Kabanata 2

21 1 0
                                    

Pupungas-pungas akong naglalakad pauwi sa condo ko. Don't get me wrong ha? Hindi ako mayaman. Condo type kase itong tinitirhan ko pero iba ito sa mga mamahaling condo ng mga mayayaman. Student's condo eka nga nila. Katamtaman ang laki, konkreto ang pagkakagawa, may sariling CR at lutuan with washing machine plus wifi. Oh diba, ang sosyal nito compare to dorm kung saan walong estudyante sa isang makipot na silid.

Dito, dalawa lang kami sa isang room. Tatlong libo ang isang estudyante kaya nakaka-anim na libo kada isang kwarto yung landlady every month. I find it cheap kaya kinuha ko ito first year palang ako. Same bed, same room. Pero every year, iba-iba nagiging roommate ko.

May mabait, may mayabang. May maganda, may panget. May drug addict, may magnanakaw. Hay, nako! Samu't-saring tao na ata ang nakasalamuha ko. May nagtatagal, meron namang hindi.

Palagi kong sinusuhulan ng isang bilaong pansit yung matandang menopause na landlady namin. Aba't tuwang-tuwa ang gurang kaya palagi nyang nire-reserve itong room 309 sakin pati na rin ang aking favorite bed. Hello?!! Mautak ata 'to, LOL.

Back to my irritated face, ito nga't nakauwi na ko. Hanep, amoy akong kape. Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko; kung magpapalit ba ko or maglalaba or kung uunahin ko munang pakainin yung nagwawalang sawa sa tiyan ko. Hanep na araw 'to.

Tulad ng dati, wala na naman yung roommate ko. If I'm not mistaken, nursing course nya. Masasabi kong siya na yung pinaka-matagal kong naka-roommate, kalahating taon. Katulad ko rin kase syang nasa probinsya ang mga magulang kaya once a month lang kami umuwi tapos balik Manila ulit, halos dito na rin kami nagbabakasyon at nagse-sembreak.

Mabait naman yun pero madalang kong makasama. Ginawa lang atang liguan at taguan ng gamit itong condo kaya minsan lang kami magkita. Minsan uuwi ako, wala pa sya. Minsan naman, nagigising ako ng madaling araw na naliligo sya tapos aalis rin ulit. Tinatanong ko naman sya kung saan sya nagpupunta ang sinasabi lang nya eh, madalas raw sya sa dorm ng mga ka-thesismates nya because of their thesis. Weh? Hello?! Hindi ako tanga, LOL. Alam kong may boyfriend sya and dahil bawal magdala ng lalaki dito sa dorm maliban nalang kung tatay or kuya mo yun, sya yung pumupunta sa dorm ng boyfriend nya. Akala siguro nya hindi ko alam.

Pero hinahayaan ko na rin sya. Ayoko rin naman pangaralan sya because mas matanda sya sakin. Ayoko rin magkaaway kami at baka sabihin pa nyang pakialamera ako ng buhay ng may buhay. Bahala nga sya, buhay nga naman nya yun. Kaya ko naman nasabing mabait sya eh dahil na rin hindi nya pa rin ako nakakalimutan.

Minsan nga'y nagising ako at may nakitang box ng Krispy Kreme doughnut sa table namin at may note sya; "Sorry kung madalas kang walang kasama dito sa condo. Ito tiniran kita ng donut, alam kong gusto mo 'to. Labyu! - Bobby" Alam nya talagang hulihin ang kiliti ko. Nagpapasalamat naman ako sa kanya sa text or pag nagkakataon na nagkikita kami dito sa condo.

Madalas syang mag-iwan ng pagkain or ulam dito. Siguro naaawa rin sya sakin. Huwag ko lang mahuhuli na tira-tira pala nilang mag-jowa yung inuuwi nya, baka sakmalin ko sya. LOL, joke!

At ito nga, may ulam sa ibabaw ng table. Umuwi siguro si Bobby ng tanghali. Pagtingin ko sa wrist watch ko, alas-dos na pala! Kaya sinunggaban ko itong adobong lasang paa, mag-iinarte pa ba ko?

Pagkatapos kong lumamon, busog much kahit lasang talampakan yung adobo. 'Seriously Sisa, nakatikim ka na ng talampakan?' Shut up, Lili!

Nilabhan ko na itong blouse ko at buti nawala yung mantsa dulot ng kapeng binuhos ni kuyang. Zonrox at Breeze lang pala ang katapat nun. Kaya pala sige lang sa mantsa sabi nga ni Carmina. Go Breeze!

Nilabhan ko na rin yung panyo ni Basi Leo. Baka magkita kami sa Lunes eh maibalik naman sa kanya yung panyo. Limang libo nga pala laman nung sobre kaya nakakahiya naman kung pati panyo eh hindi ko maibalik. Mayaman siguro si kuyang? Galante! Sobra na ang limang libo sakin, hindi ko rin kailangan ng panyo nya.

Napaisip naman ako habang nilalabhan ang panyo. Basi Leo nga kaya ang pangalan nya? Lakas kaseng maka-Sisa't Basilio yung pangalan namin.

Habang naglalakbay ang aking utak, biglang tumunog ang never-heard-brand cellphone ko. Pero huwag ka, touch screen 'to. Anyways, walang tigil sa pagtunog kaya hudyat na may tumatawag.

Pinunasan ko agad ang aking kamay at sinagot ang tawag. Hindi ko pa naibubuka ang aking bibig nang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Sirein Sabel, on skype now." sabay patay ng nasa kabilang linya.

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon