Kevin 9

2K 59 2
                                    

-Kevin 9-





Anatasia's Point of View.





"Hindi kaya sila magpatayan doon? Ang tahimik kasi masyado natatakot ako." Umiling iling ako at kinagatan pa ulit ang sandwich na inihain samin ng maid nila. Kalmado naman ako sa kambal na iyon. Oo nagkakasuntukan sila pero hindi naman patayan.









"Hindi yan. Wag ka magalala naguusap lang sila." Sagot ko kay Elora. Bumuntong hininga siya at uminom na lang ulit ng tubig.









"Kaano ano ka ni Kelvin? I mean pano kayo nagkakilala?" Tanong ko sa kaniya. Para naman medyo maalis sa isip niya ang pagaalala. Masama sa buntis ang malakas na emosyon.








"Dati niya akong assistant manager noong nagsisimula pa lang siyang sumikat. Pag wala ang manager niya ako ang nag hahandle sa kaniya. Minsan ako din ang stylist niya." Kwento niya sa'kin. Tumango ulit ako at inubos ang pagkain ko.








"Wag mo sana masamain ha pero si Kelvin ba talaga ang nakabuntis sayo?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa kwarto kung saan pumasok si Kelvin at Kevin para magusap. Huminga siya ng malalim bago sumagot.









"Oo siya nga. Ayoko na nga sana sabihin dahil alam ko na hindi naman siya maniniwala pero hindi ko alam bakit niya pa ako dinala dito. Ayaw niya maniwala ayoko din sahihin edi dapat tapos na diba? Pero hindi ehh. Ayaw niya ako paalisin. Sabi niya paano daw kung anak niya daw talaga? Ilalayo ko sa kaniya. Hindi ko naman ilalayo eh. Pwede naman niya dalawin kahit kelan pero ayoko na sana na magsama pa kami." Napaluha si Elora at agad naman niya pinunasan ito. I sighed. Naaawa ako sa kaniya. She must've gone through hell kaya ganito siya nasasaktan ngayon.









Nagkwentuhan pa kami ni Elora. Tinanong ko siya ng tungkol sa kaniya dahil gusto ko siya makilala. I feel like we can be good friends. Nagtanong din siya tungkol sa'kin at syempre sinagot ko din. Ilang minuto pa ay nagtatawanan kaming naabutan ng kambal. May pasa si Kelvin sa gilid ng labi at tumabi kay Elora. Si Elora naman ay nagaalalang tinignan si Kelvin. Inutusan niya pa ang maid na kumuha ng first aid kit. Si Kevin nama ay tumabi sa'kin.









"Tayo na lang dalawa ang pamilya Kelvin. If you fuck this up you'll be alone forever. Nasa harapan mo na ang sign para magbago ka sa buhay mo. Don't be stupid and waste it. " seryosong sabi ni Kevin sa kapatid niya habang ginagamot ito ni Elora.









"Eh bakit ikaw? Ilang taon na siyang wala pero hindi ka pa rin maka move on? Ilang taon ka na din binigyan ng sign para baguhin ang buhay mo pero nagbago ka ba? Hindi. Dahil hindi mo pa rin nakakalimutan ang nangyari sa inyo ni Violet." Napatayo si Kevin at umambang susuntukin si Kelvin nang yumakap si Elora para takpan si Kelvin. Agad akong tumayo para hilain si Kevin pabalik sa pagkakaupo. What the hell is going on!








"Walang alam Kelvin. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko. So don't talk about me like you know me so fucking much because you don't." Galit na galit na sabat ni Kevin at tumayo na. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinila ako papalabas ng mansyon.









Pagkasakay namin sa kotse niya ay halos mapasigaw ako sa bilis ng pagpapatakbo niya. Para akong aatakihin sa puso!





"KEVIN MAGDAHAN DAHAN KA NGA! KUNG GUSTO MO MABANGGA IBABA MO KO! AYOKO MADAMAY!" Sigaw ko at bumuntong hininga lang siya tsaka binagalan ang pag mamaneho.









Nang makarating kami sa mansion niya ay wala siyang imik. Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang whiskey doon at umakyat na sa kwarto niya. I just sighed. Who is Violet anyway? Bakit ganon na lang ang reaction ni Kevin nang marinig ang pangalan niya. Ilang taon na kaming magkaibigan pero kahit isang beses ay wala siyang na nabanggit na Violet sa'kin. Kumuha ako ng ilang bote ng beer sa ref at pumasok na din sa kwarto niya. Pero pagkapasok ko ay sakto naman na papalabas siya.








"Saan ka pupunta?" I asked him.








"Sa taas." Iyon lang ang tangi niyang sagot at nilagpasan na ako. Bitbit niya pa rin ang alak niya at ako naman ay sumunod lang sa kaniya.








Pag akyat ko ng rooftop ay nakita ko siya sa couch sa labas ng garden house. Nakaupo at nakatingin sa malayo na mukang malalim ang iniisip. I've only see him like this pag malaki ang problema niya. Hindi naman siya palagi nagkakaron ng problema pero pag ang problema ay tungkol sa kapatid niya ganito siya lagi. I just sighed and tumabi sa kaniya.









"Sino siya?" Tanong ko agad. Tumingin siya sa'kin matapos ubusin ang alak sa baso niya.







"Sino?" Tanong niya pabalik sa'kin habang nag sasalin ng alak sa baso niya.







"Si Violet. Sino siya?" Bumuntong hininga si Kevin at umiling iling. Pero tinitigan ko lang siya at hinintay ang sagot niya.









"Hayy. Ok fine. Rememeber 5 years ago when you saw me almost hitting your car that night at the park?" Kumunot ang noo ko nang maalala ko yon. Sobrang galit ko noon sa kaniya dahil hahampasin niya ng bote ang kotse ko eh bago lang non iyon.







"Oo naalala ko pa. Gago ka eh." Sagot ko sa kaniya at binuksan ang beer na dala ko.








"Well that night is the night when Violet told me that she doesn't want to marry me anymore." Napatigil ako sa sagot niya. Ikakasal na siya dapat noon?!









"Anong nangyari?" Tanong ko pa ulit. Bigla akong nasaktan para sa kaniya. Akala ko noon ay nagkagirlfriend lang siya at hindi maka move on pero iyong ikakasal pala siya dapat ay sobrang sakit non. Doble yon nang inaakala kong sakit na naramdaman niya noon.









"Ewan ko. Everything was doing good. Nakaplano na ang kasal, handang handa na kong magsimula ng bagong buhay kasama siya. Lahat ay nakahain na sa harapan namin dalawa kulang na lang ay maikasal na kami. Pero... Nang gabing yon. She called me... She asked me if she can come over to the mansion. Nandoon si Kelvin noon. Saksi siya sa nangyari samin ni Violet noong gabing yon." Nilagok niya ang alak at ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kaniya. Akala ko alam ko na lahat sa kaniya pero hindi pala. Nasasaktan ako para kay Kevin. When he was helping me 5 years ago sa problema ko sa pamilya, siya pala itong mas kailangan ng tulong.









"Violet gave the engagement ring back to me. Sabi niya she's moving to New York para ipagpatuloy ang pangarap niya. Hindi niya pa daw kayang mag pakasal. Sabi ko pwede naman kami hindi muna magpakasal. Hindi niya naman ako kailangang iwan. She can go to New York sasamahan ko pa siya but... That's not what she wants. She wants to be by herself.."









Napahawak ako sa dibdib ko matapos mag kwento si Kevin. Tinulungan niya ako kahit na mas kailangan niya ng tulong noon. He was helping me to be strong and move on from my problem pero siya din pala kailangan non. I didn't knew anything about this back then. May mga oras na natanong ko siya kung anong problema niya pero tahimik lang siya at walang sinasabi. I sighed. This just feels like he opened a new world to me. Tahimik lang kaming dalawa na uminom ng uminom hanggang sa lumalim na ng lumalim ang gabi. Lasing na ako at inaantok kaya humiga na ako at umunan sa kandungan niya.










"I will try and fix you too Kevin. Let's heal each other's hearts." Hinaplos ko ang pisngi niya at binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti at hinalikan ang noo ko. Iyon ang tumatak sa isipan ko na dapat kong gawin bago ako makatulog. Tama, iyon nga ang gagawin ko.

The Breaking Game: Kevin. [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon