Kabanata 4

17 0 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Diretso akong tumungo sa banyo at ginawa ang aking daily routines. Mabilis rin akong nakapagluto at binusog ang aking sarili para sa araw na ito. Hinigop ko rin ang tinimpla kong masarap na kape. Caffeine is life!

Nagsuklay, nagpulbos at naglagay ng konting lip tint. Inayos kong mabuti ang suot kong corporate attire at tiningnan ang sarili sa salamin. "Ganda mo girl!" sabay kindat sa aking repleksyon. Aba't bolahin raw ba ang sarili?

Sinuot ko na rin ang black pumps ko at kinuha ang aking Parisian bag. Muling sinilip ko ang aking sarili sa salamin at napatitig. "Goodluck!" sambit ko na pampalakas ng loob.

Iba kase sa pakiramdam pag graduating ka na. Para bang kailangan na maging matino at pino ang aking galaw. Kailangan rin ng dobleng pagsusumikap para makakuha ng mataas na marka lalo na at balak kong i-push ang maging Cum Laude.

Ayos lang naman daw kila Ina kahit hindi ako grumaduate with flying colors katulad ni Kuya Miguel pero para sa akin kase, gusto ko rin maging Cum Laude. Hindi para makipag-yabangan kay Kuya kundi ay gusto kong may maibigay man lang akong regalo saking mga magulang sa araw ng aking pagtatapos. Kaya kung papalarin ako na umabot yung average ko sa pagka-cum laude, surprise nalang yun!

Malapit lang naman itong condo sa university. Mga limang minutong lakaran ay nasa school na ko. Mabuti nalang at morning schedule ang nakuha ko kaya kahit maglakad ako ay hindi ganun kainit.

Pagkatapak ko sa gate. "Good morning, Sabel!" wika ni Jerry sabay pa-cute with matching hinga sa harap ko. Hindi ako nakasagot agad. Pekshet! Eng behe neng henenge me!! Napangiwi ako ng maamoy ko sya. Si Jerry lang naman ang security guard sa main gate ng university. Sa tingin ko mas matanda lang sakin ng isa or dalawag taon ito. Pero pakshet talaga! Last year nya pa ko hinihingahan ng kakaibang amoy tuwing umaga.

Naglakad na ko papasok at hindi ko na sya pinansin. "Goodluck!" pahabol pa ni Jerry. Nako! Baka lalo lang akong malasin dahil sa sinabi nya with amoy bulok.

Sinilip ko ang aking wrist watch, 7:30am palang. Masyado ata akong excited sa first day of 2nd sem? Sakto namang tumunog ang cellphone ko.

"Sisa? Bes? Saan ka na? Dito ko sa gym, 8 pa naman klase mo diba? Daanan mo ko para sabay na tayo pumasok." sabay hagikgik at alam kong kasama nya si Raf.

Aba't lakas maka-utos ng berat! Si Diamy iyon. Kaibigan ko simula first year. Tiga-maynila talaga siya. Pareho kami ng course ngunit magkaiba kami ng major. Major in Marketing Management si Diamy na bagay na bagay naman talaga sa kanya. Magaling ang babaita na yun sa sales talk, grabe. Naging mag-kaibigan kami dahil magkatabi kami sa freshmen orientation noon at sya talaga ang unang nag-approach sakin. Hindi naman sya awkward kasama pero mapipilit ka nyang sabayan ang mga kaberatan nya sa buhay. Hindi ko nga akalaing tatagal ang pagkakaibigan namin kahit hindi kami magkaklase.

"On the way na ko bes." sabay patay. Ayokong naririnig yung hagikgikan nilang mag-syota, kabanas. May itsura naman si Raf pero mukha talaga siyang manyakis sa aking paningin.

Sorry, may pagka-bitter ang lola nyo. Wala lang. Ang magkaroon ng lovelife lang kase ang hindi ko naranasan sa itinagal-tagal ko dito sa kolehiyo. May itsura naman ako ah? Mukhang si Jerry lang talaga ang nakakapansin ng taglay kong ganda. Yuck, kadiri to death!!

Habang papalapit ako sa gym, nakakarinig ako ng ingay. Bakit kaya maingay? Ang pagkakaalam ko eh matagal pa ang Intrams.

Pumasok na ako sa loob at kaya naman pala. May mga nagte-training na mga varsity dito kaya halos mangisay ang mga babaeng sumisigaw sa mga kani-kanilang varsity crush. At kaya pala nandito rin si Diamy eh dahil nga varsity yung boyfriend nya. I get it!

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon