Kabanata 6

19 1 0
                                        

Kabanata siks | Reverse

ARIANNE

"Day 124. I've discovered that this clock is not just an ordinary clock. It holds control of the time in the world, I can go back in time or even see the future based on the present situation."

Napatakip ako ng bibig. Nasa computer lab kami dala dala ang kahon na naglalaman ng mga mix tape, may player sila dito kaya ininsert namin ang tapes. Tumingin ako sa dalawang lalaking kasama ko ngayon, katulad ko ay nagulat rin sila sa mga naririnig.

"If you, by chance, have laid your hands in this clock, then you must take care of it and return it to where it belongs. Galaxy Hera 349 God of Time, Lock. Lock, he is the guardian of this clock. You should only give it to him and no other else. NEVER GIVE IT TO LU--"

"Anong nangyari, bakit tumigil?" Tanong ni Jason.

"I don't know, maybe because the tapes are too old."

"Natatakot ako... Gusto ko na lang maging normal ulit... Ayoko na..." I told them honestly. Kinikilabutan ako. Natatakot ako sa mga natutuklasan.

"Hush, it's going to be okay. Be strong." Daniel told me.

"Mag-play ka pa ng isa." Jason.

"Here, this is the last one." Inabot ni Daniel ang last na tape at plinay na ito ni Jason.

Lumipas ang ilang minuto at ang tanging naririnig lang namin ay ingay na walang kabuluhan. Hanggang sa may marinig na kaming boses.

"Protect.... protect.. must... protect... the..world..." Then it ended.

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking mga kamay.

"What now?" I asked them.

"Kailangan nating mapaayos ang orasan, alam ko kung saan, tara na." Pangunguna ni Jason, nagulat naman ako bigla sa kanya dahil ang seryoso niya.

"How could we get it fixed if the time is frozen itself, there's nobody who can fix that clock because the people are also frozen." Daniel stated which is a fact.

"Nakikinig ba kayo?" Nagkatinginan kami ni Daniel at sabay na tumingin kay Jason.



Hindi ko akalain na may utak pala siya. No offense. Nasa sasakyan na ulit kami at patungo na sa sinasabi ni Jason na shop ng lolo niya. Ang lolo niya ay isang electrician or whatever. Basta all around siya. Sa shop niya puwedeng magpaayos ng sasakyan, computer, at iba pa.

Hindi ko talaga lubos maisip na matalino rin pala itong si Jason. He came up with a plan and I hope that it will work.



Nang makarating na kami ay bumaba na kami sa kotse.

Agad pumasok si Jason sa shop at nakita namin doon ang lolo niya na nakaupo at nagaayos ng sirang relo? Nakaistatwa rin siya na parang nasa isang museum.

Natigilan ako at sinulyapan patago si Jason at nakita kong nalungkot siya sa nakita. Kahit papaano pala, may puso rin ang isang to. Okay, papatawarin ko na siya sa ginawa niya. First, may utak at ngayon, may puso.

Nilabas ko sa backpack ang orasan. Kumuha ng papel at ballpen si Daniel kung saan at inabot ito kay Jason.

lo, I need your help. Fix this clock, please. I need it on 9th April, 7:30 a.m. I'll come and pick it up so I hope you finished it by then.

-jason

Hanep, englishero rin pala ang isang 'to.

Nilapag niya sa mesa ang orasan kasama ng sulat kung saan makikita agad ito.

"Handa na kayo?" Tanong ko, may pangangamba man, tumango rin sila.

Inikot ko ang kamay ng orasan pabalik, 5 days before the 9th of April, which is the date in the present. Kaya limang ikot rin pabalik ang ginawa ko. Halos itigil ko na ang pag ikot ng magulat akong nagbabago rin ang paligid ko sa bawat minutong iniikot ko.

Tumingin ako sa dalawa ngunit tumango lang sila sa akin upang ipagpatuloy.

Katulad nga ng sabi kanina, I can go back in time or even see the future based on the present situation. Kung hindi namin maaring pigilan o baguhin ang anumang may kinalaman sa orasan katulad na lamang ng paglaglag nito mula sa kalangitan, o ang pagpulot ko at pagkasira nito. Maaari naman naming baguhin ang walang kinalaman sa orasan, katulad ng sinabi ni Jason, ang plano niya ay ibalik ang oras at maaring maging iba ang future ng lolo ni Jason. Maaaring makita niya ang orasan 5 days before at pag naibalik na namin sa kasalukuyan, maayos na ang orasan.

Tinigil ko na ang pag ikot at nagulat sa pagbabago ng nasa paligid namin. Ito ang sitwasyon 5 days bago ang kasalukuyan. Nakatayo na ang lolo ni Jason at nakita ang orasan sa lamesa.

Inabante ko ng muli ang oras.

"Wait, stop." Dinig kong sabi ni Daniel kaya tinigil ko.

Doon ko tinignan kung bakit, at nakita ko ang lolo niya na ngayon ay nakahawak sa papel at ang isang kamay ay sa puso.

Tila siya'y nasasaktan sa binabasa, pero bakit?

Tinignan ko si Jason at nakita kong nalungkot siya sa nakita.

"A-Anong meron?" Sumenyas lang sila na ipagtuloy ko ang pagabante.

Inikot ko na ulit ang kamay ng orasan at napatili nang nasa sahig na ang matanda.

Napaiyak ako at agad akong niyakap ni Daniel.

"Nabago nga ang sitwasyon, pero ang future, mamamatay siya? What the fuck?!" Sigaw ko.

"Kumalma ka, Ari. Pwede naman nating ibalik ulit ang oras." Daniel comforted me but that doesn't made me feel any better.

"Jason, ibalik mo na sa dati." Utos ni Daniel and Jason did. Binalik niya na sa dati but this time, wala na ang orasan at sulat sa mesa ibinalik niya na ito muli sa backpack ko.

Inikot niya ang orasan pabalik sa kasalukuyan at bumalik na ulit sa dati ang lahat. Ang lolo niya buhay at nakaupo sa pwesto niya at may inaayos na relo.

"I'll try to fix the clock." Daniel said. Napatingin ako sa kanya.

"I'll try" Sabi niya at ngumiti sa akin. Kinuha niya mula sa backpack ang orasan at nilapag ito sa mesa at naghanap ng tools.

"I hope you don't mind.." Sabi niya kay Jason as he searched for some tools and proceed to the 2nd floor.

Tumango lang si Jason at bakas pa rin ang lungkot sa nangyari. Naiwan kaming dalawa sa baba at naghanap ng maaring magamit sa itaas si Daniel.

The silence was too loud so I just stared at his lolo.

Kahit na matanda na makikita mong may itsura rin ito, genes nga naman. I was so scared when I saw him lying on the floor, siguro may sakit siya sa puso.




"I'm sorry..." Napalingon ako kay Jason.

Frozen TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon