WAITING IN VAIN (BOY VERSION)

1K 4 0
                                    

You all know na I am really into girl sentiments. But since walang magawa, try natin kung kaya ko bang i-express ang thought ng isang lalake. And gawin naman nating Tagalog ang medium of writing ko. So here it goes. :)

Dear YOU,

Kumusta ka na? Kumakain ka ba ng maayos? Hindi ka ba nagpupuyat? I hope you are taking care of yourself. :) Kung ako naman ang tatanungin mo, at kung concern kang malaman, well.. I'll be lying if I'll tell you that I'm great. Eversince we broke up, I feel like a zombie. Para akong buhay pero wala man lang nararamdaman. Humihinga nga ako pero hindi ko naman alam ang rason kung bakit. Kasi wala ka na. Wala ka na sa buhay ko. Kasi iniwan mo na ko.

The moment i saw you, I knew you were the right girl for me. I knew you were the girl I'll be telling my mom, "Ma, this is the girl that I'm going to marry someday." Alam mo yun? Love at first sight. Unang kita ko pa lang sa ngiti mo, wala na. Upon seeing your laugh, I knew I'm a goner. Panang-pana ako ni Kupido!

Pero alam mo ba? Para kang eraser. Binubura mo ang letter G sa salitang PAG-ASA.

Ayaw mo na ba?

Hindi na ba talaga natin maaayos?

Babye na ba talaga?

As in sure na sure?

Final answer? Peksman?

San ba ko nagkulang?

San ba ko sumobra?

San ba ko nagkamali?

Ano ba ang dapat na ginawa ko pa?

Yan ang mga tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko.

Yan ang mga tanong na nagpapatulala sakin sa kisame, umaasang may bigla na lang lumitaw na sagot.

Akala ko okay tayo.

Akala ko masaya tayo.

Akala ko everything's alright.

Pero akala ko lang pala yun.

Sabi nga nila, maling akala.

Kung kelan mahal na mahal na mahal na kita.

Kung kelan paniwalang-paniwala na ko.

Kung kelan asang-asa na ko.

Dun mo sasabihing ayaw muna.

Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, papakawalan mo siya kung yun ang ikasasaya niya.

Translated in ENGLISH: If you really love someone, you'll set her free if it will make her happy.

Pero tengene naman! Mahal mo nga, diba?! Papakawalan mo na lang ba basta?!

Para lang akong batang pinatikim mo ng candy tapos kukunin mo din.

Para ka lang yung seatmate ko sa Geometry na sasabihing siya daw ang bahala pero pagdating ng exam todo-takip naman ng papel niya.

In short... Isa kang PAASA! DRAWING!

Tinatanong mo kung galit ako? Hindi.. Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit sa taong mahal na mahal ko.

Sagutin mo naman mga texts ko.

Replayan mo naman mga PM's ko sa FB.

Pansinin mo naman mga posts at comments ko sa wall mo.

Bisitahin mo naman profile ko, picture pa din natin ang profile picture ko. Ang saya-saya natin dun. Andami ngang nag-comment at nag-like at bagay na bagay nga daw tayo, diba?

Sagutin mo naman mga tawag ko oh?

Kasi miss na miss na miss na kita.

Miss ko na mga ngiti mo na kumukumpleto ng araw ko.

Miss ko na ang boses mo lalo na kapag sinasabihan mo ko ng I love you.

Miss ko na mga yakap at paglalambing mo.

Miss ko na yung pakiramdam ng kuntentong-kuntento lang ako habang hawak-hawak ko ang kamay mo.

Miss ko na pagsimangot mo kapag iniinis kita.

Miss ko na pagtataray mo sa mga babaeng lapit ng lapit sakin.

Ayaw mo na ba talaga? Kasi kung meron kahit konting doubt diyan sa dibdib mo... Kung nag-aalangan ka... Sabihin mo lang.. Hihintayin kita.

Hindi mo na ba ko mahal?

Meron na bang iba kaya nakakatawa ka pa din kahit wala na ko sa tabi mo?

Kasi kung ako ang tatanungin mo...

Kung tatanungin mo kami ng puso ko...

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KA PA RIN NAMIN.

Ikaw pa rin ang nag-iisang babaeng nagpapatibok dito ng ganito kabilis.

Nasaan na yung promise mong to infinity and beyond?

Kasi ako, hanggang ngayon........

I STILL LOVE YOU TO THE MOON AND BACK TO INFINITY AND BEYOND. FOREVER AND EVER, BABE. :(

Waiting and Hoping,

Your BOYFRIEND </3

Letters of the Heart &lt;3Where stories live. Discover now