Panimula

60 5 2
                                    

Malapit na. Malapit na ang araw na hinihintay ko. Nararamdaman ko na malapit na sya.

Taon na rin ang nagdaan ngunit parang kahapon lang nangyari ang mapait kong nakaraan. Mabilis ang takbo ng panahon, sobrang bilis. Nagkakandarapa ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko maiwasang matitigan ang mga taong humahangos para sa kinabukasan at pangarap; na patuloy na nagsusumikap araw-araw para sa buhay na maginhawa.

Konting tiis nalang.

Bago sumapit ang araw na iyon, dapat maihanda ko ang aking sarili. Maihanda ang aking sarili sa panibagong yugto ng aking buhay; nawa ako'y maging matatag at maging malakas.

Gusto kong ayusin ang aking sarili; ayusin ang nasira kong sarili. Naging mahina ako, naging tanga. Gusto kong buuin ang wasak kong pagkatao. Makamit ang aking mga pangarap, makamit ang tinatamasa kong liwanag -- katulad ako ng mga taong humahangos at gutom sa tagumpay.

Alam kong hindi magtatagal at magkikita rin tayo.

Magkikita tayo at hindi mo na makikilala ang dating ako.

Ikaw, hindi mo mamamalayang nasa harap mo na ako.

At mapapatanong ka nalang sa sarili mo na; "Ikaw ba ang iniwan ko?"

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon