Pangako

8 2 0
                                    

Gaano ka man kalapit at gaano man kahigpit, ang kapit ng puso ko sa pag-ibig ko para sa'yo. Mahal, kahit anong gawin ko, hindi ko kayang pumantay sa'yo, hindi ko na kayang kumapit sa'yo dahil tayong dalawa'y magkaiba ang mundo.

Hindi ko kayang mabuhay sa mundo ng buhay mong Ikaw mismo ang bumuhay at nagtayo. Hindi ko kayang pumasok sa mundo mo dahil simula pa lang, alam kong hindi ko kayang maging parte ng buhay mo. At hindi ko na ipipilit pa, dahil alam kong hindi mo na'ko kailangan pa.

Gaano man kalalim ang pag-ibig ko para sa'yo, hindi pa'rin naging sapat ito para kumapit ako, dahil kahit paulit-ulit akong kumapit. Alam kong mahuhulog lang ako at walang sasalo dahil wala naman akong kakapitan at panghahawakan mula sa'yo, kundi ang mga matatamis at masasayang araw na kasama ka na ngayon ay lumipas na at hindi na mauulit pa.

Mahal ko. Hindi na'ko kakapit pa, sa mga araw na dumaan sa'ting dalawa. Hindi na'rin ako maniniwalang mauulit pa. Marahil hindi nga tayo para sa isa't-isa at kung sakali ay huwag ka nang mag-alala dahil hindi na'ko aasa pa. Hindi na rin ako maghihintay pa dahil alam kong masaya kana kasama siya.

Pangako mahal ko, hindi na kita guguluhin pa. Hindi ko hahayaang makita mo ang pagtakas ng mga luha sa'king mata, sa 'twing makikita kong magkasama kayong dalawa.
Sa 'twing maaaninag ko ang masayang ngiti sa labi mo kapag kasama mo siya.

Pangako. Kahit masakit, ngingiti ako. Ngingiti ako para matahimik na ang loob mo sa mga nagdaan at sa kung anong dati ang mayroon tayo.

Pangako mahal ko. Kahit masakit at sobrang sakit, pipilitin kong mawala ka na sa isip ko at maglaho na ang nararamdaman ko para sa'yo.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon