-Kevin 3-
Anastasia's Point of View.
Nagising na lang ako nang maliwanag na. Naginat ako at kinusot ang mga mata ko. Ang lambot ah? Nang idilat ko ang mga mata ko ay nasa kwarto na ko ni Kevin. Napangiti ako. As always dito ako lagi nagigising pag nalalasing ako. Kahit san lugar ako malasing dito ako talaga nagigising. Pano ba naman hindi ako makainom ng hindi kasama si Kevin. Sa lahat ng tao sa paligid ko si Kevin lang ang napagkakatiwalaan ko ng sobra. I trust him like 101%. Ganon! Sobra sa 100. Kilalang kilala ko na siya. That's why we're very close.
Bumangon na ako at tumingin sa whole body mirror. Pinalitan niya ulit ako ng damit. Alam ko pumunta ako dito sa mansion niya ng naka office attire pa. Galing akong trabaho eh. Ngayon naka black tshirt na lang ako. Sumuka nanaman siguro ako? Komportable na din ako sa kaniya. Kahit na ilang beses na niya akong inaalagaan pag nalalasing ako hindi siya ni minsan gumawa ng masama sa'kin. He's really a nice guy. Kahit na madilim ang past niya. Tanggap ko naman kung sino siya ngayon. He's matured now, unlike his twin brother Kelvin. Tila na stuck sa pagkabinata iyong taong yon. Next thing we'll know matandang malibog at walang asawa na siya.
"Goodmorning sexy!" Sigaw ko nang makarating ako sa kusina. Lumingon naman si Kevin na may nakasubo pang kutsara sa bibig niya at mukang naistorbo ko ang pagkakalikot niya sa phone niya.
"Oh you're awake. I cooked breakfast. Inutusan ko si manang mag grocery eh kaya ako na nagluto." Tumango tango naman ako at umupo na sa hapagkainan. May nakahain nang scrambled eggs, bacon and fried rice. Kuhang kuha niya talaga ang breakfast pack ko!
"Tara na! Hindi ka pa ba kakain? Wag mo sabihing diet ka! Ingungudngod kita sa 6 pack abs mo!" Bulyaw ko sa kaniya. Nagpapapak lang kasi siya ng nutella at hindi kumukuha ng pagkain.
"Kakain ako! Ana naman. Geez, i'm just looking for something." Pagsusungit niya sa'kin. Inirapan ko nga. Basta ako kakain ako. Nagsandok na ko ng pagkain at kumain na. Siya naman ay kunot noo pang scroll ng scroll sa phone niya.
"Ano ba kasing hinahanap mo?" Tanong ko. Binaba niya ang kutsara na kanina niya pa sinusubo subo dahil sa pagpapapak niya ng nutella. Tinignan niya ako at poker face pa.
"Forever, Ana. Hinahanap ko yong forever. Tsk! Kumain ka na lang nga." Napakamot pa siya sa inis. Problema niya? Minsan ang bipolar nitong taong to. Mabilis kong inubos ang konting natitira sa pinggan ko at lumagok ng orange juice.
"Kung forever hinahanap mo itanong mo kay James Reid. Tsaka ano ba talaga yan? Malay mo may alam ako?" Pangungulit ko sa kaniya. Napakamot siya sa ulo niya at ibinulsa na lang ang phone niya.
"Ang totoo niyan naghahanap ako ng gamot." Sagot niya at tumayo. Dumukot nanaman ng stick ng yosi sa bulsa niya. Kinuha ko yon at tinapon sa kung san at sinundan siya.
"Anong gamot?" Tanong ko ulit. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tinitigan ako sa mata at sinabing..
"Gamot sa tanga. Tanga ka kasi ehh. You know sometimes i hate your stupidity." Ay? Sungit. Ngumuso ako at kumunot ang noo ko. Badmood siya ahh. Gago sumagot ehh.
"Makikipagbreak na nga ako ehh! Bago siya umalis papuntang Vegas para sa photoshoot keme niya." Pinagkrus ko ang mga braso ko at napangisi naman si Kevin. Umiling iling na lang siya at umakyat sa hagdan. Sumunod naman ako.
Dumiretso siya sa kwarto niya at pumasok sa restroom. Ako naman ay humiga ulit sa kama niya at binuksan ang tv. Narinig kong naliligo na si Kevin. I think i should take a shower too. Pumasok ako sa walk in closet ni Kevin at binuksan ang puting cabinet. Nandoon ang mga extrang damit ko. Nagiiwan ako dito ng damit ko para pag nandito ako ay makakapag palit ako. Sa daming beses ko nang nakakapag stay dito ay may sarili na akong space sa closet niya. Kumpleto may underwear pa! Hihi. Nang makakuha ng damit ay lumabas na ko sa walk in closet at narinig kong tumutunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa may lamp table ay nakitang may text si Liam. Napabuntong hininga ako.
Liam:
Where were you? I went to your apartment pero wala ka doon. Magkasama nanaman kayo ng Kevin na yan?Napairap ako habang nagtetext ng reply sa kaniya. Ang seloso niya eh wala naman akong ginagawang masama. Ako nga damat ang seloso ehh. Siya tong gago at manloloko.
Me:
Oo bakit? Nandito ako kay Kevin. Pwede ba Liam? Kevin is my closest friend. Mas matagal ko na siyang kilala kesa sayo. You don't have to be jealous. And one more thing we need to talk. Meet me tonight at my apartment. 9pm.Matapos kong isend iyon at pinatay ko na ang phone ko. Siguradong tatawag lang yon si Liam at magtatalo nanaman kami. Wala ako sa mood makipag away sa kaniya ngayon. Hinagis ko na lang sa kama ang phone ko at napahilot sa sentido ko. Sumasakit na talaga ulo ko kay Liam. Mahal ko si Liam but everytime he fucks another woman, everytime he makes me feel like shit, and everytime he lies to me, nauubos na ang pasensya at pagmamahal ko. Kumbaga sa pangbura, pudpod na ko.
"Hey, you look fucked up. What's wrong?" Lumabas si Kevin sa banyo at nakatapis lang sa baywang niya ang tuwalya. Tumutulo tulo pa ang tubig mula sa buhok niya.
Ang macho niya talaga. Papabol ehh. I wonder why he doesnt have a girlfriend. Siguro dahil pa rin sa nangyari dati? Pero that's like 5 years ago! Hayy. Mag 30 na siya dapat nga may asawa na siya ngayon.
"Si Liam kasi nagtext but let's not talk about Liam. Day off ko ngayon. Tara gala tayo?" Yaya ko sa kaniya. Ngumisi na lang ulit siya at nag kibit balikat. Signature move niya yan ehh. Yung pag ngisi na parang pahot? O hot lang talaga yung pag ngisi niya. Sumisilip kasi ang isang dimple niya. Hayy ok nevermind!
Operation Move on from Liam starts now.!
BINABASA MO ANG
The Breaking Game: Kevin. [ON HOLD]
ChickLitI fell in love with my bestfriend. Isang napakamalaking pagkakamali. Pagumibig ka sa kaibigan mo lahat masisira. May mga bagay na pwedeng mawala at pagsisihan mo sa huli. Ngayon, itinatago ko ang pagibig ko sa kaniya. Tinatago ko lang kahit minsan s...