Dear Crush,
Sinulat ko tong liham na to, para naman malaman mo ang damdamin kong hindi ko maipabatid sayo.
Knees shaking.. Heart thudding.. Palm sweating.. Everything just seems so right.. Time seems to stop..
Wow, napapa-English ako, dre! Hahaha! Huwag mo na kong tanungin kung anong Tagalog niyan, dahil lalayasan talaga kita! Basta ang alam ko, yan ang nararamdaman ko kapag nakikita.
Isa.. Dalawa.. Tatlo..
Hindi ko na mabilang kung ilang taon na nga ba kitang pinagnanasaan. Este, hinahangaan pala.
Bakit nga ba kita nagustuhan? Kasi… Ah… Ano ba?
Kasi…… Ang cute mo! Yung mata mo na parang laging nangungusap. Yung kissable lips mo na parang kaysarap halikan. Pa-try naman oh?! Ang cute-cute mo talaga, lalo na kapag ngumingiti ka. Pero mas lalo na kapag ako ang nginingitian mo.
Bakit nga ba kita nagustuhan? Kasi… Ah… Ano ba?
Kasi.. Ang tali-talino mo! Kahit hindi ka yata mag-review ng lessons.. kahit hindi ka making sa teacher.. Kapag may exam na, makukuha at makukuha mo pa rin! Samantalang ako, kailangang mag-review ng magdamagan, magsunog ng kilay ng bonggang-bongga, pumasa lang. Nakakasakit ka din ng loob minsan no? Nangangamote ako sa Math, pero ikaw, minamani mo lang yun.
Bakit nga ba kita nagustuhan? Kasi… Ah… Ano ba?
Kasi.. Ang bait-bait mo! Lagi na, may nakahanda kang ngiti para sa lahat. Lagi na, kapag may nagpapaturo sayo sa Math problems, nagpapatulong sa mga assignments nila, nandyan ka. Lagi kang nakahandang tumulong sa mga nangangailangan. Wow, SUPERHERO?! Hahaha!
Bakit nga ba kita nagustuhan? Kasi… Ah… Ano ba?
Kasi.. Ikaw ay ikaw. Hindi lang dahil cute, matalino at mabait ka kaya kita nagustuhan.. Gusto ko lahat ng bagay tungkol sayo. Hindi lang ang mga tama sa buhay mo, kundi pati na rin lahat ng mali sa buhay mo at mga kapintasan mo. Cute ka pa rin sa paningin ko kahit minsan, pumapasok ka sa school na hindi pa nagsusuklay. Guwapo ka pa rin sa paningin ko kahit nangangamoy-pawis ka sa init ng araw. Matalino ka pa rin para sa akin kahit minsan, sablay ang English mo. Mabait ka pa rin para sa akin kahit minsan, nakakainis na mga banat mo!
Ilang papel na ang aking itinapon sa basurahan.
Ilang message na ang hindi ko man lang na-send sayo.
Crush, drugs ka ba?
High na high kasi ako sayo eh.
Crush, exercise ka ba?
Bumibilis kasi ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita eh.
Crush, crayon ka ba?
Binibigyan mo kasi ng kulay ang buhay ko eh.
Crush, pie ka ka ba?
Ikaw kasi ang cutie pie ng buhay ko eh.
Crush, MERALCO ka ba?
Dahil kasi sayo, may liwanag ang buhay.
Kung puwede lang na idaan na lang kita sa mga pick-up lines ko. Kung sana, kaya kong sabihin lahat ng nararamdaman ko para sayo. Kung sana kaya ko.
Oo na.. Ako na ang torpe.. Takot.. Nega.. AKO NA..
Pero masisisi mo ba ako kung nauutal ako kapag tinatanong mo ako kung anong oras na? Masisisi mo ba ako kung napuputol ang dila ko kapag nakikita kita? Masisisi mo ba ko kung parang nawawala ako sa sarili kapag nandyan ka na?
Wala tuloy akong magawa kundi mapakanta ng..
“Mabuti pa sa lotto………………………….”
YOU ARE READING
Letters of the Heart <3
RomanceMy random thoughts. :) Iba't ibang mga liham. Iba't ibang tao. Pero iisa ang dahilan sa likod ng bawat liham. PAGMAMAHAL. :)