Kevin 7

2.1K 58 1
                                    

-Kevin 7-









Isang linggo na akong dito sa mansion ni Kevin umuuwi. He said it's ok at mas gusto din daw niya na nandito ako dahil baka saktan ulit ako ni Liam pag pinuntahan niya ako sa apartment ko. Liam tried to talk to me pero pinutol ko na ang koneksyon namin dalawa. I changed my number, blocked him every where i can. Basta ayoko na may koneksyon pa kaming dalawa. Even though i admit that i kinda miss him. Mahal ko si Liam at alam kong mali na dahil nasasaktan na ko sa kaniya. That kind of love isn't healthy at pag ganon na dapat tinitigilan na. Being in love isnt supposed to be full of pain, it's supposed to be the other way around. Dapat masaya, dapat kuntento at dapat komportable ka sa relasyon na meron kayo. Ganon ang love. Dahil pag toxic na at hindi na healthy isa lang ang tamang gawin, humiwalay. And that's what i did.









"You don't have work?" Tanong ni Kevin habang nagpepaint dito sa rooftop. Inabot ko sa kaniya ang dala kong kape. It's 9am already at kakagising ko lang. Wala siya sa kwarto niya at tama ako na dito ko siya matatagpuan.









"Meron pero tumawag sa'kin si Sir Lucas na mag week off muna ako pero babayaran niya pa rin daw ako for my week off." Sagot ko kay Kevin. Tumango tango lang siya at inilapag ang paintbrush niya para makainom ng kape.









"Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo? Your parents-." Bago ko patapusin si Kevin sa pagsasalita niya ay tinitigan ko na siya ng masama. He knows how much i hate talking about my parents.









"They already disowned me two years ago kaya two years na din akong walang mga magulang and look at me now. I have a million in my bank account i'm almost done paying my house at may stable na trabaho na parang wala lang akong ginagawa pero sumesweldo ako." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Uminom naman ako ng kape ko. Yeah that's right. Nabuhay ako ng ako lang.








"Your point is?" Tanong pa ni Kevin sa'kin at pinagpatuloy niya ang pagpepainting niya.







"Ang punto ko lang ay hindi ko sila kailangan. Kung hindi nila ako natanggap sa pagkatao ko then fine. Anong klase silang magulang sarili nilang anak hindi nila kayang tanggapin. They are not worthy of my time." Umiling iling na lang si Kevin at ngingisi ngisi habang nagpepainting. Maya maya pa ay pinirmahan na niya ang painting at naghubad na ng tshirt.









Kevin is very talented. Noong una ko siyang nakilala palagi niyang sinusunog ang painting niya dahil sa ramdam niya daw ang galit doon. Baka malasin lang daw pag may bumili. Totoo naman dahil sa mga painting niya noon ay tanging dark colors lang ang ginagamit niya pero ngayon maaliwalas na ang mga painting niya. Nilapitan ko ang painting niya at tinignan itong mabuti. Ang ganda. He painted the sun rising. There's something special about his paintings i just can't pin point it. Noong una kong nakita na ganito kaganda ang painting niya sinabi niya sa'kin na..

"Naka move on na ko."



I sighed. Sana ako din makamove on na. I know i can be happier. Huminga ako ng malalim at hinarap si Kevin pero wala pala siya da likod ko. Nakita ko siyang pumasok sa garden house dito sa rooftop ng mansion niya. Sinundan ko na lang at nakita ko siyang nakaupo sa itim na couch doon at binuksan ang flatscreen tv. Tinabihan ko na lang at nanuod din.






"Breaking news: sikat na artista, singer at model na si Kelvin Erald James, nakitang may kasamang none showbiz girl kagabi sa Underground bar-." Bago matapos ang balita ay pinatay na niya ang tv at binato ang remote sa center table. Kumunot ang noo ko.









"Wow ah? Support si kuya." I said in a sarcastic tone. Sinimangutan niya ako.







"Why? Do you want to know about my brother's flings?" Nakasimangot na tanong ni Kevin. Problema niya?







"It's on tv Kevin, malay mo interesting." Sagot ko sa kaniya. Tumayo siya at hinagod ang buhok niya gamit ang kamay niya. Damn ano kakagaling niya lang ba ng gym? Bakit mas mabato yata lalo ang mga muscles niya ngayon?






"Who would you rather watch? Me or him?" Tanong niya at lumapis sa'kin at dahan dahan na tinatanggal ang pants niya. Napalunok ako. Shiitt.... Ibaba mo pa sige pa konti na lang sisilip na... Pero kesa sa ibaba pa lalo ang pants niya ay itinulak niya na ako sa couch dahilan para mapahiga ako at mapaibabaw siya. He bit his lips and stares at mine. Naginit ang pisngi ko.








"Ke-Kevin ha! Ang la-landi mo!" Nauutal na saway ko sa kaniya. Napalunok pa ko lalo when i heard him chuckled. Damn that was a sexy chuckle.








"Don't you like it huh?" He smiled at me wickedly at napapikit na lang ako habang unti unti siyang palapit ng palapit sa'kin. Susko po! Kakabreak ko lang sa boyfriend ko! Ayoko magkaron ng kasalanan ngayon!










"Oh my god Kevin get a room." Narinig ko ang isang lalaki na pumasok sa garden house at may bata pang tumatawa.







"Ni-ninong Kevin! Hello po!" Tumakbo ang batang naka kulay green na tshirt kay Kevin at binuhat niya naman ito. Si baby Zeus lang pala at ang daddy niya na si Ashe. Tumayo na din ako at inayos ang sarili ko. Nakita ko si Atilah na palapit din samin at buhat buhat niya naman si Zeya. Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya.








"Long time no see! Kamusta ang bakasyon sa Maldives?" Tanong ko sa kaniya at kinuha si baby Zeya sa kaniya.







"Ay nako ang saya! Minsan pumunta din kayo don. Sabihan niyo lang kami at may rest house kami doon." Sabi pa ni Atilah sa'kin. Lumingon ako kay Kevin para sana yayain siya pumunta din doon pero lumayo na sila ni Ashe at mukang seryoso ang pinaguusapan.









"Hay nako. Natatakot ako sa biglaang yaya ni Ashe na puntahan si Kevin ah. Tignan mo naman sila magusap akala mo may secret mission." Natawa na lang ako kay Atilah habang pinupunasan niya ang pawis ni Zeus.








"Ako din kinakabahan. I only see Kevin that serious pag galit siya." Sabi ko kay Atilah. She patted my shoulder and gave me an assuring smile.








"Just trust him. He has brains now unlike Kelvin na parang nastuck sa pagkabinata." Medyo tumawa na lang din ako sa biro ni Atilah pero kinakabahan pa rin ako.








The way his playful eyes turn into this dark cold eyes as he talks with Ashe, gives me the chills. I hope it's just something minor. Kahit ano man yan wag naman sana grabe. Napahawak ako sa dibdib ko. My heart is beating fast nang lumingon si Kevin sa'kin he gave me that smile again. Parang gumaan bigla ang puso ko kaya kesa sa panuodin lang sila ni Ashe magusap ay sinundan ko na lang si Atilah na bumalik sa sala. I trust Kevin naman eh. I trust him a lot.

The Breaking Game: Kevin. [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon