Kabanata 3

19 0 0
                                    

Bukas ng laptop. Connect sa wifi. Connecting.. then ting, connected ka balbon! Saktong pagbukas ko ng skype ay tumatawag na si Barakuda este si Kuya.

"Hoy, Sisa! Ba't hindi kita matawagan kanina? Nasaan yung tab mo?"

Ay, shet. "Nakalimutan ko i-charge barakuda ay este Kuya." Hala, narinig ata nya. "Ginamit ko kase magdamag para basahin yung mga pdf notes ko last sem para may alam ako sa pasukan." Okay Sisa, hinga ng malalim.

"Hoy, narinig ko yun. Anong barakuda pinagsasasabi mo dyan? Napaka-gwapo ko namang maging barakuda. HAHAHA!!" Hanep namamalipit na sa tawa si Kuya.

"Kdie. Tumigil ka na kakatawa. Abot hanggang dito yung hininga mo. Wait, kailan ka huling nag-toothbrush barakuda? HAHAHA!!" Ito naman ang pagkakataon kong humagalpak ng tawa, LOL.

Tawa pa rin ako ng tawa. "Or kung kukumustahin mo lang ako eh sana sa tawag nalang. Ayos lang naman ako dito, humihinga pa naman Kuya. Gusto mo lang makita ang magandang mukha ng kapatid mo eh." Okay, kayabangan overload.

"Shut up, tiyanak. Kung maaari nga ayokong nakikita yang pagmumukha mo eh, naaalibadbaran ako. May pinapasabi lang sila Mama na kailangan ay masabi ko sayo ng nakikita yang pagmumukha mo."

"Hep! Alam ko na yan. Na lagi kong i-budget ng tama yung pera ko at huwag gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan." pagtutuloy ko sa sinasabi ni Kuya.

"Tama na sana eh may kulang lang. May padagdag si Tiger Dora. Huling sem mo nalang dyan eh baka magkaroon ka pa ng bagsak. Hindi kakayanin nila Ama kung magli-limang taon ka pa dyan. For sure, magta-transform si Ina into tiger!" matawa-tawang sambit ni Kuya.

"Eh kaya nga nag-advance review na ko kagabi diba? Huwag kayong mag-alala. Marami akong pangarap satin, sakin. At hindi ko rin kakayanin pag hindi ko natupad yun."

"Ayan, ganyan sana. Sige at may trabaho pa ko. Ingat ka dyan tiyanak."

"Bye barakuda, mwa!"

Ganyan kami magmahalan ng aking nakatatanda at nag-iisang kapatid, si Kuya Miguel. Laitan, gaguhan. By the way, muntik na ko kanina. Pinaka-ayaw kase nila eh pag tumatawag sila tapos hindi ko nasasagot agad. Syempre, kakabahan yung mga yun lalo na ang layo ko sa kanila. Himala nga't hindi ako pinagalitan kanina. Miracle is real!

Tinapos ko na ang paglalaba at naligo. Nag-ayos ng aking sarili at ng ako'y makapagpahinga. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, binisita ko muna ang aking mga social media accounts.

And voula! Sangkatutak na notifications! Lagi naman akong connected sa wifi ng condo pero tamad lang talaga akong magbukas. Madalas ko lang buksan ang mga nagkakagulo sa aming group chat sa messenger. Well, member nga ako pero hindi kung maramdaman na kaibigan ko sila. Kaya para mainis ko naman sila, sini-seen ko lang lahat ng pinag-uusapan nila.

Sulitin ko na nga rin magtingin-tingin tutal hindi ko na rin naman ito magagawa dahil pasukan sa Lunes.

Hindi naman ako yung babaeng sikat sa mga social media site, yung maraming likers. Hindi naman marami friends ko sa facebook pero umaabot naman sa mahigit isang daang likes ang pictures ko. May mga followers ako sa twitter and instagram, hindi nga lang ganun karami. Simpleng babae lang ako na sumasabay sa agos ng makabagong teknolohiya para hindi mag-mukhang tanga.

Stalking, ito madalas kong gawin. Mang-stalk ng mga magaganda kong friends sa facebook, umaasa na sana yung mga nararanasan nila eh nararanasan ko rin. Minu-minuto atang nagpo-post ng selfie o hindi naman ay mag-aupload na kumakain sa Yellow Cab or Starbucks. Bakasyon dito, bakasyon doon. Umaabot sa libo ang mga nagla-like. Hindi man artista eh sadyang sumisikat at nakikilala sa taglay na ganda. Pero ang totoo eh, puro filter naman o kaya ay edited. Kung gaano sana kaganda feedback ng pictures nila, ganun rin sana sa academics. I don't think so.

Maganda rin naman ako; may mahabang buhok, 5'0 ang height ko, makinis at maputi. Mahilig rin akong mag-selfie pero hindi ako mahilig mag-post lagi. Paborito kong isuot ang corporate attire na aming uniporme sa unibersidad. Kulang man ako sa tangkad, nadadala ko pa rin ang aking sarili.

Pagkatapos kong -icheck ang aking notifications na puro friend requests lang naman, nagluto ako ng pancit canton flavored spicy chilimansi. Kumuha ako sa mini ref ng kopiko 78°c, yung bang kino-commercial ni Solenn Heussaff at Paulo Avelino? Meryenda time!

Nakakakain rin naman ako ng mga nakakain nila sa mall. Ayun nga lang eh minsan, mas pipiliin kong magtipid para maipambili nalang ng damit or bag; my favorites!

Hindi naman kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Sakto lang. Parehong government employee ang aking mga magulang kaya kahit papaano eh mataas ang sahod nila. Pero kahit ganun, ayaw rin namin ni Kuya Miguel na manamantala. Grabe ang hirap at pagod nila Ama at Ina para mapag-aral kami sa magandang unibersidad. Kaya malaking tinik na rin ang naalis sa kanila nung grumaduate last year si Kuya Miguel. Halos limang taon niya ring binuno ang engineering at sa kabutihang palad ay natanggap rin sya agad sa trabaho. Tumutulong rin sya kila Tiger Dora sa pagpapa-aral sakin. Siya sumasagot sa allowance ko kaya malaking kabawasan iyon sa aming mga magulang.

"Kringgg, tooot!" Hindi utot yun. May nag-text!

"Ingat k jan nak. Labyu" from Tiger Dora.

"Opo. Labyu rin po." reply ko naman. Napangiti ako.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit wala kang masyadong kaibigan, yung pagmamahal na galing sa pamilya ay sapat na para mapangiti ka.

ContoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon