Kabanata Tree || Dude, he's not gay
It makes sense kung ang orasan na napulot ko nga talaga ang dahilan nitong lahat. Kasi gumagalaw pa ako. Pero hindi ko pa rin maintindihan. Magulo. Marami akong tanong at alam kong hindi niyo alam ang sagot kaya naman ako na lang ang aalam ng sagot.
Nakarating kami sa bahay ng doktor na sinasabi ni Jason. May kalakihan ang bahay, desente ang pagkakagawa, malinis at simple.
Pinindot ni Jason ang doorbell.
Walang rumesponde kaya triny ni Jason buksan ang pinto at nagkatinginan kaming tatlo dahil bukas iyon.
"Dude, that's trespassing" Sabi ni Daniel, nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Jason.
Akala ko pa naman nagka-sundo na sila.
Hayss. Bakit ba ang init ng dugo niya kay Daniel? Mabait naman si Daniel.
"Kanina tinawag mo akong bro ngayon naman dude. Isa pang tawag ng kung anu-ano sa akin ibabaon ko yang mukha mo sa lupa." At bumaling siya sa akin. "Ikaw naman pagsabihin mo 'tong syota mo na itikom ang bibig niya"
Napabuntong hininga ako sa inasal niya. Naaawa naman ako kay Daniel hindi siya makapalag. Daniel was once a nerd- no, actually, until now. Without the thick glasses and stuff.
He has always been weak and gets bullied around and I'm the one who's always been there for him.
"Hoy lalaking mukhang adik sa kanto! Ang kapal naman ng mukha mo para pagsabihan kami. For your information, dapat nga magpasalamat ka pa sa kaniya. Tama naman ang sinabi niya eh. Paano kung makulong ka? Buti nga may genius at dyosa kang kasama!" Sigaw ko. Pero oops, lalo siyang nairita. Tinignan niya ako ng masama. As in sobrang sama na napakapit ako sa braso ni Daniel kahit si Daniel ay natakot rin ni hindi niya ako mapagtanggol sa tigreng ito! Paano eh isa lamang siyang hamak na polar bear! Oo tama hinambing ko lang naman sila sa mga hayop. Oh my God.
Nag-iwas siya ng tingin at patuloy na pumasok. Wala kaming nagawa kun'di ang sumunod.
"Dok? Dok Trivan!?" Sigaw niya nang makapasok kami.
Nauna sa paglalakad si Jason samantalang sabay kami ni Daniel sa likod niya.
"Are you sure we can trust this guy? Umalis na kaya tayo" bulong sa akin ni Daniel.
"Nakita mo naman ang sitwasyon diba? Alam ko na hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari pero nangyayari and I don't know- I just, don't know if it's a good thing na humiwalay tayo sa isa pang tao na gumagalaw din tulad natin" bulong ko pabalik. Natahamik lamang si Daniel.
Tumungo kami sa dining room nila.
Natigilan ako sa natagpuan. Masayang nagsasalo-salo ang pamilya ng doktor sa hapagkainan bakas sa mukha ang mga ngiti na ngayo'y parang isang istatwa sa museum.
Hindi kami makapagsalita.
What in the world is happening?
Niyakap ako ni Daniel at hinagod.
"Wala tayong panahon para sa landian niyo tara at balikan natin ang orasan na napulot mo" Cold na sabi ni Jason. Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Do you really have a f*cking idea of what is happening!? The time just frozed and here you are wala man lang paki-alam! You're cold as ice and I hate it. Because it means you don't care. Listen up gangster hindi ito oras para magpaka-cold--
"You don't know a single thing about me so don't judge me."
Natahimik ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya ano naman kung cold siya? Kung masyado siyang misteryoso? Hindi naman ibig sabihin nun wala siyang pakealam. Maybe he's not just showy about his feelings.

BINABASA MO ANG
Frozen Time
FantasiaAno ang gagawin mo pag nakapulot ka ng isang mahiwagang orasan? Hindi lang isang ordinaryong orasan sapagkat ito ang kumu-kontrol sa buong sanlibutan. Paano pag napasakamay mo ito? At paano rin kung nasira ito!? Meet Arianne. A typical girl with un...