil sa boses niya, gusto ko rin tuloy siyang patulan pero hindi puwede.

Sinabi ko sa kanya ang nakita ko sa account niya. Na-delay lang naman pala ang payment niya at hindi updated yung bill niya. Ayon, nag-payo ako ng dapat niyang gawin. I also told her her balance in her account.

"Thank you." Pagpapa-salamat niya. Huminahon na rin ang boses niya na ikinatuwa ko naman.

"Delays in the bill is usually caused by delays in our courier services. For a more up dated bill of your account, you can visit our website and log in to your account. This bill is more updated." I calmly explained.

Just like what I've reasoned out to others everytime of everyday.

"Ok I will." Simpleng sagot niya.

"Thank you for calling. We are glad to assist you." Sabi ko sa linyang lagi ko namang sinasabi pag pa-tapos na ang tawag.

"Ok bye." Paalam niya.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon