Baka Sakali

12 1 0
                                    

Kung sakaling malaman mo, mahalin mo rin kaya ako?
Tulad ng pagmamahal na kayang ko ibigay sa'yo, higit pa sa sarili ko at higit pa sa mga salitang naisulat ko para sa'yo.

Kung sakaling inamin ko, may pag-asa bang magkaroon ng 'tayo'?
May pag-asa kayang maramdaman ko ang pakiramdam na mahalin mo katulad nang pinaparamdam mo sa kanya ngayon?

Kung sakaling ipinaglaban ko, kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang panindigan ang nararamdaman ng puso ko kahit na alam kong ito mismo ang magdadala sa'kin sa sakit na kahahantungan ko? Kakayanin ko bang harapin ang kapalit nang bawat paggalaw ko para maramdaman mong mahal na mahal kita, higit pa sa pagmamahal na kaya mong iparamdam sa kanya..

Kung sakaling hindi ako umalis sa tabi mo, marahil napasakin ang malaking parte sa buhay mo na ngayon ay nasa kanya. Marahil ay ako ang nasa tabi mo at nakayakap sa'yo ngayon, ako ang dahilan ng pagngiti mo at ako ang humahawak sa mga kamay mong gusto kong bumitaw sa kanya.

Baka Sakali lang naman na may magbago.
Baka Sakaling maibalik ang nakaraan at mabago ang mga desisyong pinagisipan.
Baka Sakaling maramdaman muli sa kasalukuyan ang pakiramdam na sa'yo ko lang naramdaman.
Baka Sakaling maulit ang mga panahon na ako at ikaw pa lang at walang 'kayo'.
Baka Sakaling magbago ang ikot ng mundo at ang ihip ng hangin at mabago din nito ang mga desisyon sa nakaraan na habang panahon ko nang pagsisisihan.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon