Ako Lang

13 2 0
                                    

Bakit?

Isang malaking tanong na naiwan sa puso ko magmula nang nawala ka sa buhay ko.

Isang tanong na maaring makapagpabago sa kasalukuyan kung nagkaroon lamang ng kasagutan sa nakaraan.

Isang tanong sa isip ko na hanggang ngayon ay pilit ko kinakalimutan para mabuhay nang hindi inaalala ang mga nakaraan at
pinagsamahan.

Nakaraan na punong puno saya. Saya na hindi malilimutan dahil sayo ko lang unang naramdaman. Alaalang sariwa dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa, sa ’twing pipikit ako at maalala kita.

Pinagsamahan na nauwi sa isang alaala na hindi na maibabalik pa dahil wala na. Wala na dahil nilisan ko na. Nilisan ko na dahil hindi ko kinaya.

Hindi ko kinaya na lahat ng matamis na alaala kasama ka ay isang kasinungalingan na kailanman ay hindi magiging katotohanan dahil nagmula pala ito sa isang pustahan.

Hindi ko kinaya na sa likod ng mga alaalang inakala kong tunay na pagmamahal ay ang katotohanan na sa ating dalawa, Akolang ang totoong nagmahal.

Ako. Ako lang. Hindi Ikaw, hindi tayo, Ako lang. Ako lang ang lumisan dahil ako lang din naman ang napagiwanan. Ako lang ang nahulog sa pag-ibig at sa mga matatamis at masasayang alaala na inakalang kong pang-seryosohan.

Ako lang dahil kahit kailan
ay hindi naman nagkaroon ng ’Tayo’ at hinding-hindi na maibabalik pa ang mga panahong nagkaroon ng ’Ikaw at Ako.’

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon