Kevin 12

1.6K 47 1
                                    

-KEVIN 12-




Anastasia's Point of View.




I'm not sure what's going on between Elora and Kelvin. It's been a week at mag kaaway pa rin sila. Anytime after this day ay pwedeng manganak si Elora. I just hope they figure things out before that happens. Inayos ko ang mga folders sa ibabaw ng desk ko. Another day at work. Wala naman masyadong ginagawa dahil going well ang kumpanya at wala naman masyadong meetings kaya puro emails at monthly checks lang ang ginawa ko ngayon.








"Hey Ana, you can go home early. I heard you're moving." Casual na sabi ng boss kong si Sir Lucas pag daan niya sa desk ko.





"Opo sir. I don't feel safe kasi eh may nakita akong condo unit na mura lang kaya doon na lang ako." Tumango tango siya at ngumiti.






"Be safe. I dont want any of my best employees getting hurt. You can take the rest of the week off starting tomorrow. I'm going on a trip kaya wala ako dito. I will make Ryan call you if you're needed. For now, focus on moving. It can be very stressful." Ngumiti na lang ako sa kaniya at sumangayon. Nagpaalam din si sir Lucas dahil mukang may importante siyang lakad. Ako naman ay nag ayos na ng gamit ko para makauwi na.








Pumasok ako sa elevator at pinindot ang level papuntang parking lot. Habang naghihintay, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang tadtad na message ni Kevin. Napangiti na lang ako habang isa isang binabasa iyon. May ilang missed calls pa.



"What do you want to eat for dinner?"


"I'll cook something.. Or you want to eat somewhere?"


"Ana? Be careful."


"Anastasia hinahanap ka ni Elora sa'kin. Text her or call her... But reply to my texts first."



"Are you coming home early?"




"Should i pick you up?"




"Oh i forgot you brought your car.. Nevermind."




"I miss you. Call me."





Pagtapos ng huling text niya ay nakangiti akong diniall ang number niya. Wala pang dalawang ring ay sinagot na niya agad. Natawa naman ako.


"Ana? Why are you laughing."


"Eh nakakatawa ka kasi eh. Dami dami mong text para kang teenager!" Asar ko sa kaniya habang pinipigilan ko ang tawa ko.




"Well i was worried alright?" 



Narinig ko siyang bumuntong hininga. Napangiti ako. I always smile pag si Kevin ang kausap, kasama at kadamay ko.




"Ok lang naman ako. Sige na mag dadrive na ko. See you in a bit." Paalam ko sa kaniya.





"Ok. I'll wait. Drive safe.."





Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko hindi pa siya tapos magsalita. Tahimik lang ako hanggang sa bumuntong hininga siya ulit at binaba na ang tawag. Nagkibit balikat na lang ako at inistart ang kotse ko. Maingat akong nagmamaneho nang biglang tumunog ang phone ko. Tinanggal ko saglit sa daan ang mata ko para abutin ang phone ko sa bag. Pagbalik ko ng tingin sa daan ay napapreno ako ng malakas dahil sa babaeng biglang tumawid. "SHIT SHIT SHIT!" Mura ko sa isip ko nang maramdaman ko ang sakit ng balikat at dibdib ko dahil sa seatbelt.





"OY YUNG BABAE! Yung babae tulungan niyo!" Sigaw ng ilang tao sa labas at tinuturo ang babaeng dahan dahan na tumatayo at tapat ng kotse ko. Kahit na masakit ang balikat ko ay agad akong bumaba.







"Oh my god.. Miss ok ka lang? Nasagasaan ba kita? Gusto mo dalihin kita sa ospital?" Nagaalalang tanong ko sa kaniya habang tinutulungan ko siyang tumayo.







"No, no i'm fine.... Sorry it's my fault. I wasn't looking." Mahinhin na sabi niya at dinampot ang mukang mamahaling purse niya sa sahig.







"Are you sure you're not hurt? I can bring you to the hospital." Umiling iling siya at pinagpag ang dress niya. Nginitian niya ako. Napanganga ako at tila nakalimutan kong masakit ang balikat ko. Ang ganda niya.. Mistisa at mukang mayaman.







"I'm fine. Thanks for caring though. I'm sorry again. Umm... Im in a hurry so bye..." Hindi pa ako nakapag salita ulit ay nagmadali na siyang umalis. I wonder who she is.. Ang ganda niya. Sobrang ganda niya natatakot ako. I just shook the weird feeling away and went back to my car. Nag seatbelt ulit ako at kalmadong nag drive.







Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating ako ng mansion ni Kevin. Ni hindi ko na nakuha ang bag ko dahil sa sakit ng balikat ko. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad siya na nakatayo sa may sofa. Mukang hindi niya napansin ang pagdating ko at busy siya sa panonood ng tv. Dahan dahan kong tinanggal ang sapatos ko at naingat na naglakad papunta sa likod niya. Balak kong gulatin siya pero...






"AHHHH!! ARAY ARAY ARAY!" Hiyaw ko nang hablutin niya ang kamay ko. I know he does martial arts and self defence pero ngayon niya lang to nagawa sakin. Mas lalong sumakit ang balikat ko halos napaupo ako sa sakit.







"Ana! I'm sorry, im sorry! I thought you're somebody else." Nagaalala siya na natataranta. Napangiwi na lang ako at pilit ngumiti.







"Ninja ah?" Biro ko pa kahit na napapangiwi na ko lalo sa sakit ng balikat ko.







"Dont joke around Ana, anong nangyari sayo? Anong meron sa balikat mo?" Inalalayan niya kong umupo sa sofa at tumabi sa'kin. Nagaalala pa rin ang mga mata niya. Huminga na lang ako ng malalim bago magkwento.






"May muntikan kasi akong mabangga kanina. Hindi naman siya nasaktan. Gusto ko nga dahilin sa ospital para makasigurado pero nagmamadali siyang umalis." Napailing iling na lang si Kevin. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan paakyat sa kwarto niya.






"Hindi nga siya nasaktan pero ikaw naman ang nasaktan. Just lay down for now. Magpalit ka na rin. Dadalihin ko na lang sa kwarto ang pagkain para makakain ka na rin. I'll bring you some meds too ok?" Tumango na lang ako. Hinalikan niya ang noo ko at iniwan na ko sa kwarto niya. Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Ano pa bang magagawa ko. Hindi naman magpapatanggi si Kevin. Ganiyan siya magalala eh. I just let him. Gusto ko rin naman.







Habang nagbibihis ako narinig kong paulit ulit na tumunod ang door bell. Hindi na ko bumaba at sumilip na lang ako sa bintana ng kwarto. Tinignan kong mabuti kung sino iyong mahabang buhok na nagdodoor bell sa labas. Bumukas ang ilaw sa front yard nang lumabas si Kevin. Kumunot ang noo ko sa nakita ko. Siya yung babae! Siya yung muntik kong mabangga! Anong ginagawa niya dito? Napansin kong parang nagdadalawang isip si Kevin na lapitan ang babae pero ginawa niya pa rin. Pagbukas na pag bukas niya ng gate ay bigla siyang niyakap, hinalikan at niyakap pa ulit ng mahigpit na para bang ayaw na siyang pakawalan ng babae.








Mukang magkakilala sila.. Then i fely like something hit me..something big. Parang nabangga ako ng truck.








"It's her... She's Violet.."

The Breaking Game: Kevin. [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon