Mahal Kita

9 0 0
                                        

Mahal kita.
Kung hindi mo man maramdaman, tumingin ka sa'king mga mata.
At wala kang makikita kundi Ikaw lang.
Wala kang makikitang kahulugan sa mga malalalim kong titig sa'yo kundi ang mga salitang.. Mahal Kita.


Mahal kita. Patawad kung hindi ko na sinabi pa. Patawad kung mas pinili kong isuko ka. Patawad kung duwag ako. Patawad dahil


hindi ko pinaglaban kung ano man ang mayroon tayo. Patawad dahil hinayaan kitang lumayo. Patawad dahil mas nanaiig sa puso ko ang takot. Patawad sa pagiging makasarili ko, inisip ko lang ang takot ko at hindi ang mararamdaman mo.


Mahal kita, pero sa tingin ko'y mas mahal ka niya. Mas higit siya. Mas higit siya dahil nagawa niya ang mga bagay na hindi ko


ginawa. Pinili niya ang mga bagay na hindi ko pinili, para lang manatili ka. Kaya niyang mawala ang lahat sa buhay niya, wag lang ang lahat ng namagitan sa inyong dalawa. Kaya niyang isuko ang lahat, wag ka lang mawala.


Masakit. Sobrang sakit. Masakit dahil kailangan kong mawala sa buhay mo para makita mo ang makakapagpasaya sa'yo.


Masakit at alam kong wala akong karapatang isulat lahat ng ito dahil pinili kong maging isang alaala na lang sa buhay mo.
Pinili kong mawala sa mundo mo at hinayaan kitang lumayo.

Masakit pero hindi ko pagsisisihan ang mga naramdaman ko dahil alam kong ang kapalit nito ay ang kasiyahan mo, kasiyahan na idinulot niyang kailanman ay hindi ko maibibigay sa'yo.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon