Hagdan

13 0 0
                                    


Sa bawat paglakad, sa bawat pag akyat at pag-usad, umaatras ang isip pabalik sa kahapon at sa mga nagdaan. Pabalik sa


kahapon kung saan muling naramdaman ang saya na dulot ng mga ngiti mula sa iyo nang makita kita.


Nasaan ka na?


Babalik ka pa ba?


Mga tanong sa kahapon na nanatiling tanong sa kasalukuyan dahil hanggang ngayon ako'y naghihintay pa. Umaasang babalik ka


pa, sa tagpuan kung saan muli tayong nagkita na ngayon ay isa pa'ring alaala.



Mga alaalang pilit kong binabalikan habang nakaupo sa hagdan, kung saan ang mga mata'y nag salubungan at ang mga labi ay kusang nagngitian. Kasabay ng pag-upo ang pagba-baka sakaling muli kang mapapadaan at muli tayong magkakatitigan.


Nasaan ka na?


Darating ka pa ba?


Sa bawat paa'ng umuusad, paakyat at pababa, humihiling na sana'y bumalik ka pa, na sana'y may pagkakataon pa, para masilayan ka. At sana, ang pagkakataon na darating ay hindi na maging alaala pa. Hindi maging isang kahapon na nagdaan at


manatiling nakaraan.


Darating ka pa kaya? Mauulit pa ba? Mapapadaan ka kaya? Maaalala mo pa ba, o malilimot mo na? Sana...

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon